Chapter 9: Confrontation

184 10 8
                                    

Ayan, updated na... Sorry kasi super late na.. yung mga naghintay, pasensya if hindi kayo ma-satisfy sa chapter na 'to... T^T

***

Hello... Sad ako ngayon eh... Pasensya... Wala ako sa mood talaga. Gumaling na yung paa ko pero yung puso ko hindi eh... Asa practice room kami, kasama ko yung ibang mga napiling back-up dancers nila. Yung dalawa, andun, kasama yung respective partners nila. Nakakainggit, kasi natupad yung matagal na nilang gusto. Pero bakit ako hindi? Matagal ko na rin namang gusto 'to ah. Simula palang nung nalaman kong nag-audition si Donghae at nakapasa siya, pinangarap ko ng makapasok din sa mundo niya. Pero bakit hindi ako yung kasama niya? Bakit iba? Ako dapat yung kapartner niya. Yung kasabayan niya sa paggalaw sa bawat tugtog. Ako dapat yun... Si Joonhee dapat... Hindi siya... Selfish ako eh, gusto ko sa akin lang si Donghae... Sa'kin lang siya...

"Uyy! magi-start na daw ulit, tumayo ka na dyan" kalabit sa akin nung isang back-up dancer.

"O-okay..." tumayo na ako at nagsimula ng mag-practice muli.

Hindi ko pa ulit nakakasama sina Jae-eun at Sunhi after nung napili silang partner nila Sungmin, Eunhyuk at Donghae. Mukhang sobrang busy sila. Nakakainggit talaga.

---

Super Junior's Concert  

Nasa backstage ako. Andun kaming lahat ng back-up dancers. Napanuod ko pa nga yung solo ni Sungmin at tingin ko, nag-enjoy si Sunhi bilang partner itong kalabasang ito. Mukhang may something na sa kanila. Nakita ko kasi na bago matapos yung solo ni Sungmin ay kiniss niya sa cheek si Sunhi. Parang ang dami ring fans na nagulat sa ginawa niya at napasigaw. Yung iba kinilig, yung iba nagselos. Ako, syempre kinilig. Bet ko talaga ang loveteam nila eh... hahaha... :)

Eto na... Eto na... Solo na nila Donghae at Eunhyuk. Nakakaasar kasi nasama ako sa mga magba-back up dancer sa solo pa nila. Alam mo yung bastusan talaga? Dapat ikaw yung kapartner nung bidang lalaki pero anong nangyari, yung kontrabida yung kasama niya. Hay... Sorry talaga Jae-eun if I'm being mean to you ng hindi mo alam. Eh kasi naman, hindi mo pa ine-explain kung bakit nagkaganun eh. Sana nilinaw mo sa akin ang lahat para hindi ako ganito... Para hindi ako bitter... :'(

Ayun, nagsimula na yung tugtog. Si Donghae muna yung unang sumayaw. Solo niya muna, tapos partner niya si Jae-eun. SYET lang talaga, ang sakit sa loob habang nakikita ko silang magkasayaw. Ang sakit lang talaga. Sana  pala nakuntento na ako dati na audience lang niya. Na nasa baba lang ako ng stage at pinapanuod siyang magperform. Sana hindi na ako naghangad pa ng ganitong bagay. Dati kasi, masaya na ako habang napapanuod siya. Feeling ko siya lang yung nakikita ko kapag pinapanuod ko siya. Parang nasa langit ako kapag tinitignan ko siya. Sana nakuntento na lang ako sa ganun. Para hindi ako nakakaramdam ng selos ngayon. At ang masakit pa, sa kaibigan ko ako nagseselos. Sana nakuntento na lang ako na binibisita ni Donghae paminsan-minsan. Yung mga pasimpleng usapan namin. Dapat ganun na lang eh... Bakit nga ba ako naghangad ng ganitong bagay? Kung nakuntento na lang sana ako dun sa relasyon namin dati eh di sana hindi na ako nasasaktan ngayon. Eh di sana hindi nagugulo yung feelings ko. Sana hindi ko itinuturing na karibal itong si Jae-eun. Eh di sana, walang gulo na ganito. Eh di sana... Eh di sana... Eh di sana.... hindi ako umiiyak ngayon...

"Let's go..." yaya sa akin nung partner ko. Time na pala naming magback-up sa kanila. Natapos na pala yung nagpartner si Jae-eun at si Eunhyuk, hindi ko man lamang napansin. Tumutulo yung luha ko, pero alam kong wala namang makakapangsin dahil madilim naman at nasa likuran naman kami. Ano namang pakialam ng ibang fangirls kung makita akong umiiyak. Hindi naman nila yun mapapansin dahil ang atensyon nila ay dun lang kina Donghae at Eunhyuk. Sa'kin, wala silang paki. Hindi naman ako sikat eh. Back-up dancer lang ako... 

---

The concert was a blast. Ang daming audience. Ang lakas ng tilian. Dapat part ako ng audience na yun kung hindi lang... Okay, enough of my regrets. Ayoko na munang maging malungkot. Please lungkot layuan mo na ako... Magpa-party party kami, since naging maganda yung kinalabasan ng sayaw namin. 

Lee Sisters' Story - My HAEven (Heaven) on Earth *Completed*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon