Chapter 23: Still With You

127 9 7
                                    

Sa kalagitnaan ng pagmamadali ng taxi, nakabunggo ito ng isa pang taxi. At dahil sa sobrang taranta ko, binayaran ko na lang yung taxi driver at hindi na kinuha yung sukli, tumakbo na ako papuntang airport.

No. Wag mo akong iwan Donghae. Hindi pwede... Hintayin mo ako, konti na lang, malapit na ako... Wag ka munang umalis...

Hinubad ko na yung suot kong sapatos at dali-daling nanakbo papuntang airport. Wala na akong pakialam sa mga taong tumitingin sa akin, ang nasa isip ko lang kasi ay ang maabutan si Donghae at mapigilan siya sa kanyang pag-alis.

Bilis Joonhee! Bilis...

Sa sobrang pagmamadali ko, nakarating ako sa airport. Pero hindi ko alam kung saan sila hahanapin doon.

Agad akong pumunta sa front desk,

"Anong oras po yung alis nung flight na papuntang America?" agad kong tanong dun sa babae sa may front desk.

"Mam, 30 minutes na po since umalis yung flight na yun. Pero may second flight pa naman po mamayang hapon..."

Nanlumo ako doon sa sinabi nung babae, tumalikod na lang ako at dahan-dahang lumakad paalis kapit-kapit yung sapatos ko.

Naupo na lang ako doon sa may upuan sa may waiting counter at tahimik na umiyak...

Bakit nahuli ako? Bakit umalis ka ng hindi ako kasama? Bakit hindi ka man lang nagpaliwanag sa akin? Bakit?

At tuluyan ng pumatak yung mga luha ko. Wala na akong pakialam sa mga taong naghihintay ng flight nila. Tahimik lang akong umiyak doon. Okay lang naman na pagtinginan nila akong lahat. Ayos lang, basta mawala yung nararamdaman kong bigat sa puso ko.

Nagulat ako nung biglang may tumapik sa balikat ko.

Ganitong-ganito yung mga eksena sa pelikula na akala nung bidang babae, nakaalis na yung leading man niya pero sa huli hindi naman pala ito tuluyang umalis at magkikita silang dalawa at muling magkakabalikan.

Pinanghahawakan ko yung ganung eksena. Naniniwala akong si Donghae yung kumapit sa balikat ko. Ngunit pag-angat ko nung mukha ko,

"Y-yesung?" naluluha kong sabi. Dobleng sakit ulit yung balik sa akin nung pag-assume ko na si Donghae ito pero hindi pala.

"Halika na..." sabi nito. Itinayo niya ako. "Bilis na, hahabulin natin sila..."

Mas lalo akong napaiyak dahil sa sinabi niya at napayakap ako sa kanya.

"S-Salamat Yesung... Salamat..." dire-diretso yung pagpatak ng luha ko. Tapos dinala niya ako sa isang lugar kung saan may private plane.

"Nakahingi na ako ng permit para gamitin yung private plane namin. Gusto ko lang maayos yung anumang gulo sa pagitan ninyo ni Donghae..." inilahad niya yung kamay niya at inalalayan niya ako paakyat nung private plane.

"S-salamat talaga... H-hindi ko alam kung paano mababayaran itong pagtulong na ginagawa mo sa akin... Maraming salamat talaga Yesung..."

Magkatabi kaming naupo sa napakalawak na private plane nila.

"Magpahinga ka muna. Mahaba-habang biyahe ito..."

Sa sinabi niyang iyon, nakatulog ako.

---

Ilang oras yung lumipas at nagising na ako mula sa pagkakatulog ko. Napatingin ako sa katabi ko, tulog din ito at nakasandal yung ulo niya sa balikat ko habang kapit yung kamay ko.

Lee Sisters' Story - My HAEven (Heaven) on Earth *Completed*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon