Chapter 19: Those Childish Actions...

213 8 12
                                    

"Aalis na ako. Andyan na pala yung kasama mo..." mahina kong sabi, tapos tinanggal ko yung pagkakakapit niya sa kamay ko.

"Aalis ka na naman... Hindi mo na naman papakinggan yung paliwanag ko! Paano tayo magkakaintindihan nyan kung lagi mo kong iiwasan at hindi papakinggan ang paliwanag ko! Joonhee naman! Please kahit isang beses lang..." medyo galit yung tono ng boses niya nung umpisa hanggang sa naging paawa na nung dumating sa dulo ng sentence niya.

Napansin niyang iniiwasan ko siya? Eh pano ba namang hindi ako iiwas, eh masasaktan na naman ako. Dadagdagan na naman itong sakit sa dibdib ko. Kaya nga tumatakas na lang ako para hindi na masakit. Para hindi ko na maramdaman yung sakit... TT^TT

Dahil sa sinabi ni Donghae, nanatili na lang ako sa kinatatayuan ko habang nakatungo at nakatingin sa sahig. Hindi ko hinahayaang magkaroon kami ng eye contact ni Donghae, ni hindi ko rin tinitignan si Jessica na andoon pa rin sa room at hindi nagsasalita.

"Ehem..." umubo si Donghae. Punung-puno ng awkardness yung buong room. Wala ni isa sa amin ang gustong magsalita. Ako naman nagpipigil na may pumatak na luha sa mga mata ko.

Ayokong makita nila akong umiiyak. Ayokong maawa sila sa akin.

"Ganito kasi yun..." panimula ni Donghae, "We're not together okay..."

S-sino yung tinutukoy niya? Kami? Or sila? Teka, siguro kami yun... Hindi naman kasi talaga kami. Nagpapaliwanag siguro siya kay Jessica. Tama! Bakit nga ba siya magpapaliwanag sa akin. Staying here is really a bad idea. Nagsisikip na naman yung dibdib ko. :'(

Hindi ko makita kung sino yung kausap ni Donghae dahil nakayuko pa rin ako at nakatingin sa sahig. Ayokong mag-angat ng mukha, baka makita nila yung mga pigil na luha sa mata ko.

"Hey! We're not together okay! Everything was just a scene... It was scripted, okay..." patuloy na pagpapaliwanag ni Donghae.

So, scripted pala kaming dalawa. Leshe~ Bakit affected ako? Scripted lang pala yun. Ako naman 'tong umasa. Aish~ Okay fine, scripted lang yun. Hindi siya inlove sa'kin. Everything was just a show. Ngiti na, Joonhee. Ngiti na! TT^TT

"Hoy! Mag-react ka naman..." utos ni Donghae.

Ako? O si Jessica? Malamang si Jessica, kailangan niyang mag-react sa revelation ni Donghae sa kanya. Yey! Kailangan kong maging masaya, nagkabalikan na sila! Yey! *confetti* Party! Party! =__________=

Nagising na lang ako nung may kumapit sa magkabila kong balikat at inalog-alog ang buong katawan ko.

"B-bakit ba?" gulat kong tanong. "A-anong gagawin ko? Aalis na ako? Pwede na bang umalis? Tapos na naman diba?" dagdag ko. Hindi pa rin ako nag-aangat ng mukha ko.

"Let me talk to her... Okay..." inalis ni Jessica yung kamay ni Donghae sa balikat ko at hinila ako sa isang sulok ng room. Medyo malayo sa kinaroroonan ni Donghae.

Nag-usap kaming dalawa ni Jessica at after ng pag-uusap na yun, bigla ko na lang nayakap ng sobrang higpit si Jessica.

"Hey! Hey! Nasasakal na ko! Okay na tayo diba?" sabi niya. Tapos tinanggal yung pagkakayakap ko sa may leeg niya.

"Okay na! Okay na okay! Salamat!" tapos niyakap ko ulit siya. This time, isang friendly hug na.

"Let's be friends okay, I'm Jessica..." pormal na pakilala niya sa akin tapos inilahad niya yung isang kamay niya.

"Okay! Friends. I'm Hyun Joonhee... Sorry if I misjudged you before. You're not as bad as I thought..." tapos kinuha ko yung kamay niya and nakipag-shake hands.

Lee Sisters' Story - My HAEven (Heaven) on Earth *Completed*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon