Will You Be My Forever
After 1 Year
Kendrick's P.O.V
Maka lipas ang isang taon naging masaya ang pag sasama namin ni gelo, lalong lalo na ang mga anak namin malaki na sina aldrex at kaizer si christof naman ay nagbibinata.
At ngayon na ang first birthday ng kambal namin, kaya todo prepare si gelo tumutulong din naman ako pero pinapagalitan nya ako, mas okey pa raw bantayan ko nalang ang mga anak namin.
"Christof, samahan mo itong mommy mo ang tigas nang ulo."sabi ni gelo.
"Anong mommy ka jhan bayagan kita eh."ganti ko naman natawa si christof sa sinabi nang daddy.
"Tara na mommy."sabi naman ni christof.
Ay iba din, na nonotice ko na parang iisa lang ang takbo nang isip nitong mag ama nato palagi nila akong iniisahan.
"Isa kapa ehh."sabi ko sabay habol kay christof.
Nakita ko naman si gelo na tawa nang tawa iba din itong mokong nato ehh no.
"Ahahaha, taiser baho, ahahha."rinig kung tawa ni adler, naka rinig din ako nang iyak kaya pumunta ako sa loob nakita kong pinagtatawanan ni adler si kaizer pero agad itong lumapit sa kapatid nya at hinhug. Habang lumalaki ang kambal ang na nonotice ko kay baby adler bully ito sa kapatid nya pero pag umiyak ito pinapatahan nya naman at ayaw nyang nakikitang pinapagalitan si kaizer dahil iiyak din ito at di ka nya papansinin.
Siguro pag malaki na itong dalawa protektado itong si kaizer kay adler.
Si kaizer naman ay isang masayahing bata at malambing, mahilig mang lambing pag may nasirang laruan nila ni adler. Dahil pagnasira nya ito agad syang tatakbo sakin oh kay gelo oh kay christof upang magpakarga.
"Hi mga chikiting, pakiss naman si papa."sabi ko nang makalapit ako sa dalawang naglalaro sa sala habang naka on ang tv.
Agad naman itong nag tayuan ang tumakbo sakin sabay halik sa magkabilang pisngi ko. Ang saya lang na meron na kaming pamilya ni gelo.
"Papa, si Rex po ohh inaaway ako."sabi ni christof, na kakapasok lang bahay kasama si rex na anak nang kaibigan ni gelo.
"Tito di yan totoo ehh sya nga po yung nambato nang putik, ohh tingnan nyo po ang dumi po nang likod ko."sagot naman ni rex, ang cute nitong si rex parang ako lang dati. Diba ang taray nang lola nyo maganda lang ampeg.
"Christof bakit mo naman binato si rex nang putik, hay nako ikaw talagang bata ka hah."suway ko naman kay christof.
"Papa di na po ako bata, malaki na ako, nagpatuli na kaya ako."pagmamalaki nito kaya natawa si rex sakanya.
"Ohh bakit ka natatawa mickey mouse, bakit ikaw di kapa ba tuli, siguro supot kapa."sabi naman ni christof natigil naman si rex sa kakatawa, at biglang umasim ang timpla nang mukha nya.
"Baka ikaw ang supot, gusto mong makita ohh tuli na ako no."sagot naman ni rex.
"Weee, patingin nga."di naniniwalang sagot ni christof.
"Hala ka dudley, tito ohh si christof gustong makita si little rex ko."sumbong ni rex. Napatawa nalang ako sa mga kalokohan nang dalawang ito.
"Supot."sabi nang nasalikod ko.
"Sinong supot."natatakang tanong nito, kaya napatingin ako sa likod nakita ko si gelo na nagtatakang nakatingin sa dalawang bata.
"Ahh daddy..ahm wala po, rex tara laro na tayo don sa kwarto."sabi ni christof sabay takbo papuntang itaas.
BINABASA MO ANG
Evil Boyfriend •✓•
AventureThey says you only fall in love once, but that's not true because every time I see you, I fall in love all over again.