Chapter 8: Good or Bad News...

194 11 34
                                    

A/N: SisHae (himehyun) & Hyukkie'saeng(nixielle16), Baka hindi nyo magustuhan 'tong chapter na 'to... Sareee talaga~ mianhae~

****

"Okay, since Super Junior's Concert is coming nearer and nearer, some members of SJ would visit us and pick some back up dancers for their solo and group performance. So you should be ready okay. Show them all you've got..." balita sa amin nung isang trainer..

KYAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

Ito na! Ito na! ITO NA TALAGAAAAAAAAAA!!!!!!!!!!!

Sana ako yung piliing partner ni Donghae kung may solo performance man siya. Wiiieeh~! Nakakakilig naman kung gagawin niya yun. Sana talaga ako yung piliin niya.... Wah! Sobrang excited na ako. Sobra-sobrang excited. Kaya kailangan ko ng magpractice ng bongga para mapili akong partner niya. Ayokong maging back-up lang, gusto ko ako yung ka-interact niya sa solo number niya. Super kikiligin talaga ako kung sakaling ako yung piliin niya. Eh kasi naman, kapag ako yung pinili niya ibig sabihin, ako yung gusto niyang makasama sa harap ng maraming tao. Wiiiee!~ parang in-annouce na niya na may something kami pag ganun. hihihi. Grabe na ba yung day dreaming ko? Sorry naman, excited lang talaga. Sino ba naman kasi ang hindi mae-excite sa balitang ito noh...

Syempre nagusap-usap na kaming 'Lee Sisters' after marinig itong balitan ito.

"Sana ako yung piliin ni Sungmin-beybe-ko" - si Sunhi

"Sana ako piliin ni Hyukjae-my-loves" - si Jae-eun

"Ako ang pipiliin ni Donghae..." mayabang kong sabi. Parang siguradong-sigurado na ako na yung pipiliin ni Donghae... 

"Yabang..." sabay nilang sabi.

"Yan ang tinatawag na self-confidence... wahahaha" sabi ko. "Walang basagan ng confidence" dugtong ko.

After nung break naming sandaling yun, return to practice na kami. Take note: kanina pa kaming umaga dito at malapit ng mag-6pm pero hindi pa rin kami tumitigil sa training. Well, nagpapahinga naman kami at nagkaroon ng lunch break, pero whole day minsan lang kami pagbigyan ng  water breaks. Nakaka-drain ng energy dahil ang dami-daming dapat araling dance steps. Mahirap talaga, dagdag mo pa yung pagod dahil sa everyday practice. Kung talagang madali kang magsawa, hindi ka tatagal sa buhay trainee. Grabe lang, binabalaan ko na kayo. Dapat may patience kayo and matagal bago sumuko para tumagal kayo... ^____^

Training and lots of training ang nangyari at super duper miss ko na si Donghae-my-labs. Nagtataka nga ako kasi super lapit na namin sa isa't isa. Imagine, we're staying in one building pero bakit hindi kami nagkikita? We're so close yet so far. Whew! Ang drama ko... XD

May ilang times na rin kaming binisita ng ilang Super Junior members para tignan yung kakayahan namin pagdating sa pagsasayaw. Malapit na rin kasi yung pagpili nila ng kani-kanilang respective partners for their solo performance in their concert.

---

Days and weeks have passed. As usual pagod kaming lahat. Natapos na kasi yung judgement day.... I mean yung pagpili ng Super Junior members ng partners nila for their solo numbers. Kaya, uber sa practice na kami with our respective partners pero ako malungkot. Sobrang lungkot.

Nagulat lang talaga ako dun sa isang scene na na-witness ko. Sobrang nadurog ang puso ko nung makita ko yun. Kasi imagine, yung kaibigan ko at si Donghae... sobrang sakit lang talaga. At yung nangyari ay...

<flashback>

Kakatapos lang nung training namin and nauna akong lumabas kina Jae-eun at Sunhi. Sobrang naiihi na kasi ako nun, so nag-CR muna ako. Tapos after nun, naghintay ako sa labas ng CR para sa kanilang dalawa.  Ilang minutes ako naghintay, tapos ayun, nakita ko lang naman si Donghae-my-labs ko. SYET LANG TALAGA! Kasi papunta siya sa direksyon ko. At magkikita kami. Eh di ako sobrang kilig na. Inayos ko na ng bongga yung hair ko. At buti nalang ay nakapg-retouch na ako kanina sa CR bale hindi na ako amoy pawis, amoy baby na ako... XD

He's walking towards me na. Konti na lang at malapit na siya sa akin. At alam kong nakita na niya ako. So ang ginawa ko, kumaway na ako using my two hands, "Donghae-oppa!!!" with smiling face pa kaso nga lang dumaan lang siya sa akin. Nilagpasan niya ako, dumiretso siya dun sa taong nasa likod ko. Niyakap niya yun, and guess what kung sino yun. Si Jae-eun lang naman. Syempre ako, napanganga kasi nagtataka ako kung bakit niya niyakap si Jae-eun. Nakita ko rin si Sunhi na parang nagulat kasi nga niyakap ni Donghae si Jae-eun. We we're both shocked. Do they know eachother ba? Close ba sila? Anong meron sa pagitan nila? Bakit may yakap effect pa? Bakit ako iniwasan ni Donghae? May relasyon ba sila? Siya ba yung napapabalitang secret girlfriend nitong si Donghae? Grabe~ 1 second kinikilig ako, then 1 second broken hearted na. Anong nangyayari? Parang hindi man lang ako napansin ni Donghae? Hangin lang ba ako? Kitang-kita ko na nakita niya ako kanina ah... Ano yun? Friendship forgotten agad? Ang bilis naman... Ilang months lang hindi nagkita, kalimutan agad? Bakit ganun? I want them to explain what happened pero ano ba'ng karapatan ko, isang hamak na kaibigan lang ang tingin sa akin ni Donghae. 

Ang dami-daming tanong na nabuo sa utak ko. Gustung-gusto ko yung itanong kay Jae-eun at Donghae. Pero hindi ko na naitanong pa kay Jae-eun yung nangyari kasi ipinatawag kami nung trainor namin and ia-announce na yung mga napili ng mga Super Junior members na partner nila for their solo. Yung mga magso-solo lang na kailangan ng partners ay sina Sungmin at Ryeowook. Yung iba kasi hindi nila kailangan ng partner for their solo numbers kasi kakanta lang sila at walang dance number. Sina Eunhyuk at Donghae ay magkasama sa isang production number, meaning isang partner lang yung kailangan nilang dalawa. Ang eksena kasi sa production number ni Eunhyuk at Donghae ay para bang love triangle, so meaning, isang girl lang ang kailangan. At yung iba ay backup dancers na lang.

Nag-perform kami sandali nung mga prinaktis naming routine and after nun judgement time na...

Si Sungmin ang pinili ay si Sunhi namin. Medyo kilig-kiligan nga yung dating ni Sunhi nun at medyo nahihiya naman si Sungmin sa kanya. Nakakatuwa silang dalawa. They look so perfect for eachother. Syempre nag-smile ako sa kanya at nag-thumbs up pa dahil finally ay makaka-partner niya si Sungmin niya. Alam kong matagal na niyang pinangarap yun. Marami-rami na rin siyang pinagdaanan for Sungmin and I know na ito na yung payment for all her hardships.

Napili ni Ryeowook yung isang girl na magaling din. Hindi namin siya ka-close kasi parang may own world siya. Pero magaling talaga siyang sumayaw.

So, sina Donghae at Eunhyuk na yung pipili ng partner na pag-aagawan nila. Ibig sabihin, isa lang sa amin ni Jae-eun ang matutupad ang pangarap na makapartner yung taong mahal namin. Kapag napili siya, syempre makakasama niya si Eunhyuk niya. Kung ako naman si Donghae. Ang pinagtataka ko lang talaga hanggang ngayon eh kung ano yung koneksyon sa pagitan nila ni Donghae-my-labs ko. Bakit may yakapang nangyari kanina? Ano yun?

Nagdeliberate pa sina Eunhyuk at Donghae kung sino sa amin yung mapipili nilang ka-love triangle. Ang tagal pa nilang nag-usap nun at nakita kong nagtatalo silang dalawa.

"Hyun Joonhee and Eunice Lee, please come forward..." sabi nung trainor.

Syempre lumapit kaming pareho ni Jae-eun, I mean Eunice. Sina Donghae and Eunhyuk nakatingin pareho sa amin. And nag-uusap.

"One of you will be chosen as their partner for their solo performance. So show us, who's better than the other? Show us what you got... Go!" 

Ibig sabihin, we'll compete with eachother para maging main partner ng EunHae sa kanilang performance. Isa sa amin yung matutupad yung pangarap, while the other will be a back-up dance and ayokong sa akin mangyari yun. Selfish na kung selfish pero gusto kong makapartner si Donghae. Kahit si Donghae lang talaga. Kahit kaibigan ko pa si Jae-eun, Donghae is more important than her. I'm sorry friend, but I'm choosing Donghae over you...

Ayun, pagalingan. Hindi ko alam kung sadyang ginagalingan ni Jae-eun para makapagpasikat siya kay Donghae at piliin siya nito. Pero sinabi niya sa akin na si Eunhyuk yung gusto niya eh. Si Eunhyuk yung mahal niya. Pero makakasama nya rin si Donghae, ibig sabihin parang hitting two birds with one stone ang mangyayari.

At dun nangyari ang hindi inaasahan, I was performing yung isang routine na mahirap sayawin nung biglang na-sprain yung ankle ko. Tapos nagka-cramps naman yung left leg ko. Napabagsak na lang ako bigla sa floor and ayun, si Jae-eun na yung pinili nilang dalawa. Ilang days daw kasi bago mawala yung sprain ko and sabi nila they can't delay their practices. Kaya ayun, I lost...

Hindi ako nagpaubaya. Yung tadhana na yung nagdikta. Natalo ako ng kaibigan ko. At siya ang makakasama ng mahal ko. Yung ang tagal-tagal kong pangarap, nasira na lang ng isang saglit. Why do these things keep happening to me? 

<end of flashback>

Lee Sisters' Story - My HAEven (Heaven) on Earth *Completed*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon