Chapter 6: Hello SMEnt...

204 11 32
                                    

Ang tunay talagang dahilan kung bakit ako nandito ngayon sa SM Entertainment ay dahil ako ay magau-audition para maging talent nila. Alam kong mahirap makapasok sa mga ganitong company and ilang years yung training para maging isa ka talagang KPOP Artist. Pero diba nga katulad ng sinabi ko dati, ako na ang gagawa ng paraan para magkasama kami ni Donghae-my-labs ko. Kahit na mahirapan pa ako, basta makita ko lang siya at makasama, solve na ko dun. ^^

Nung nasa loob ng company, hindi ko alam kung saang lugar ako pupunta. Ngayon lang kasi ako nakapasok sa SM Entertainment eh... Tsaka wala naman akong nahanap na floor plan ng SME sa internet so wala akong malay sa mga pasikot-sikot na daan dito at kung saan yung audition room na pupuntahan ko. 

Habang naglilibot-libot ako, may nakasabay akong girl. Parang hindi siya pure Korean, may pagka-American type yung itsura niya. Nagulat ako ung lumapit siya sa akin...

"Ah... Hello. Do you know where the audition room is?" tinanong niya ako. American girl nga yata ito.

"I'm sorry but I don't know. I'm also searching for the audition room, too. Want to find it together?" sabi ko sa kanya. Kahit kailan talaga, friendly ako. Mukha lang akong mataray at suplada tignan pero friendly talaga ako.

"Oh, that would be nice. I'm Eunice Lee but Lee Jae-eun is my Korean name, what's your name?" inabot niya yung kamay niya and nakipag-shake hands sa akin.

"I'm Hyun Joon Hee. Nice to meet you..."

Magkasama na kaming naghanap nung audition room and after 6582971036328 years ay nahanap din namin kung nasaan yung audition room na yun. Kung bakit kasi walang mapa or direction na nagtuturo kung saan mahahanap itong room na ito eh. Hay naku!

Group audition yung nangyari. Yun bang 5 tao yung sabay-sabay i-interview-hin. Tapos magpapakita ka ng talent mo with them watching you. May times pa na kailangan magpasikat ka talaga sa mga judges para makuha ka sa company nila. Nahirapan akong sagutin yung tanong nila na 'What do you possess that those other four behind you does not?'. Grabe, brainbleed yung nangyari sa akin pero nasagutan ko rin naman. Kasabayan ko nga sa grupo ko si Jae-eun eh. Medyo naging close na rin kami at ang dami naming napag-usapan. Nalaman ko na maka-Super Junior din siya at si Eunhyuk yung bias niya. Buti na lang at hindi si Donghae-my-labs yung bias niya kundi napaslang ko na ito bago pa kami makarating sa audition room. Wahahaha... I'm really evil.. XD

[A/N: Watch out for Jae-eun's story...^^]

1 week daw muna yung papalipasin before kami tawagan ng SME and kapag tinawagan ka, swerte ka kasi isa ka ng trainee sa kanila at libreng-libre ka ng makita yung mga talents nila. Hindi mo na kailangan pang mag-stalk para lang makita sila. 

Oh diba? Ang galing ng idea ko? Kapag nakapasok ako sa SME, lagi-lagi na kaming magkikita ng Donghae ko. Hindi na niya kailangan pang mag-disguise para lang lumabas at magkita kami. I'm a genius! :) Kaya nung audition ay ginalingan ko talaga. Lahat ng alam ko sa sayaw at pagkanta ay binuhos ko para lamang makuhang trainee ng SME. For your information, marami na akong napanaluhang contest na sing-and-dance at maski sa school namin ay kasali ako sa dance troupe pati sa choir. I'm a genius, a talented genius indeed... ^^

Dun sa buong 1 week period ng paghihintay sa results, nakausap ko si Jae-eun at naging super close. Kumain nga kami nun minsan sa isang coffee shop. Nilibre niya pa ako. Mabait siya and super nakakatuwa. She's younger than me. Pakiramdam ko tuloy nakahanap na ako ng younger sister ko. Hindi ko pa naikukwento sa kanya yung relasyon namin ni Donghae-my-labs eh. Relasyon talaga eh noh... Bakit friends naman kami ah... Close friends, at relasyon ang tawag dun. Wala palang kaming intimate relationship ngayon, pero balang-araw, he'll be my husband SOOON... Kaya kayong mga readers, wag na kayong umasa kay Donghae-my-labs, because he is mine... ^^ Pasensya, possessive ako, ayoko ng may kaagaw. hihihi...

"Ang cute naman nitong dalawa mong aso..." si Jae-eun, kasama kong naglalakad-lakad dun sa may park malapit sa amin. Nilalaboy namin si Mocha at si Donghae...

"Ah... Ito si Mocha, tapos ito si Donghae..." sabi ko tapos tinuro yung aso.

"Oh? Donghae ang pangalan nito? Talagang pinangalan mo kay Donghae ah..."

"Syempre, siya may bigay nyan..."

"H-ha? B-binigyan ka ni Donghae ng aso? Donghae ng SUPER JUNIOR?" Nabigla niyang tanong.

Syet! Nadulas ako... Patay...

"Eh? Sinabi ko ba yun?" patay malisya kong tanong. Kunyare joke lang..

"Oo, rinig na rinig ko yung sinabi mo..."

**mamamara marara

jejejebal hajimara

bwabwabwara bwara

nae nuneul barabwa**

Kung sino ka mang tumatawag sa akin, thank you! You saved my life...

"Hello.."

Then, naring ko yung boses ni Eunhyuk ng Super Junior. Akala ko kung sino na, yun pala, yun yung ringtone ni Jae-eun. Natatawa ako sa ringtone niya kasi masyadong eskandaloso yung boses ni Eunhyuk dun. Nakakatawa talaga. [Kung gusto nyong marinig yung ringing tone niya, dito po sa gilid, sa may mutimedia area, paki-play yung youtube video... ^^]

"Hello..." narinig kong sabi niya. Mukhang may importante rin siyang kausap.. 

Ayun, kanya-kanya kaming usap dun sa mga tumawag sa amin. Naka-3 minutes yata ako kausap yung tumawag sa akin. After ko makipag-usap sa phone, tumingin ako kay Eunice, kakatapos lang din niyang makipag-usap sa phone niya. Nung nagkatinginan na kami.

KYAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!!!!!!!!!!!! *scream po yan, sobrang lakas na scream*

Ewan ko kung bakt nagsigawan kaming dalawa pagharap namin sa isa't-isa, basta ang alam ko lang ay tinawagan ako ng SME at sinabing, I'm one of those na nakapasa as trainee! Kaya ang saya-saya ko... Sobra!!! Sa wakas, malalapit na ako ng bongga kay Donghae-my-labs... Nagtataka naman ako kay Jae-eun kasi tumili din siya, nakisabay sa akin. Nahulaan na niya yata yung tumawag sa akin.

"Trainee na ako ng SME!!!" sabay naming sabi sa isa't isa after namin tumili.

"Talaga?" sabay ulit naming tanong. Mukhang pareho kaming excited ah...

"Oo..."

After nun, nag-usap na kami about sa mga ginagawa kapag trainee. Kailangan ko ng mag-diet ng konti dahil medyo tumataba na ako. Eh kasi naman puro pop corn ang inaatupag ko kapag walang magawa. Ayan, nag-gain weight kahit na konti, but I'm still sexy... Aangal ka? Susumbong kita kay Donghae-my-labs... wahahaha... ^^

Lee Sisters' Story - My HAEven (Heaven) on Earth *Completed*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon