Chapter 5: Zeyn Parker

229 11 3
                                    

Zeyn Parker.
Her Smile
Written by RIP

~~~~

Jason Jr POV

"Tara break." Yaya ni Dean sa amin.

Isinara ko ang librong binabasa ko at tumingin sa relo ko.

"Tara Jason." Yaya ni Sean.
Tinignan ko sila.

May quiz mamaya sa mapeh, may long test sa math at yung thesis pa namin sa english. Wala akong oras para mag break, bwisit.

"No thanks may gagawin pa ko." Sabi ko at tumayo.

"Ha? Tapos mo na basahin yang makapal na libro na yan tapos may gagawin ka pa?" Takang tanong ni Mead.

"May quiz tayo mamaya sa mapeh, may long test sa math at may defense title thesis mamaya sa english. So i don't have time to eat." Sabi ko at tinalikuran sila.

"Dalhan ka nalang namin ng pagkain, anong gusto mo?" Hinarap ko sila at ngumiti sa kanila.

"Libre niyo?" Tanong ko. Sabay sabay silang nag kamot sa ulo nila.

"Ikaw mayaman sa ating lahat tapos ang kuripo--"

"Di wag." Sabi ko at tinalikuran sila.

"Oo na oo na, anong gusto mo?" Tanong ni Dean.
Muli ko ulit silang hinarap.

"Yung pinaka mahal na pagkain sa canteen, large na milk tea." Sabi ko at tinalikuran sila saka lumabas sa room, pupunta ako sa library para doon makapag basa ng maayus.

"Jason Carlos Velasquez JR?" Napa tigil ako ng marinig ko ang pangalan ko. Napa silip ako sa stock room at mula sa kinatatayuan ko nakita ko ang isang bulto ng tao na sa tingin ko ay may kausap sa cellphone.

Naka uniform siya gaya ng uniform namin pero naka talikod siya mula sa akin kaya hindi ko makita ang mukha niya. Madilim din masyado sa stock room kaya naman di ko maaninag ang likod niya pero sa pagkaka rinig ko, babae ang boses niya.

"Oo..... Bakit ba kasi ako pa?..... Ano hindi ba pwedeng si Miguel nalang?... Lintek naman oh."

Dahan dahan akong lumapit sa pinto at kinapa ang switch ng ilaw.

"Ano naman kung malaman niya? Maganda nga yun para aware siya.... Hayst isa syang girl--"

"So uso na pala ngayun ang pag usapan ang buhay ng may buhay." Sabi ko dahilan para matigilan sya, binuksan ko ang ilaw at doon ko nakumpirma na babae siya. Naka talikod siya sa akin at hawak parin ang phone niya habang naka tutok sa tenga.

"Face me." Utos ko, pero hindi siya gumalaw.

"I said Face me!" Sigaw ko. Nakita kong binaba niya ang phone niya at nilagay sa bulsa. Narinig ko pa ang pag tawa niya dahilan para mairita ako.

"Fuck, face me!" Sigaw ko ulit at lumapit sa kanya pero natigilan ako ng humarap siya sa akin.

Teka.... Kaklase ko to ah.

Zeyn Parker, right. She's Zeyn Parker.

Mula sa kinatatayuan ko kitang kita ko ang blangko niyang expression at lamig ng titig sa akin.

"So kailan pa nauso ang makinig sa usapan ng iba?" Malamig niyang tanong.

Really?

"Ako ang unang nag tanong, bakit pinag uusapan niyo ako ng kausap mo sa phone?" Tanong ko.

"Bakit gusto mong malaman?" Balik niyang tanong.

"Kasi ako ang pinag uusapan niyo." Sabi ko. Tumaas ang kilay niya at ngumisi.

"Tsk tsk, learn to know the word 'privacy.' " sabi niya dahilan para matawa ako.

"So kailangan mo ding wag maging tsismosa." Sabi ko.

Natawa lang sya kaya natigilan ako, sa hindi ko alam na kadahilanan habang naka tingin sa kanyang mga labi na naka ngiti.

What happening here?

Hindi ko namalayang nasa harap ko na pala siya at nawala na ang mapaglarong ngiti sa kanyang mga labi.

"Sa susunod.... Wag ka ng makinig sa usapan ng iba." Sabi niya at tinapik pa ang balikat ko.

"Napag hahalataang tsismoso ka, kalalaking tao mo paman din." Sabi niya at binangga ako saka nilagpasan. Napa lunok ako at napa tingin sa kanya na papalabas na ng stock room.

Wait, nasan na ang boses ko? Bakit hindi ako makapag salita? Fuck anong nangyayare?

Teka lang.... Tinapik nya ba ang balikat ko? No, no, no! Hinawakan niya ako!

"Kadiri!" Sigaw ko at sinipa ang malapit na mop sa akin saka padabog na lumabas ng stock room.

Hinanap ko siya sa kaliwa't kanan ng daan pero wala na siya.

Lagot sakin yang Zeyn Parker na yan. I swear, hindi siya makaka labas ng campus na to ng hindi ko siya nadadarag.

~~~~~

Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram: rediousinpaper

Her SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon