Sydney POV
'Crap'
Hindi ko alam kung paano ako mag rereact. Kahapon ko lang nalaman na tatlong taon ko ng kapitbahay si Night. Tatlong taon. Sa loob ng tatlong taon hindi ko iyon nalaman. Siguro dahil hindi naman talaga ako friendly sa mga neighbors ko kaya ganun. Kung hindi ko lang siya aksidemtemg nakitang lumabas ng unit na katapat ko lang ay hindi ko malalaman na siya pala iyong kapitbahay ko na hindi man lang lumalabas ng unit niya. Or maybe lumalabas siya kaso hindi kami nag memeet. Pero tatlong taon talaga na hindi ko man lang siya na tyambahan.
Idinuko ko ang ang aking ulo sa lamesa. Maaga pa kaya wala pang masyadong estudyante sa school. Hindi kasi ako makatulog kakaisip, kaya maaga na lang akong pumasok. May dapat ba akong sabihin sa kanya o wala. Naguguluhan ako, paano ba naman kasi. Pagkabanggit niya ng pangalan ko ay agad niya akong nilayasan. As in lumayas, may pagkabastos siya ha. Pero halatang bad mood kahapon iyon. Binalibag ba naman iyong pintuan ng condo niya. Masama din iyong timpla ng mukha niya kahapon na pilit niyang itinatago.
First time ko siyang makitaan ng emosyon, tapos galit pa. Nahihirapan na ako, bakit na siya bad mood kahapon. May nangyari ba? Masama ba pakiramdam niya. O kaya may gumalit sa kanya. Ughhh. Ang hirap naman nito, tama nga ang sinasabi nila curiosity kills the cat. Kahit hindi ako cat ay sa tingin ko mamatay ako kakaisip. Hindi ko alam bakit, pero basta curious talaga ako sa kanya. Sa buong pagkatao niya. Nakakaasar. Naaasar na ako sa sarili ko.
Sabi ni Kenny dati hindi na daw curiosity ang nararamdaman ko kungdi like. Pero napaka imposible niyon. Kasi kahit mamatay man si Kenny, curious lang talaga ako. Pero may curios bang umaabot ng tatlong taon. Posible bang hindi mo magustuhan iyong tao na nag ookyupa ng isip mo. I mean yes iniisip ko siya. Alam mo iyong isa siyang puzzle na gustong gusto kong mabuo. Kaya nag iisip ako ng paraan para mailagay ko sa tamang kalagyan iyong mga puzzle pieces.
Pero sa kaso ni Night paano ko ilalagay ang mga puzzle pieces kung wala ako niyon. Sa tatlong taong pag iistalk, i mean tatlong taon na aksidenteng nakikita ko siya. Wala man lang akong nalaman sa kaniya, maliban sa lalo siyang gumagwapo habang patagal ng patagal o meron pa pala, mahilig siya sa dark color clothes. Ano pa ba, hmmm. Natural na sa kanya na pumasok sa school na medyo magulo ang buhok. Iyong tipong i woke up like this lang ang peg. Mahilig siya sa kwek kwek at lemon juice na walang sugar. Matalino rin siya at naglalaro siya ng badminton. Balita ko nga kasama siya sa varsity. May mga babae ring nagkakagusto sa kanya. Noong isang araw ay namataan ko nga iyong may gusto sa kanya, inabutan siya ng pagkain. Hindi ko nga lang alam kung ano iyon.
Hmp! Hindi naman maganda iyong nagkakagusto sa kanya eh. Ang kapal ng make up, ang puti masyado ng mukha dahil sa foundation. Halatang halata pa dahil magkaiba ang kulay ng mukha niya sa leeg niya. Ang kapal masyado ng lip balm, akala mo dumugo iyong labi niya. Mas maganda naman ako roon, pero iyon agad niyang tinanggap iyong binigay na pagkain ng babae. Samantala nung binigyan ko siya ng lemon halos nag alinlangan pa. Kung hindi ko pa sinabi iyong palusot ko sa kanya na kunwari pasasalamat iyon hindi pa niya tatanggapin. Nakakagigil talaga ang lalaking iyon.
Ang arte arte akala mo babae
Kailangan niya ng palitan iyong salamin niya. Dahil siguradong tumaas ang grado ng mata niya. Ang dali siyang malinlang nung babaeng nagkakagusto sa kanya. Hindi ba niya naisip na baka may gayuma iyong pagkain, o sige kung hindi gayuma ay lason na lang. Tsk. Hindi nag iisip, kung gusto niya ng pagkain pwede naman siyang magsabi sa akin. Available ako anytime na gumawa ng foods. Ahem. Ang ibig kong sabihin pwede akong gumawa ng food bilang pag welcome sa kanya rito sa Blossom Academy.
Teka! Kung tatlong taon niya na akong kapitbahay. Ibig sabihin narinig niya ang maganda kong boses sa tuwing nagwawala, Ahem. Sa tuwing kumakanta ako. Hala! Nakakahiya. Alam kong maganda ang boses ko pero nakakahiya pa rin. Pero 'sigh' fine, aamin na ako. Frustated singer ako. Kaya nahihiya ako baka narinig niya na akong kumanta. Hindi ko pa naman alam kung sound proof iyong unit ko. Sana naman sound proof iyon. Sana naman talaga.
BINABASA MO ANG
San Diego Series: The Guy Named Night
Подростковая литератураThe first time Sydney Williams saw Night San Diego, she was curious. The way Night look at her without admiration like others have. When his blank gaze met her, she knew curiousity hits her. But curiosity killed the cat. Is she willing to let her he...