Chapter 21: Tears and Goodbye

151 5 1
                                    

Nakita ko na lang na umiikot yung kotse ni Donghae sa kalsada habang nakatigil yung nakabunggong truck sa tabi ng isang light post. Nagdatingan ang ilang ambulansya para saklolohan sina Donghae at Jessica at pati na rin yung nasa truck.

Everything happened in an instant. Wala akong magawa. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Nablangko yung isipan ko. At nagsimula na lang tumulo yung luha ko...

Nung nakita ko ng umaalis yung ambulansya kasama sina Donghae at Jessica, agad akong naghanap ng masasakyang taxi para magpahatid dun sa ospital na pagdadalhan nung dalawa.

Nung makarating ako sa ospital, "Miss, saan po dinala sina Donghae at Jessica? Saan po ang emergency room dito?" natataranta kong tanong sa nurse na nakita ko.

"Ma'am, doon po..." sabay turo sa may left side ng ospital.

"Okay, salamat..." agad akong nagmadali papunta sa emergency room para makita ang kalagayan ni Donghae at Jessica.

Nung makarating ako, medyo nakahinga ako ng maluwag nung makita ko si Donghae na nasa labas ng emergency room at may mga konting benda sa kanyang kanang braso. Nakayuko siya habang yung dalawa niyang kamay ay nakasabunot sa buhok niya.

"Donghae..." mahina kong sabi.

Tumayo siya agad at niyakap niya ako. Dahil sa yakap niya ako, nararamdaman ko yugn panginginig ng katawan niya.

"M-maupo ka muna..." sabi ko, sabay inupo siya sa may upuan. Tumabi ako sa kanya. "A-ayos ka lang? Nanginginig ka..."

"S-si Jessica... Si Jessica... Naaksidente siya dahil sa akin... A-ako yung may kasalanan. SObrang duguan siya. Nasa emergency room siya dahil sa akin. Ako ang may kasalanan nun... Ako yung dapat sisihin dito..." dire-diretso niyang sabi. Sinisisi niya yung sarili niya sa nangyaring aksidente.

"H-hindi mo naman kasalanan yun... Aksidente yun. W-walang may kasalanan... Hindi mo kasalanan yun..." sabi ko para kumalma si Donghae.

"Pero..." at tuluyan ng umiyak ng umiyak si Donghae. I stayed by his side. Habang hinahaplos-haplos yung likuran niya.

We stayed that way habang hinihintay yung resulta tungkol kay Jessica.

---

Ilang oras yung lumipas bago may lumabas na isang doktor mula sa emergency room,

Agad kaming napatayo parehong ni Donghae, "Doktor, ayos na po ba yung pasyente?" ako na yung nagtanong. Kapit ko kasi yung kamay ni Donghae at feeling ko natatakot siyang magtanong sa doktor dahil baka hindi niya magustuhan yung isasagot ng doktor.

"She's okay now. Kailangan na lang natin siyang hintaying magising..." Nakahinga na ako ng maluwag pero si Donghae mukhang bothered pa rin.

"Relax lang, Hae... Relax lang... Magiging okay ang lahat..." pag-a-assure ko kay Donghae. Tapos pumasok kaming dalawa sa kwarto ni Jessica.

"Umuwi ka muna... You need to rest. Balak ko pa naman i-celebrate  yung 3rd month natin together pero may nangyaring ganito... Sorry..." medyo kalmado na yung tono ni Donghae nung makita niyang medyo ayos na yung lagay ni Jessica.

"Eh pano ikaw?" tanong ko sa kanya.

"Dito muna ako... Hihintayin ko siyang magising..." sagot niya.

Parang biglang may kirot akong naramdaman sa puso ko. Hindi naman sa pagiging selfish pero pakiramdam ko nasasaktan ako sa narinig ko na parang gustong mapag-isa ni Donghae kasama si Jessica.

Lee Sisters' Story - My HAEven (Heaven) on Earth *Completed*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon