Chapter 2: Transferee

298 9 1
                                    

Transferee
Her Smile 2
Written by RIP

~~~~~~
Jason POV

"Good morning Class. May meeting kami sa faculty today so hindi ko kayo matuturuan, for now. Do the task activity number 1 one your English book page 678 pass your paper to your president. And By the way we have a new classmates." Sabi nong Teacher. Kinuha ko yung english book ko at di na nakinig sa sinabi nong teacher namin.

"Bro... Yung nerd na nakabangga sayo oh." Sabi ni Sean. Hindi ko siya nilingon, sinimulan ko ng sagutan yung sinabi nong teacher at tahimik na nag basa ng tanong.

"Sino yung kasama niya?" Rinig kong tanong ni Dean.

"Ano yan bat ganyan awra nyan? Weird" sabi ni Mead.

"Introduced yourself please." Rinig kong sabi ng teacher namin. Hindi ko parin inaalis ang paningin ko sa libro kasi first of all I'm not interested kung ano at sino sila.

"Hi, my name is Lucille Angela Sabianan. Hope we can be friends."

"Lucille pala name nong Nerd na naka bangga sayo." Sabi ni Sean.

"And i hope you can be my girlfriend." Banat ni Dean dahilan para mag hiyawan ang mga kaklase ko. Napa iling nalang ako, umaatake nanaman ang kalandian ni Dean.

"Bro tignan mo yung nasa harap dali." Sabi ni Mead sa akin. Hindi ko siya kinibo at nanatiling nag sasagot.

"Hoy."

"Ano ba?" Inis kong sabi.

"Sabi ko tumingin ka sa--"

"Pag ba tumingin ako sa harap mag kakaruon ng sagot ang papel ko?" Tanong ko. Napa iling nalang siya at binalik sa harap ang tingin.

"Zeyn Parker."awtomatikong napa angat ang ulo ko para tignan yung babaeng nag salita.

Tahimik ang lahat, ang suplada niyang tignan at tanging bored look lang ang binigay niya sa amin.

"Take your seat girls. Zeyn doon ka nalang sa tabi ni Mead at ikaw Lucille doon ka sa tabi ni Jason." Parang napantig ang tenga ko sa sinabi ng teacher kaya napa tingin ako sa dereksyon ng teacher.

Na alerto naman sila Sean at Dean kaya agad silang nag taas ng kamay.

"Ma'am dito nalang po si Lucille sa tabi namin ni Dean." Sabi ni Sean kaya kumunot ang nuo ng teacher.

"And why?" Tanong ng teacher.

"Kasi ma'am pag tumabi po su Lucille kay Jason baka mapa guidance lang po ng di oras si Jason saka may naka upo na po jan." Sabi ni Dean.

"Sinong naka upo jan?" Biglang tanong ni Mead kaya sinamaan namin siya ng tingin.

"Ay oo nga pala jan po naka upo yung Bag niya." Sabi ni Mead.

"Sige Lucille doon ka nalang sa gitna nila Dean at Sean." Sabi ng teacher kaya muli ko ng binalik ang tingin ko sa book.

"Iiwan ko na kayo Guys. Behave." Sabi ng teacher at pagkatapos non ay palagay kong umalis na siya.

"Hi Lucille ako nga pala si Sean Agustin Aguirre."

"And I am Dean Joseph Aguirre."

"Tapos yung lalaki naman na katabi nong kasama mo kanina sya si Mead Angelou Aguirre." Rinig kong sabi ni Sean.

"And yes we're trio, bali mas matanda ako ng 58 seconds kay Sean at mas matanda naman ako ng dalawang minuto kay Mead." Sabi ni Dean.

"Ako naman mas matanda ng 1 minute may Mead." Sean.

"In short, parang ako yung panganay tapos si Sean yung pangalawa at si Mead ang bunso. Basta kung naguguluhan ka wag mo nalang isipin mababaliw ka lang." Sabi ni Dean.

Isinara ko ang book ko at binigay kay Sean ang papel ko.

"Pasa mo." Utos ko sa kanya at nilabas ang phone ko.

"Eh siya sino siya?" Bigla akong napa tingin don sa nerd, naka tingin siya sa akin.

"You're worst nightmare." Sabi ko at inirapan siya saka inilagay ang atensyon sa cellphone ko.

"Siya, siya naman ang pinaka gwapo sa aming lahat, pinaka mayaman. Pinaka pinag pala sa lahat pero pinaka masungit sa aming lahat." Sabi ni Dean kaya napa irap nalang ako sa loob ko.

Bumalik na si Sean sa upuan niya.

"Ito namang katabi ko, siya si Jason Carlos Velasquez JR. Anak ng dating presedente ng Pilipinas na si Jason Velasquez at pamangkin ng dating Presedente na si Jared Velasquez."sabi ni Sean.

"May allergy yan sa mga babae kaya kung ako sayo Lucille wag kang lumapit sa kanya kung ayaw mong mawalan ng hininga." Sabi ni Mead na natatawa.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa mga sinabi nila or what, mga abnormal eh.

"And by the way kilala kami dito sa university bilang Sharp group. Wanna know why? Kasi mga gwapo kami at habulin ng girls. " natatawang sabi ni Sean.

"Hindi sa pag mamalaki pero I'm single, baka gusto mong maging akin ka nalang para mapatunayan na natin ang salitang Forever." Ewan ko kung masusuka ako o matatawa sa sasabihin ni Dean.

Forever his ass.

~~
Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram: rediousinpaper

~~Tweet me @redious_inFacebook: Arline Laure llInstagram: rediousinpaper

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Dean Joseph Aguirre

Her SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon