Girl Hater
Her Smile 3
Written by RIP~~~~
Jason JR POV
Isinara ko ang librong binabasa ko saka kinuha ang phone sa bulsa ko at dinayal ang number ni ate.
(Oh?)
"Kumain ka na?"
(Syempre--")
"Sapak ka saken pag nag sinungaling ka."
(---hindi pa.)
"Mag papadeliver ako sa office mo ng pagkain, kumain ka. Baka mapaano yang anak mong tyanak."
(Okay, saka mag padeliver ka din ng Barbie doll please.)
Napa irap ako.
"Pwede ba--"
(Please Jason JR na gwapo at mapag mahal na ayaw sa babae.)
"Fine. Mag hintay ka nalang jan and please lang ate don't stressed yourself, hindi sa concern ako pero baka wala na kasing mag laba ng damit ko incase na mapaano ka jan."
(Lols, hindi ako nag lalaba ng damit remember. Nag papa-laundry tayo.)
"What ever. Basta stay calm and relax, uuwi ako ng maaga. I need to hang up bye." Pinatay ko ang phone at tinignan ang paparating na Trio.
"Zup Jason!" Bati ni Dean.
"Mag padeliver ka ng pagkain sa office ng ate ko." Utos ko.
"Whow, whow relax kakarating ko lang ba't ako?" Tanong niya. Sinamaan ko siya ng tingin.
"Susunod ka o ipapatapon kita palabas ng school na ito?" Tanong ko.
"Sabi ko, Mead tawagin mo yung best chef natin sa restaurant and mag padeliver ng healthy food sa hospital ni DR Jermaniah Velasquez pakibilisan." Sabi niya sa kambal niya. Agad siyang sinunod ni Mead.
"Tapos ka na mag basa?" Tanong ni Sean sa akin.
"Yes." Sagot ko.
"Oh yun oh, tara one on one sa dota, cutting tayo." Sabi niya at inakbayan ako. Tinapik ko ang kamay niyang naka hawak sa akin saka sinamaan siya ng tingin.
"Demonyo, wag kang lalapit." Pag tataboy ko.
"Hahahahahaha gago!" Natatawang sabi ni Dean.
"As if naman mayayaya mo yang si Jason na mag cut eh good boy yan sa girls lang hindi." Natatawang sabi ni Mead na kakalagay lang sa bulsa ang cellphone.
"Ito namang si Jason, enjoy your life bro."
"I already enjoyed my life." Komento ko.
"What i mean do the man thing."
"I already do that." Sabi ko.
"Letse! Try mo rin kasi magpaka demonyo." Sabi niya.
"Sean gusto mo maka kita ng demonyo? Ayan papalpit na." Wika ni Dean na tinapik ako, tumingin ako sa dereksyong tinitignan ni Dean at nakita yung weird na si Zeyn.
"Ang weird talaga ng awra niya no?" Tanong ni Mead.
"Para syang mataray na ewan na pinag bagsakan ng langit at lupa." Sabi ni Sean.
"Watch and learn." Sabi naman ni Dean at inayus ang buhok niya. Malapit na sa amin si Zeyn.
Humarang sa daan si Dean kung saan dadaan si Zeyn."Hi babe." Tawag ni Dean kay Zeyn na nilagpasan lang sya. Natawa ako.
BINABASA MO ANG
Her Smile
General FictionVelasquez siblings series 2 I really really hate girls. Why? Well i have a lot of reasons why do i hate girls. Mom said, always care for girls. So pano kaming mga lalaki? Kami lagi mag aadjust? Bakit ba kasi ginawa pa yang mga babae na yan? Yes i d...