Chapter 13: You Are My HAEverything

218 10 6
                                    

"Huwag ka ngang kumanta, kinikilig ako... hihihi" sabay tapik ng mahina sa braso niya.

"Hahaha..."

Grabe~! tawa palang niya naiin-love na talaga ako... Tapos ngumiti pa talaga sa harap ko. Pinapatay na talaga ako nito pero okay lang kasi sobrang mahal ko na talaga itong lalaking ito... :))

Hulaan nyo kung sino?...

Ang obvious ko talaga kahit kailan...

Sa buong kwento ko naman, isang lalaki lang yung minahal ko eh...

Well, isa lang naman talaga eh...

At yun ay walang iba kung di si....

KIM JONG WOON...

Ay! Typo... Pasensya na...

si LEE DONGHAE pala... XDD

---

Oo na... Oo na... Alam ko namang gustong-gusto nyo ng malaman kung ano yung nangyari dun sa last chapter... hihihi... Sige, ikukwento ko sa inyo... :))

<flashback>

"SABI KO, IKAW PA LANG YUNG UNANG NAKARINIG NG KANTANG YAN!!!" pasigaw niyang sabi...

Napatulala ako sa sinabi niya. Kahit na ang dami-daming tanong sa isip ko. Walang lumalabas na salita sa bibig ko. Na-trapik yata yung sasabihin ko kaya wala akong masabi. Para bang naging pipi ako bigla. Pero...

"P-pakiulit nga yu-yung si-sinabi mo..." mahina kong sabi sa kanya...

"Tss... Hay naku..." para bang naasar yung tono niya. Tapos napakamot ng ulo gamit yung kaliwang kamay niya. "Sabi ko, ikaw palang yung unang nakarinig ng kantang yan..."

Dahan-dahan niya akong binitawan sa wrist ko. Pero bago niya pa mabitawan yung kamay ko ay ako naman agad yung kumapit sa kamay niya.

"T-to-totoo b-ba y-yung s-sinabi mo?" nauutal kong tanong. Napatungo ako nung sinabi ko yan at tinignan lang yung kamay niya na hawak ko. Para bang nahiya kasi ako sa ginawa ko. Hindi ko alam. Feeling ko kasi sobrang pulang pula na ng mukha ko at nakakahiya naman kung makikita niya akong ganito.

Inalis niya yung kamay ko na nakahawak sa kanya at kinapitan ako sa magkabila kong balikat at iniharap sa kanya. Itinaas niya rin yung ulo ko para maging pantay yung mukha namin at magkaroon kami ng eye-to-eye contact.

"Ano ba'ng gusto mong gawin ko para maniwala ka?" parang seductive na paawa yung tono ng pagkakasabi niya.

SYET!!! Pwede ng mamatay?? Grabe~! Nakakaloka... Kung wala lang kami dito sa SME ay malamang ni-rape ko na 'tong lalaking ito. Napaka-irresistable kasi eh. Tapos nangse-seduce pa. Pag ako lang talaga hindi nakapagpigil... Nakooo~

Unti-unting lumapit yung mukha niya sa mukha ko...

Yung tipong halos 1 inch na lang yung pagitan naming dalawa.

Grabe~! Naaamoy ko yung fresh air... I mean, naamoy ko yung fresh breath niya... Eh ako kaya? Ano kayang amoy ko? Galing akong practice at hindi pa nakakapag-retouch kahit konti... Nakakahiya naman sa kanya...

Oh gosh?

Am I ready?

*kiss* <--- kayo na bahala sa sound effects! hindi ako magaling dyan eh.. XDD

Ganito pala yung feeling nun....

Akala ko romantic na yung pag hinalikan ka sa labi...

Pero bakit ganun....

Lee Sisters' Story - My HAEven (Heaven) on Earth *Completed*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon