Chapter 3

59 5 2
                                    

(AN: Sydney outfit for imaginary purposes)

Sydney POV

Ring.........Ring............Ring...........

Hinanap ko kung saan nanggaling ang ingay na iyon. Nakapikit pa ang mata ko habang kinakapa ko ang bed side table. I reach for my cellphone, nakakapagtaka lang at tumunog ito dahil sa pagkakaalam ko ay hindi ako nag-seset ng alarm tuwing Sunday. Sunday is stress-free day. Walang accounting na aalalahanin. At himala walang assignments this week.

Binuksan ko yung mata ko at nakita kong tumatawag sa akin si Kenny.

Istorbo talaga!

Siguradong hindi ito importante. Dahil mag-aaya lang itong gumala, lagi naman eh. Para siyang si Dora ang hilig mag lakwatsa tuwing walang klase. Tapos pag gabi niyan magtatanong if tapos na ako sa assignment, pag sinabi kong oo mag rereply ng sana all. Ang sarap lang hambalusin, paano napakatamad kaya hanggang sana all lang ang gaga. Ni reject ko yung tawag niya at sinilent ko ang phone. Bumalik ulit ako sa pagtulog.

__________

Nagising ako sa isang malakas na pag galaw. Pakiramdam ko ay parang lumilindol. Iminulat ko ang aking mata at nakita ko ang mukha ni Kenny na halos dalawang daliri na lang ang layo sa mukha ko. Ugh..... Niyuyog ako ng gaga, pinagsisisihan ko tuloy kung bakit ko binigay ang password ng condo ko.

"Tomboy ka ba?" mahinang wika ko kay Kenny dahil napakalapit ng mukha niya sa akin. Agad naman itong lumayo sa akin at tinakpan ang kanyang ilong.

"Morning breath Sydney" sambit nito. Ang arte ha, kahit na kakagising ko lang ay hindi mabaho ang hininga ko. I'm Sydney Williams and everything about me is perfect. Kung hindi man perfect ay almost perfect. Kaya wala akong Morning breath, tsk.

"And for your question Sydney, hindi ako tibo baka si Trinity pwede pa" Kenny giggled. Tinignan naman siya ni Trinity ng masama.

"I'm a man hater pero hindi ako tibo Kenny" matapos ay umirap ito. Pansin ko habang patagal ng patagal ay pataray ng pataray itong si Ty. Dati naman ay wala lang itong kibo, nagbago lang talaga ang ugali nito these last few days.

"Oh well walang masama kung umamin ka" asar pa sa kanya ni Kenny.

"Tumigil ka nga sa pag aasar Kenny baka makatuluyan mo yang si Ty" ngiseng sambit ni Stef.

"Excuse me. Na ah ah, maganda si Trinity pero mas gusto ko ng hotdog"

'Bunganga talaga'

"So bakit kayo nandito. No let me rephrase it, saan niyo na naman gustong mag lakwatsa?" nakataas na kilay na tanong ko. Sumingit na ako sa usapan nila dahil napapalayo sila sa topic tungkol sa pag istorbo nila sa akin sa pagtulog.

"Well sa mall na lang tayo, mag window shopping. If mabait ka naman pwede mo rin kaming ilibre ng hindi lang puro window shopping ang gawin namin" nakangiting pahayag ni Kenny sa akin, pumikit pikit pa ang mga mata nito na parang nag papacute.

Nagsalubong ang kilay ko.

Napaka-kuripot talaga, samantalang siya itong may pinaka-malaking allowance sa amin.

"Ang panget mo" napasinghap naman ito sa sinabi ko at nakatakip pa ang kanyang bibig gamit ang kanyang kamay.

Ang OA ha!

Akmang hahambalusin ako nito ng unan ng itulak ko ito. Rinig na rinig ang pagbagsak niya sa sahig mula sa kama.

"AHHH ARAY! YUNG BUTT KO NAFLAT ATA, NAPAKA MALDITA MO TALAGA SYD!" hinaing pa nito habang hinahaplos ang kanyang puwetan.

San Diego Series: The Guy Named NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon