Poser
Her Smile
Written by RIP~~~~
Jason JR POV
"Tsk, mauna ka na kasing pumasok."
"Anong ako? Ikaw nalang ikaw naunang lumabas sa sinapupunan ni mama eh."
"Ulol ka ba? Ibang sitwasyon to."
"Dean unahan mo na."
"Pakyu ka ba?"
"Pasok na kasi Mead."
"Bakit ako?"
"Alangan namang ako?"
"PASOK!" sigaw ko dahilan para mag bukas ng malaki ang pinto ng hospital room ko at nandon sa tapat non ang trio na nag kakagulo.
Tinignan ko silang tatlo ng masama, umayos sila ng tayo at ngumiti ng pilit sa akin.
"Zup Jason, ayus ka na ba?" Tanong ni Sean at pumasok, kasunod ang dalawa.
Hindi ko siya sinagot. Tinignan ko lang sila ng masama.
"Ughm... Ano Jason pinatawag mo daw kami?" Tanong ni Dean.
"ANONG BALITA?" Sigaw ko. Nag tago sa likod ni Sean sila Mead at Dean. Kitang kita ko naman kung paano lumunok ng laway si Sean.
"B-balita? 24 oras o TV patrol?" Lalo kong sinamaan ng tingin si Sean, sabay sabay naman siyang binatukan ng dalawang kambal niya.
"Umayos nga kayo." Inis kong sabi.
"Naka ayus naman kami eh." Sabi ni Dean, sa inis ko ay agad kong kinuha ang unan ko at binato sa gawi nila.
"Anong balita sa Video?" Tanong ko. Nag katinginan silang tatlo at natawa.
"Ayus naman." Sagot ni Dean at umupo sa sofa.
"Anong ayus naman?" Kunot nuong tanong ko.
"Ayus naman." Pag uulit ni Dean.
"Burado na yung video." Pag mamalaki ni Mead, nanlaki ang mga mata ko at sa inis ko ay kinuha ko ang isa pang unan sa tabi ko at binato sa kanila.
"Aray!" Sabay sabay nilang sabi ng matamaan sila non.
"Burado na ang Video?! Bakit?! Sino? Paano?" Tanong ko.
"Jason relax okay?"
"Paano ako mag re-relax kung yung video ay nabura na ng hindi pa nahuhuli yung poser non." Sabi ko. Nag tinginan silang tatlo.
"Hindi mo pa alam?" Tanong ni Mead.
"Alam ang alin?" Tanong ko.
"Hindi pa sinasabi sayo ni Zeyn?" Tanong ni Sean.
"Ang alin?" Tanong ko.
Biglang tumayo si Dean sa kanyang inuupuan, kita ko ang galak sa kanyang mga mata at para bang in love na in love siya sa kanyang awra ngayun. The fuck? Anong nangyayare sa gagong to?
"Kasi si Zeyn yung nag bura ng video." Sabi ni Dean kaya mas lalong lumaki ang mga mata ko.
"Bakit?!" Sigaw ko. Biglang napa tingin sa akin si Dean.
"Kasi humingi kami ng tulong sa kanya." Sabi niya at lumapit sa tabi ko at naupo.
"Alam mo ba ang astig nga niya eh kasi na locate niya yung address ng poser, ang dami niyang ginawa para malaman kung sino yung poser tapos in just one snap fadah! Nakilala na namin ng tuluyan ang poser." Sabi niya.
"Ano?" Yan nalang ang nasabi ko. Hindi ko siya maintindihan.
"Kasi ganito yan Jason." Singit ni Sean.
"Pagkatapos kang hampasin ni Zeyn ng Keyboard, sinugod ka namin sa hospital kasi nawalan ka ng malay, nag panic pa nga kami kasi baka napatay ka ni Zeyn." Kwento ni Mead.
"Tapos ng nasa hospital na kaming tatlo nagulat kami kasi pumunta din si Zeyn dito mismo sa hospital, akala nga namin tatapusin niya na ng tuluyan ang buhay mo eh pero sabi niya sya na daw ang mag babantay sayo." Kwento naman ni Sean.
"Syempre hindi kami pumayag ng umpisa kasi baka tuluyan ka na talaga nyang mapatay. Kaya ang ginawa namin sinamahan namin siya na bantayan ka para safe ka diba. Alam mo naman mahal ka namin kahit demonyo ka." Inirapan ko si Dean sa sinabi niya.
"Tapos habang binabantayan ka namin, biglang nag tanong si Zeyn kung ano ba ang ginagawa natin sa com lab eh di sinabi namin yung totoo tapos pinakita sa kanya yung video." Sabi ni Mead.
"Tapos ayun bigla niyang hiniram yung laptop ko tapos may kung ano ano siyang kinulikot dun, tinrack niya yung poser at napag alaman namin na hindi talaga sa com lab pinost yun." Sabi ni Dean.
"Saan?" Tanong ko.
"Sa bahay ng mga Sabianan." Kumunot ang nuo ko.
"Sabianan?" Tanong ko.
Familiar yun saken, saan ko nga ulit narinig yun.
"Si Lucille Sabianan ang nag post ng video." Sabi ni Dean kaya unti unting nawala ang kunot sa nuo ko.
Yun yong nasampal ko diba?
"Sobrang obsess ng Lucille na yun sayo kaya nag pakalat ng video na ganon. Alam mo ba ang astig ni Zeyn kasi pumunta sya sa mga police at nireport yung nangyare." Sabi ni Mead.
"Tapos ayun hinuli siya, kinasuhan siya ni Zeyn ng Cyber bullying pero agad din namang naka laya yung Lucille na yun kasi nag multa sila. Pero gumawa ng kasunduan sila Zeyn at Lucille na hinding hindi na pwedeng lumapit si Lucille sayo." Sabi ni Sean.
Napa tingin ako sa bintana.
Yung tomboy na asungot na yun, siya yung gumawa ng paraan para mahuli ang poser.So may utang na loob pa ko sa tomboy na yun? Tsk tsk.
"Jason ayus ka lang ba?" Tanong ni Dean.
"Oo, nasan si Zeyn?" Tanong ko.
"Hindi namin alam." Sagot ni Sean.
Huminga ako ng malalim at tumingin sa pinto ng bigla yung bumukas. Biglang lumakas ang tibok ng puso ko ng makita ko ang galit na galit na pag mumukha ng ate ko.
"Jason JR!" Sigaw nito habang naka tingin sa akin ng masama.
"A-ate."
~~~~
Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram: rediousinpaper
BINABASA MO ANG
Her Smile
General FictionVelasquez siblings series 2 I really really hate girls. Why? Well i have a lot of reasons why do i hate girls. Mom said, always care for girls. So pano kaming mga lalaki? Kami lagi mag aadjust? Bakit ba kasi ginawa pa yang mga babae na yan? Yes i d...