Viral Video
Her Smile 7
Written by RIP~~~~
Jason JR POV
"Totoo?"
"Hindi ko din alam eh."
"Sure ako magagalit siya pag nakita niya yung video."
"Pero diba tama naman yung nasa video? Isa siyang girl hater."
"Pero Kathy iba ang Girl hater sa bakla kaya mag tigil ka jan."
"Basta ako naniniwala ako na hindi bakla si prince Jason."
Napantig ang tenga ko sa sinabi ng babaeng nasa harap ko ngayun at naka talikod habamg nakikipag kwentohan sa mga kaibigan niya.
Sinabihan niya ba akong bakla?
"Excuse me?" Napa tingin sila sa akin at nagulat.
"Prince Jason." Bakas sa mga boses nila ang pagka gulat.
"Anong sabi niyo?" Tanong ko. Nanginginig na ang mga tuhod nila, mas lalong naningkit ang mga mata ko habang naka tingin sa kanilang tatlo.
"Prince Jason--"
"Jason!" Napa lingon ako sa likod ko at nakita yung trio na tumatakbo habang hawak hawak yung mga phone nila. Sabay sabay silang tumigil sa harap ko at tumingin don sa tatlong babae.
"Umalis na kayo bilis!" Sabi ni Mead, kumunot ang nuo ko. Lumapit sa akin si Dean at hinawakan ako sa balikat.
"Pre alam mo na ba?" Tanong ni Dean sa akin.
"Ang alin?" Tanong ko.
Inilahad niya yung phone niya sa akin at saka pinlay ang isang video.
"Jason Carlos Velasquez JR is a gay! Why?! Because he hates girl and he even slap Lucille Angela Sabianan! He's a gay! Salot siya sa lipunan!"
Yan ang naka lagay sa video, isa lang yung video ng mga picture ko habang may naka lagay na ganong salita.
Uminit agad ang ulo ko pati na ang dugo ko sa napanuod ko.
"SINONG GUMAWA NITO?!" sigaw ko dahilan para mapatingin lahat ng mga studyanteng malapit sa amin.
"We don't know bro, nakita nalang namin to sa wall ng Facebook page ng school at kalat na kalat na to sa buong campus." Sabi ni Sean.
"I'm sure isa sa mga naka away mo ang gumawa nito." Sabi ni Mead.
"Yes, look nadamay pa kaming tatlo oh." Sabi ni Dean at pinakita ang picture na stolen naming apat na mag kakasama, teka parang kahapon lang ito ah.
"Ang sabi dito, isa daw sa aming tatlo ang shota mo? The fuck pare!" Natatawang sabi ni Mead.
"Lagot sakin yang may gawa nito, pati ang sexy face ko nadamay." Sabi naman ni Dean.
"What's the plan? Kailangan nating malinis ang pangalan nating apat." Sabi ni Sean.
"Tama, baka mawalan na ko ng mga babae dito sa campus." Sabi naman ni Mead.
"Trace the poser." Sabi ko kaya nagka tinginan silang tatlo.
"Now!" Sigaw ko.
"Teka di nga kami marunong mag hack ng wifi mag trace pa kaya." Sabi ni Dean dahilan para tignan ko silang tatlo ng masama.
"Di naman kasi kami kasing talino gaya mo." Sabi ni Sean.
"Samahan ka nalang namin sa com lab tara." Sabi ni Mead. Nag simula kaming mag lakad papunta sa com lab, at habang nag lalakad kami ay pinag titinginan kaming apat.
Humanda talaga sakin kung sino'man ang hudas na gumawa ng video na ito, siguraduhin niyang naka labas na sya sa Pilipinas bago ko pa malaman kung sino siya.
Naka rating kami sa com lab, agad kong binuksan ang isang PC doon at sinimulan ng i trace ang nag post ng video na iyon.
"Ayan." Sabi ni Dean at tinuro yung screen ng Computer. Kumunot ang nuo ko ng makitang dito lang din sa com lab kung nasaan kaming apat pinost yung video.
"Dito lang din pinost yung video." Sabi ni Mead.
"Pero sino?" Tanong ni Dean.
"Mag hanap kayo ng bagay na pwedeng mag turo sa nag post dalian niyo!" Sigaw ko kaya nag simula na silang mag hanap habang ako naman ay naka tingin sa Computer at iniisp kung sinong alagad ni satanas ang mag post ng video.
"Ughm... Jason halika dito." Napa tingin ako kay Sean na naka tayo sa pinaka dulo ng com lab, nag sign siya ng wag maingay at dahan dahang lumapit sa kanya.
Lumapit yung mga kambal niya at napa takip sila sa bibig nila at napa tingin sa akin.
May tinuturo silang tatlo kaya napa tayo ako at mag punta sa tinuturo nila.
Napa tigil ako ng makita ko ang isang natutulog na tao sa dulo at naka takip ng libro ang mukha nito.
Posible kayang ito yung poser?
Marahas kong tinulak patabi yung tatlo at pumatong don sa natutulog saka hinawakan yung dalawang kamay nito at tinanggal ang librong naka takip sa mukha nito.
Halos mapamura ako ng makita ko kung sino ito.
Si Zeyn...
Natutulog sya.
Siya yung poser?"Si Zeyn?" Tanong ng trio. Biglang nanigas ang katawan ko ng biglang mag mulat ang mga mata ni Zeyn at napa titig sakin.
Kitang kita ko ang pagka gulat sa mga mata niya at napa tingin pa sya sa posisyon naming dalawa, para akong aatakihin sa puso sa sobrang bilis ng tibok nito.
"TANGINA!" sigaw ni Zeyn at sinapak ako. Namanhid ang mukha ko at nakaramdam ng sakit sa balakang ng mahulog ako sa sahig.
Fuck! Babae ba talaga to o lalaki?! Ang sakit manapak!
"Anong ginagawa niyo dito?!" Galit na tanong ni Zeyn.
"At anong ginawa mo sakin ha?! Rapist!" Sigaw niya dahilan para manlaki ang mga mata ko.
"Anong sabi mo!?" Sigaw ko at tumayo.
Isang malakas na sipa ang nakuha ko mula sa kanya. Napa upo ako muli at ininda ang sakit. Tanginang babae to!
"Gusto niyo akong irape no?! Mga manyak!" Sigaw nito at binato sa gawi namin ang keyboard.
"Aray!" Sigaw ni Mead na siyang natamaan ng Keyboard.
"Tama na! Aray aray!" Sigaw ko ng matamaan ako ng mouse na binato niya.
"Namumuro ka na ha!" Sigaw ko at lakaa loob na tumayo saka siya tinulak papunta sa dingding at buong lakas na idinikit doon saka hinawakan ang dalawang kamay niya.
Ngayun ilang dangkal nalang ang lapit namin sa isa't isa at ramdam na ramdam ko parin ang sakit ng ginawa niyang pag sapak at pag bato ng mouse sa akin, pero mas nararamdaman ko ngayun ang bilis ng tibok ng puso ko habang naka tingin sa mga mata niya na puno ng kaba.
Napa tingin ako sa mga labi niya na para akong inaakit, ibinalik ko ang paningin ko sa mga mata niya at kitang kita ko ang pag kunot ng nuo niya.
"Manyak!" Sigaw niya at sinipa ako sa tyan dahilan para malayo ako sa kanya. Napa upo ako sa lapag at muling ininda ang sakit ng pag sipa niya.
Huli na ng makita ko siyang may hawak na keyboard at inihampas sa akin. Nanlaki ang mga mata ko at napa pikit, isang malakas at masakit na bagay ang dumapo sa akin dahilan para mahilo ako at mawalan ng malay.
Tangina ng babaeng yun, mamaya ka sakin pag gising ko.
~~~~
Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram: rediousinpaper
BINABASA MO ANG
Her Smile
General FictionVelasquez siblings series 2 I really really hate girls. Why? Well i have a lot of reasons why do i hate girls. Mom said, always care for girls. So pano kaming mga lalaki? Kami lagi mag aadjust? Bakit ba kasi ginawa pa yang mga babae na yan? Yes i d...