Chapter 18.2: Finally...

166 7 20
                                    

After 3 seconds, pitch black ang buong stage. Hindi ko alam kung bigla nalang ba akong magigising mula sa isang panaginip dahil wala na akong makita kahit na anong liwanag.

Naramdaman ko na lang na hindi ito panaginip nung may dalawang bisig na patuloy pa ring mahigpit na nakayakap sa akin.

Sandali lang yun nagtagal dahil bigla na lamang may humila sa akin. Hindi ko man makita yung dinadaanan namin ay dire-diretso lang yung lakad ko habang nakakapit sa akin itong lalaking humihila sa akin.

Nung nakalabas na kami at napunta sa isang lugar kung saan may liwanag na, nakita kong si Donghae pa rin yung may kapit ng kamay ko. Para tuloy nagsisikip na naman yung dibdib ko at parang anumang oras ay papatak na naman yung luha ko.

Wala ni isa sa amin ang nagsasalita nung mga oras na yun. Agad kong iniwas yung tingin ko sa kanya nung nakita ko siyang tumingin sa akin.

"A-ano? K-kasi..." panimula ni Donghae. Pero wala siyang natapos na kahit anong gusto niyang sabihin. Tapos napakamot na lang siya ng ulo niya nung hindi niya masabi yung gusto niyang sabihin.

Tahimik lang ako nun habang nakayuko at nakatingin sa may ibaba. Wala akong maisip nung mga oras na yun. Blankong-blanko ang utak ko.

Hindi ko napansin na lumapit na pala si Donghae sa akin at dahan-dahan niyang ini-lift yung mukha ko gamit yung isa niyang kamay.

"Why are you hiding your face? Is something wrong?" tanong niya.

Nagtanong ka pa talaga noh? Somethingwrong? NO! Everything’s wrong! Hindi ko na alam kung bakit pa ako nandito. Dapat umaalis na ako para hindi na ako tuluyang masaktan. Nakakaasar! I should be leaving pero bakit mahirap…

Agad kong tinanggal yung pagkakakapit niya sa may baba ko. Hindi ako sumagot sa tanong niya. Lalabas na sana ako nung bigla niya akong pigilan.

"Bakit ka aalis? Dinala nga kita dito para tayong dalawa lang. Para magkasama tayo... tapos aalis ka lang? Bakit?" dire-diretsong tanong ni Donghae sa akin.

Pero dahil nga sa sobrang blanko ng isip ko, hindi na ako nakasagot sa kanya.

Hindi niya pa rin inaalis yung pagkakakapit niya sa kamay ko nung sumenyas siya sa may pintuan at doon lumabas ang isang babaeng hindi ko inaasahan.

Si Jessica na naman.

Lalo tuloy sumikip yung dibdib ko at hindi ko na alam ang aking gagawin...

---

A/n: Bitin? XD Sorry~ Next chappie to be posted kapag naisip ko na yung susunod na mangyayari. XD sorry talaga kasi nabibitin kayo... MIANHAE!!!~ T^T

pero maraming salamat sa pagtangkilik nitong story na itow! Malapit-lapit na yung ending... pasensya na at tatapusin ko na itong story na ito, magfo-focus muna ako sa ibang stories ko. Hindi ko pa alam kung anong ending nito pero sana magustuhan nyo yung ending whatever outcome man yung mangyari... and sana suportahan nyo pa rin yung mga next stories ko…

Ayun, MARAMING SALAMAT MULI! AYLABYOW!! :D

Lee Sisters' Story - My HAEven (Heaven) on Earth *Completed*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon