[3] Knowing Him

7 1 0
                                        

Uyy nakatatlo na kayo😊😊 Sana ipagpatuloy niyo😊 Gusto ko nga pala po pasalamat yung mga nagvovote at nagreread nito💓 Love you💕💕

***

It's been 3 days magmula nang away namin ni Jelnie. Kasalaukuyan akong nakasakay sa tricycle papunta ng school ngayon. Well di naman talaga ganung kalayo yung bahay namin sa school mga fifteen minutes pag nilakad. Trip ko kasing mag-tricycle pag mag-isa lang akong pumupunta sa school like ngayon, masakit daw kasi ang ulo ni pusit kaya di siya makakapasok today.

Nang makapasok na ako loob ng gate ay napagpasyahan kong ilagay muna ang bag sa room bago magtungo sa batibot, doon muna ako magpapalipas oras since maaga pa naman. Nang makarating ako doon ay may nakita akong lalaking nakaupo, noong una ay di ko ito makilala. Hanggang sa tuluyan na akong makalapit sa kanyang gawi.

"Good Morning" nakangiting bati nito sa aki n. Ngumiti ako dito at nag-good morning din, nakakahiya naman kung hindi ako sasagot lalo na at medyo hindi okay yung pakikipag interact ko sa kanya last time.

"Saan ka nga pala galing na school?" Siyempre curious rin ako kung saan 'to nanggaling.

"I'm from Lucena High" Wika nito.

"I see. Bakit ka nga pala nagtransfer dito?"

"Dahil ng mga grandparents ko. Gusto nila akong mag-aral dito." Nakangiti nitong ani. Di ba siya nangangawit? Ang hilig naman niyang ngumiti.

"You're so lucky to have a parents" Malungkot kong wika.

"What?" Tanong nito. Umiling lang ako at ngumiti bilang tugon.

Marami pa kaming napag-usapan tungkol sa kanya. Napag-alaman ko rin na ang parents ay nasa Sweden at nakitira lang siya sa kapatid ng mother niya nung nasa Lucena siya. Hindi naman siya mahirap maging kaibigan dahil friendly ito same lang sila ni bes.

*Riiiiinnnggggggg*

"Let's go?" Nilahad na naman niya ulit ang kanyang kamay, this time ay tinanggap ko na ito at agad ding binitawan after kong makatayo ng tuwid. Malambot ang kamay nito at masarap hawak hawa- Ano na naman bang pinag-iisip ko! Si Luke ang malambot ang kamay! Well di ko pa nahahawakan pero sure ako roon!

Sabay kaming nagtungo sa aming room at nagdiscuss si Ms. Janice sa amin. The class went smoothly hanggang sa matapos na ito. Napag-alaman rin namin na wala daw klase si Ms. Gemma at narinig ko ang pag 'yes' nang iba.

"Could you tour me at the campus later?" Napalingon naman ako kay Ivan at nginitian ito.

"Sure" Sagot ko naman. Magsasalita pa sana ako ng bigla may sumingit.

Sino?

Hulaan mo?

Si Kuya KIB!

Charr..

"Napakakiri niya talaga guys. Hindi pa talaga nakuntento kay Luke at pati si Ivan ay dinidikitan rin."

"At least I know how to befriend others unlike you, who only knows how to bully someone just because of jealousy."'Malamig ko ani, I am getting pissed na!

"Wow and sumasagot ka na?" Tumayo na ito sa kanyang upuan at humarap na ito sa akin. At dahil ako si Celine ay tumayo narin ako it hinarap ko narin siya.

"And so? Gusto mo nang second round? Or baka natatakot ka?" Nakangising wika ko. Pasimple kong sinulyapan ang mga kaklase namin na ang atensyon ay nakapukol narin sa aming dalawa, halatang gulat na gulat ang mga ito dahil sa ipinapakita kong ugali ngayon.

"That's enough" Agad naman kaming napatingin kay Richa ang aming class president.

"Ms. president I think you should give her a lecture because she don't know how to control her big mouth." Wika ko habang nakatingin parin kay Jelnie at umirap lang si gurlalu.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 07, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

End up TO YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon