Chapter 15: My Heart for HAE

163 7 8
                                    

2 weeks yung lumipas at naging mabuti naman yung kalagayan ni Sunhi. I was so happy nung nagising na lang siya bigla isang araw. Nagmadali ako nun pagpunta sa ospital para bisitahin siya. Ang saya-saya ko kasi parang nabunutan ako ng tinik sa dibdib. Lumuwag na yung pakiramdam ko after kong malamang nasa mabuti na siyang kalagayan. Pero hindi pa rin siya makakasama sa performance ni Sungmin sa Super Show Encore kaya iba ang magiging partner ni Sungmin sa performance niya.

Well, hindi lang naman siya. Pati ako, kasi naman, hindi ako pinayagan ni Eunji-unnie [choreographer namin] na makasama sa encore kahit na back-up dancer lang. Natatakot sila na baka hindi pa ganoong kagaling yung paa ko. Kaya hindi na nila ako isinama. nalulungkot man ako pero tinanggap ko na lang yung desisyon nila. Next show nalang siguro ako makakasama bilang back-up dancer ulit.

---

At dahil hindi na ako makakapag-perform, pinili ko nalang na maging audience sa concert nila. Bumili na ako ng ticket for the concert at hinintay yung mga araw bago dumating yung concert. Ang pinili kong place ay yung may upuan kasi medyo nahihirapan pa rin akong mag-stay na nakatayo since hindi pa rin ganun kagaling yung paa ko. Bumili na rin ako ng lightstick at isang sign board na may nakasulat na 'My Heart is only for Donghae'. Inihahanda ko na lahat ng kailangan ko para sa nalalapit na encore nung concert nila. Hindi naman ako masyadong excited kasi 2 weeks pa ulit ang lilipas bago pa yung encore nila. Sobrang paghahanda yung ginagawa ko for the concert. Gusto ko kasing mahanap at makilala ako ni Donghae sa kabila ng maraming fans na manonood sa concert nila.

"Isigaw mo pangalan ko para mahanap kita ah..." sabi ni Donghae. Nandoon ako sa practice room nila, si Jae-eun ay nandoon din, kausap si Hyukjae at mukhang nag-uusap about sa mga steps na pwedeng baguhin sa peroformance nila.

"Sa tingin mo, sa dami ng taong sumisigaw at tumitili doon, maririnig mo ang boses ko?" tanong ko.

                                                                                    

"Hindi naman tenga ang gagamitin ko para marinig ang boses mo eh..."

 

"Huh? Eh ano?"

 

"Yung puso ko..." at saka kinapitan yung part ng dibdib niya kung saan located yung puso niya.

"Ang cheesy mo..." tinulak ko siya ng mahina.

"Hahaha.. Halika na nga, ihahatid na kita sa inyo..." kinapitan niya ang kamay ko at itinayo ako. "Maiwan na namin kayo, ihahatid ko lang ang prinsesa ko..."

"Ikaw! Ang cheesy talaga..." sita ko kay Donghae. Nakita kong nag-smile si Jae-eun nung narinig niya yung cheesy line ni Donghae. "Jae-eun, una na kami ah..." paalam ko sa kanya.

"O sige, ingat ah... Donghae, ikaw na bahala kay Joonhee..."

 

"Okay... Sige..."

Lumabas kami ng building at isinakay na ako ni Donghae sa sasakyan niya at inihatid pauwi sa bahay namin. Tahimik lang kami pareho sa buong biyahe. Nakatanaw lang ako sa may labas ng bintana at tinitignan ang mabagal na pagbagsak ng snow. Nakita kong seryoso si Donghae sa kanyang pagda-drive. Nabasag yung katahimikan nung may biglang may bumusina sa likuran namin. Napatingin ako doon at nakita kong may mga pulis sa likuran namin.

Lee Sisters' Story - My HAEven (Heaven) on Earth *Completed*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon