Chapter 13: Hospital

173 8 0
                                    

Her Smile 13
Written by RIP
Hospital

~~~

Jason JR POV

"Zeyn wake up please." Sabi ko habang nasa tabi ni Zeyn na walang malay, nandito kami ngayon sa loob ng ambulance at papunta sa malapit na hospital.

Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako ng ganito, siguro ay nakokonsensya lang ako dahil niligtas nya ang buhay ko.

Fuck! Every time na maiisip ko kung gaano kalambing ang boses niya kanina ay bumibilis ang tibok ng puso ko. May sakit na ata ako?

"Wala na bang ibibilis to?!"sigaw ko kaya napa tingin sa akin ang mga kasama namin.

"Mamamatay na to oh bilisan niyo!"sigaw ko.

"Sir huminahon po kayo, 1 minutes nasa hospital na po tayo." Sabi ng driver.

"Eh paano kung sa loob ng 1 minutes na yon mamatay tong girlfriend ko?!"sigaw ko. Wait, nasabi ko ba na girlfriend ko? Bayaan mo na di naman ata naririnig ni Zeyn.

"Bilisan niyo ano ba!" Muli kong sigaw.

Isang malakas na sapak ang nakuha ko mula kay Zeyn, teka ano?

"Ang ingay mo tanga." Napa tingin ako sa naka pikit na Zeyn at halatang nahihirapan.

Gising siya?

"Buhay ka?"tanong ko. Bigla nyang minulat ang mga mata niya at tinignan ako ng masama.

"Gusto kong matulog--"

"Wag kang matulog bobo."sabi ko.

"Talagang hindi ako makakatulog sa ingay ng bunganga mo bakla."sabi niya at inirapan ako.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil gising siya at nakikita kong humihinga o parang gusto ko nalang siyang mamatay at bahala siya sa buhay nya.

"Paki dala kami sa pinaka malayong hospital."sabi ko kaya napa tingin sa akin ang lahat.

"Nag bago na ang isip ko, hayaan niyo ng mamatay to."sabi ko at inirapan si Zeyn.

Isang malakas na hampas sa ulo ang natanggap ko kay Zeyn dahilan para mainis ako.

"Talaga bang di ka titigil sa pag hampas mo--"

Nanlaki ang mga mata ko ng biglang mawalan ng malay si Zeyn.

Mas lalo akong kinabahan ng biglang nag panic ang mga doctor na kasama ko.

"What's happening?"tanong ko.

"Revive the patient." Rinig kong sabi ng isang doctor.

"What the fuck?" Tanong ko at napa tingin kay Zeyn.

"What's happening?"tanong ko.

"Sir Relax."sabi ng isang malapit na nurse sa akin.

"No! Answer me, what the hell is happening?"pag uulit ko. Puno na ng pangamba ang dibdib ko, ano bang nangyayare? Parang kanina lang ay nahampas pa ako ni Zeyn.

"1,2,3 Clear!"

'hoi tukmol, alam kong matapang ka. Kaya please wag ka munang sumuko.' 

Kinuha ko ang kaliwang kamay ni Zeyn at hinawakan.

"1,2,3 Clear!"

'mag papasalamat pa ko sa ginawa mo. Kaya lumaban ka please.'

"1,2,3 Clear!"

"Please." Bulong ko.

Sunod sunod na pumatak ang luha ko, hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Marahil ay dahil lamang ito sa konsensya na siya ang natamaan ng bala imbes na ako.

Pero hindi ko naman hiniling o sinabi na siya ang sumalo non para sa akin.

'bakit mo ako niligtas Zeyn? Bakit? Ikaw tuloy ang nahihirapan ngayun.'

"1,2,3 Clear!"

Napatingin ako sa mukha ni Zeyn, kitang kita ko kung pano tumulo ang luha niya sa kanang mata niyang naka pikit.
Napa tingin ako sa mga kasama kong nililigtas si Zeyn.

"Check the BP." Dinig kong sabi ng katabi ko.

"Stable na doc."

Napatingin ako sa katabi kong doctor.

"Lumalaban siya. She's a fighter."naka ngiting sabi nito saka binuksan ang pinto ng ambulansya. Napa tingin ako kay Zeyn na walang malay pero hindi gaya kanina na nasa bingit siya ng kamatayan.

Lumaban siya..... Akala ko...

"Isusugod namin siya sa ER Sir, tatanggalin po namin yung balang nasa katawan nya, sa ngayun ay mag pahinga po muna kayo dahil namumutla po kayo."sabi ng isang nurse. Pinanuod ko kung paano nila ibaba si Zeyn sa ambulansya.

"Sir ayus lang po ba kayo?"tanong nito ulit sa akin. Tinignan ko yung nurse at tumango tango.

Agad akong lumabas sa ambulansya ng mailabas na nila si Zeyn. Kitang kita ko pa kung paano nila bilisan ang kilos para mapunta si Zeyn sa ER.

"Sir?"napatingin ako sa tumawag saken.

"Sir namumutla po kayo ayus lang po ba kayo?"tanong ng nurse sa akin.

"O-oo."sagot ko at napa tingin sa likod niya.
Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko si Ate na kakababa lang ng sasakyan niya. Napa tingin ako sa pangalan ng hospital kung saan sinugod si Zeyn at halos mapa mura ako ng mapagtantong hospital namin ito.

Akmang tatakbo sana ako para mag tago kay ate kaso huli na ang lahat, nakita niya na ako.

"Jason? What happened to you?"tanong nito ng maka lapit siya sa akin, napa lunok ako ng makita ko kung paano niya ako suriin.

"May dugo sa damit mo."biglang sumeryoso ang tono ng boses niya.

"Jason JR? Anong kagagohan nanaman ang ginawa mo?"nag babadyang tanong niya.

"A-ate--"

"Doc Niah! May pasyente po sa ER na tinamaan ng bala ng baril, okay na po ang BP niya pero kailangan po agad nating matanggal yung bala sa katawan nya."sabi ng nurse na kasama namin kanina.

Agad na napatingin sa akin si ate.

"Hindi pa tayo tapos Jason Jr."sabi nito at nag mamadaling umalis.

Napa hilamos nalang ako sa mukha ko at sinundan ng tingin si ate.
Josmio, gegerahin nanaman ako nento mamaya.

~~~
Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram: rediousinpaper
Tiktok: rediousinpaper

Her SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon