Chapter 11: Tara, Let's Talk

195 12 13
                                    

Haloo~! Good MORNING!! Ang aga ko nagising ngayon. Actually, hindi nga ako masyadong nakatulog kasi today is the day na magkikita kaming muli ng aking Donghae-mahal... Woot! Woot! Ako na talaga excited. 

8am. Since hindi ko alam kung anong oras siya darating, nag-ayos na ako ng itsura ko. Naligo and naglagay ng konting make-up. Konti lang, hindi naman masyadong makapal. Hindi nga halata eh. hahaha. Nagpapaganda para kay Donghae-my-labs...

Narinig ko na lang ang kahol ni Mocha at ni Donghae nung mga 11am na. Siguro sina Mama yun, pauwe galing ng grocery. Namili kasi sila ng mga iluluto nila. Sabi kasi nila ipagluluto nila ako kasi ngayon lang ako nakauwi ng bahay.

Pagbukas ko ng pinto...

Wiiiiieeeeeeee~!

Donghae agad?

Agad? Agad?

Kaloka?

Hahahaha....

"JOONHEE? Ikaw ba talaga yan?" nanlalaki yung mata niya nung nakita niya ako. Mukhang nagulat yata.

"Y-yes?" Parang nagtataka ako sa tanong niya. Obvious naman na ako to eh. Ano bang pinagbago ko? Pumayat lang ako ng konti ah. As in konti lang naman. Bakit parang nung nakita niya ako eh, ang laki ng pinagbago ko? Nakakaloko ah...

"Grabe! Hindi ka ba pinapakain sa mga tita mo at ganyan ka kapayat?"

OA na si Donghae-my-labs ah.. Concerned sa'kin.... Yiieeeh!~ Kakilig. 

"H-ha? A-ah... N-nagda-diet kasi ako..." palusot ko...

"Wahahahaha..." ayun natawa siya. Syet! Ang gwapo pa rin. Kahit yata maglupasay 'to sa kakatawa eh gwapo pa rin talaga. Ano ba yan? Pinagpala masyado 'tong asawa ko...

Tinulak ko siya ng onti para tumigil sa kakatawa. "OA ka an ah... Baka hindi ka makahinga niyan sa kakatawa. Tumigil ka na nga at pumasok na sa loob..." yaya ko sa kanya tapos pumasok na kami sa loob.

Kumuha ako ng makakain sa kusina tapos nakita ko siya sa may sofa namin na nilalaro si Donghae. Grabe napatigil ako habang nakatingin sa kanila. Nakahiga si Dog-hae sa lap ni Donghae habang hinihimas ito ni Donghae. Pakanta-kanta pa si Donghae ng mahina. Ang swerte naman ni Dog-hae, buti pa siya nakahiga sa lap ni Donghae at hinaharana pa. Ako kaya? Kelan makakahiga sa lap niya habang kinakantahan niya? Hays...

"I wanna hold your hand...

I wanna kiss your lips

I wanna fall in love with you

Must be beautiful, lovely day..." kanta ni Donghae-my-labs 

"Oy!~ food oh... Kain ka..." alok ko sa kanya

"Wow! Nag-abala ka pa..."

"Ba't ka nga pala nadalaw dito?" tanong ko sabay upo dun sa kabilang dulo ng sofa. Nahihiya akong tumabi sa kanya eh...

"Wala lang... Akala ko nasa tita mo ikaw? Ba't andito ka? Siguro nung nalaman mong dadalawa ako ulit dito ay nagmadali kang bumalik..." tumingin siya sa akin tapos nagsmile siya ng nakakaloko.

Nag-blush naman ako ng konti kasi totoo naman yung sinasabi niya. Well, slightly true, "H-hindi a-ah..." pagde-deny ko. Buti nalang dumating sina Mama kaya natigil yung pag-uusap namin. Tumayo n ako at lumapit kay Mama para tulungan siyang dalhin yung mga napamili niya. Ganun din yung ginawa ni Donghae. Tinulungan niya si Papa sa mga dala niya. Nagluto lang sina Mama ng ulam tapos nag-stay kami sa may garden ni Donghae. Tahimik lang kaming dalawa tapos biglang nag-open ng topic si Donghae.

"Alam mo kamukha ka nung isang trainee sa SME. Akala ko nga nung una ikaw yun eh, kaso nga lang payat siya nung nakita ko. Tapos nung nakita kita ngayon, parang ikaw nga yung nakita ko nun sa corridor kaso hindi ko nilapitan kasi baka hindi ikaw, mapahiya pa ako. And it turns out na hindi nga ikaw yun. Hun Joonhee kasi yung pangalan. Kapangalan mo lang pala. Baka hindi ikaw..."

Lee Sisters' Story - My HAEven (Heaven) on Earth *Completed*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon