Chapter 14: Takip Butas

180 6 0
                                    

Her Smile 14
Written by RIP
Takip Butas.

~~~~~

Jason POV

"Ano na naman itong kalokohan na ito?"bungad sa akin ni ate ng maka pasok ako sa opisina niya dito sa hospital kung saan dinala si Zeyn.

Tinignan ko si Ate, naka kunot ang nuo niya at halatang galit siya. Nag alala ako baka kasi maka sama iyon sa baby niya. Well ayokong mag karuon ng panget na pamangkin.

"Yung girlfriend mo ang pasyenteng inoperahan ko kanina, bakit may tama ng baril yun? Anong meron? Anong nangyare ha?"sunod sunod nyang tanong.

"Ate...."tawag ko at tinignan siya with my paawa look. Sana gumana.

"Tigil tigilan mo ko sa pag papaawa mo Jason Jr, buhay ng girlfriend mo ang pinag uusapan!"sigaw niya kaya napa pikit ako sa takot.

Bakit 'Girlfriend mo' ang sinasabi niya e hindi ko naman kasi girlfriend yung kupal na yun.

"Now explain."malamig na sabi ni ate.

"Kasi.... Kasi nasa Starbucks lang kami." Pag uumpisa ko. "Pumunta ako don kasi nag papasundo sa akin si Zeyn ng bigla nalang--"

"May baliw na lalaki ang nag paputok ng baril sa loob at aksedenteng ako ang natamaan."

"Tama ta--- ano?"napa tingin ako sa nag salita sa likod ko at halos manlaki ang mga mata ko at sa di inaasahan ay bumilis ang tibok ng puso ko.

"Zeyn... Bakit ka  bumangon? Kaka opera lang namin sa sugat mo." Nag aalalang sabi ni Ate at  nilapitan si Zeyn. Hindi ko maialis ang tingin ko kay Zeyn na ngayun ay naka tingin ng seryoso sa akin.

Napa hawak ako sa dibdib ko at napa iwas ng tingin, bakit ang bilis ng tibok ng puso ko? Para akong aatakihin sa puso sa sobrang bilis ng tibok nito. Napa tingin ako sa gawi nila ate at Zeyn na ngayun ay inaalalayan ni ate palabas ng office niya.

Dahan dahan akong sumunod sa kanila at pinakinggan ang pinag uusapan nila.

"Ano bang nangyare?"tanong ni ate habang naka alalay kay Zeyn na uugod ugod mag lakad. Nilagay ko ang dalawang palad ko sa loob ng bulsa ng sweater ko.

"Gaya ng sinabi ko kanina... May lalaking baliw na nag paputok ng baril sa Starbucks at ako ang aksedenteng natamaan ng bala."malamig na sabi ni Zeyn. Napa isip ako, bakit yun ang sinabi nya kay ate eh hindi naman iyon ang totoo?

"Dapat mahuli yang lalaki na yan."sabi ni ate at bigla silang tumigil kaya tumigil din ako.
Hinarap ni ate si Zeyn at ngumiti bahagya.

"Ang akala ko nilagay ka ng kapatid ko sa kapahamakan, hindi ko na talaga alam ang gagawin ko sa lalaking yun. Masyado siyang mapili sa babae at mayabang kaya minsan may nakaka away siya."sabi ni ate at huminga ng malalim.

"Salamat." Dagdag pa nito at hinawakan ang kamay ni Zeyn.

"Salamat dahil ikaw ang nag pabago sa kapatid ko, at naka tagal sa ugali niya."napa tigil ako sa sinabi ni ate.

"Salamat dahil iniintindi mo ang kaartehan ng lalaking yun."naka ngiting sabi ni ate kaya napa tingin ako kay Zeyn na walang ekspresyon. Nakita kong dahan dahang hinawakan ng kaliwang kamay ni Zeyn ang kamay ni ateng naka hawak sa kanang kamay niya at ngumiti.

Napa titig ako lalo kay Zeyn ng makita ko kung pano siya ngumiti.

Ang mga ngiti niya....

"Aalagaan ko siya." Naka ngiting sabi ni Zeyn dahilan para mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko at paulit ulit nag pla-play sa  utak ko ang sinabi niya.

Aalagaan niya ako? B-bakit.... Bakit ang sarap pakinggan ng sinabi nya?

Muli akong napa tingin sa gawi nila lalo na kay Zeyn na hanggang ngayun ay naka ngiti.

"Hindi na ako mag tataka kung bakit ikaw ang nagustuhan ng kapatid ko, napaka ganda ng mga ngiti mo." Sabi ni ate at muling inalalayan si Zeyn papunta sa kwarto niya.

Nagustuhan?

Napatingin ako sa anino nilang dalawa na papalayo sa gawi ko.

"Nagustuhan?"pag uulit ko.

Napa kagat labi ako at napa hawak sa baba ko.

Hindi naman mahirap magustuhan si Zeyn e, aaminin ko minsan abnormal siya, siga, lalaki kung kumilos at ang panget kung ngumiti pero....

"Teka bakit ko ba naiisip yun?"napa iling ako at binatukan ang sarili ko.

"Nagugutom na ata ako?" Sabi ko at nag lakad papunta sa kwarto ni Zeyn.

Nakaka diri naman yung mga naisip ko. Kainis.

~~~~

Twitter: @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram: rediousinpaper
Tiktok: rediousinpaper

Her SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon