Chapter 1: Annyeong

389 14 1
                                    

Ilang beses ko na siyang napapanuod kasama yung grupo niyang Super Junior sa stage na 'yan pero hanggang ngayon hindi nawawala yung feeling ng paghanga dahil sa galing niyang sumayaw, galing niyang kumanta, galing niyang magperform at galing niyang makipag-interact sa mga fans. All-out-performer siya.

Matagal ko na siyang sinusubaybayan, simula pa nung mga bata kami. Hindi ko inakala na maabot niya yung pangarap ng kanyang ama. Hindi naman talaga niya pangarap maging singer at dancer, sa pagkakaalam ko, gusto niya talagang maging isang athlete, a soccer player to be exact, but due to the influence of his father, he decided to take the road to the entertainment industry. And who would have thought that he would succeed and maging ganto kasikat?

Sana kahit nandyan na siya sa lugar na yan, kahit na sobrang taas na niya, kahit sobrang magka-ibang level na kami, sana maalala niya pa rin ako. Ako kasi never ko siyang nakalimutan. Never siyang nawala sa isip ko.

Oo, sabihin na natin na parang tanga ako. Kasi pinanghahawakan ko pa rin yung pangako niya sa akin bago siya pumasok sa industriyang tinutungtungan niya ngayon. 'I shall return' parang MacArthur lang yung dating niya nung sinabi niya yan sa akin. Pero ako, syempre naniwala. Siya kasi yung nagsabi. May tendency kasi ako na sa kanya lang maniniwala ng lubusan at kahit malayo siya sa akin, I know magkikita ulit kami and babalik yung dati naming friendship.

Sa tuwing maalala ko yung pangakong yun ni Donghae hindi ako nawawalan ng pag-asa na balang araw magkikita kami. Pero syempre hindi maiaalis sa isip ko na mag-doubt na baka nakahanap na siya ng bago. Wala naman kasi kaming commitment sa isa't isa. Pure friendship lang para sa kanya yung relationship naming dalawa. Pero para sa akin, he's more than a friend. Eh pa'no ba naman kasing hindi ako mahuhulog ang loob ko dun sa lalaking yun eh ang gwapo-gwapo, ang galing sumayaw, ang gwapo, ang galing kumanta, ang gwapo, ang galing magpatawa, tapos ang gwapo, ang galing magpa-cute, nag-uumapaw yung sex appeal at higit sa lahat ang GWAPO-GWAPO... OA ba masyado yung description ko sa kanya? Eh kasi naman, totoo namang ang gwapo-gwapo niya. Yung itsura niya hindi katulad ng age niya. Medyo baby-face kasi siya and may pagka-childish pa pero yun yung mga bagay na mas nagpapa-cute sa kanya.

---

"Mocha! Come here!" tawag ko dun sa alaga naming aso. Isa siya sa mga pinahahalagahan ko kasi regalo siya sa akin ni Donghae nung last birthday ko. 

"Arf! Arf!"

"Good girl... Na-miss mo na siguro si Dad mo no...hahaha. Hayaan mo, babalik yun. Nangako siya sa akin eh, Let's go inside at panuorin yung Dad mo..." sabi then binuhat ko siya papasok ng bahay. Yung Dad na tinutukoy ko ay syempre si Donghae. Meron pa bang iba?

Hawak-hawak ko pa siya habang nakaupo sa may sofa sa harap ng TV at plinay ko yung 'Exploration of The Human Body'. Yun yung TV series ng buong 13 members. Gusto ko kasi silang makitang buo ulit, yung sama-sama, yung masayang nagtatawanan, masayang nag-aasaran. Kinuha ko na yung popcorn na niluto ko kanina at pinanuod ko yun habang kumakain ng pop corn.

Wahahahaha... I was laughing the whole time habang pinapanuod ko yung bawat episode. Wala namang tao sa bahay so hindi ako pagkakamalang baliw dahil sa lakas ng tawa ko. Dahil enjoy na enjoy ako sa pinapanuod ko, hindi ko namalayang may pumasok pala sa bahay namin and narinig ko nalang si Mocha na kumakahol while there was someone na nagtatakip sa mata ko. Isang kamay lang yung gamit niya para takpan yung dalawang mata ko, 

"W-who are you? What are you doing in my house?" tanong ko. Syempre kinakabahan na ako kasi hindi ko inaakala na biglang may papasok na lang sa bahay namin, and Mocha was acting weird. Malakas yung kahol niya and para bang may kaaway siya.

"Yah! Pakawalan mo ko or else..." sabi ko, pero hindi ko pa rin matanggal yung pagkakapit nung kamay niya sa mata ko. Bigla niya akong tinakpan sa bibig gamit yung left hand niya kaya hindi ko na natuloy ang sasabihin ko.

Grrrrr....

Narinig ko yung growl ni Mocha. Sige Mocha, ipagtanggol mo ko. Kagatin mo siya, gawin mo ang makakaya mo para iligtas ako. Please Mocha, save me! Para namang maiiligtas ako ng isang Shih Tzu. But she's my only hope. MOCHA! SAVE ME! JEBAL!!

"Sit..." sabi nung nagtatakip nung mata ko.

Arf! Arf!

W-wait lang... Bakit biglang naging maamo yung tahol ni Mocha? Bakit hindi na siya kumakahol? Grabe, isang sabi lang ng 'sit' naging mabait na siya? How can he save me? Ano bang klase siya ng aso, bakit hindi niya ako pinagtatanggol? Naging kakampi na niya rn itong nagtatakip ng mata ko? Waaah... Mocha! You're a bad girl! Hindi ka maghahapunan mamaya! 

"Wahahahah..." narinig kong tumawa yung nagtatakip ng mata ko.

Bakit siya tumatawa? Nababaliw na ba siya? Ano ba'ng nakakatawa? Natatawa kaya siya dun sa pinapanuod ko? Sabagay, nakakatawa naman talaga yung Episode 12 eh, grabe yung underwater kiss nila... Tapos yung mga kalokohan pa nung isang grupo. Kung anu-ano yung binili para lang makahinga underwater. Tapos yung synchronized dance pa nila na hindi synchronized. Pati yung pangti-trip ni Kibum dun sa isang swimmer. Waah! Nakakatawa nga yun. Dapat natatawa rin ako habang pinapanuod  ko yun eh. Panira ng moment 'tong nagtatakip ng mata ko... KYAAA!! Wait nga, nadi-distract naman ako nung tawa niya. Ang dami kong inisip. Kailangan kong makawala dito kundi baka pagdilat ko wala na kaming mga gamit sa bahay. Patay ako pag nagkataon...

At dahil wala na akong maisip na gawin. Ginawa ko na yung last resort na naiisip ko.

Whatever happens, ginawa ko lang ang nararapat para ipagtanggol ang sarili ko ah... Walang sisihan, tinakpan mo mata ko, tapos ayaw mo pang magpakilala. Bahala ka! Masasaktan ka ng dahil sa akin. Humanda ka na!

Kinagat ko ng sobrang diin yung kamay na nakatakip sa bibig ko, dahilan para mabitawan niya yung pagkakakapit sa mata ko. Yey! Nakaganti na ko. Bugbog sarado ka sa akin.

"Aray!!!"

Pagtalikod ko at pagharap ko dun,

"Yah! Bakit mo ko kinagat? Ang sakit naman..."

Kinusot-kusot ko yung mata ko.

Am I dreaming?

"Annyeong!"

Kumaway siya.

Natameme ako bigla.

"A-annyeong..."

WTH is Lee Donghae doing in our house??

^____________________^

Lee Sisters' Story - My HAEven (Heaven) on Earth *Completed*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon