Chapter 11: Back To Normal?

191 8 2
                                    

Back to Normal?
Her Smile 11
Written by RIP

~~~~

Jason JR POV

"Nakakainis." Agad kong binagsak ang katawan ko sa malambot kong kama at kinuha ang cellphone sa bulsa ko.

"Ang sabi ng tomboy na yon sunduin ko siya sa Starbucks pero ilang minuto na ang lumipas wala naman siya! Pinag lalaruan nya ba ako?!" Pasigaw kong tanong sa sarili ko.

"Hoy, ano yang sinisigaw sigaw mo jan?" Napatingin ako sa pinto ng kwarto ko at nakita si ate na naka taas ang kilay habang naka hawak sa doorknob ng pinto ng kwarto ko.

"W-wala." Sagot ko at umupo.

"Bilhan mo nga ko dragon fruit." Sabi niya at pumasok ng tuluyan sa kwarto ko.

Ilang lingo ang nakalipas ng ma discharge na ako sa hospital at tuluyang gumaling, at ngayong araw na ito napag kasunduan namin ni tomboy na gawin ang kabaliwan niyang deal.

Gawin ba naman akong alipin! Isa syang malaking stupid mother fucker idotic ultra asshole mega bitch ulti--

"Hoy Jason Carlos JR may naririnig ka ba?" Taas kilay na tanong ni ate sa akin kaya napa tingin ako sa kanya.

"Ha?" Tanong ko. Inirapan niya ako.

"Sabi ko, sa labas tayo kakain mamaya." Sabi niya at humiga sa kama ko. Tinignan ko siya.

"Libre mo?" Tanong ko.

"Oo, basta isama mo yung girlfriend mo." Bigla akong kinilabutan sa sinabi niya.

Girlfriend ko? Wala ako non! Kadiri!

"Wala nga ako non eh." Bulong ko.

"Ano?" Tanong niya.

"Sabi ko oo, wait tatawagan ko na." Sabi ko at dinayal ang number ni tomboy.

Tinapat ko sa tenga ko ang cellphone ko at tinignan si ate na masama ang tingin sa akin, nag lilihi ba to? Baka ako pinag lilihian nento?

Nanlaki ang mga mata ko ng biglang sagutin ni tomboy ang tawag.

"H-hoy---"

(SINONG DEMONYO ANG NAG SABI SAYO NA TUMAWAG KA?!) agad kong inalis sa pag kakatapat sa tenga ko ang cellphone ko.

Napa tingin ako sa phone ko at kunot nuong tinapat ulit sa tenga ko.

Grabe! Isa siyang halimaw!

"L-love... Kakain daw tayo mamaya sa labas sabi ni ate sumama ka daw." Mabilis kong sabi at agad na nilayo sa tenga ko ang phone.

Shit! Bakit Love ang tawag ko? Saka shit! Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko ha? May sakit na ba ako? May taning? Ano?

Dahan dahan kong dinikit uli ang phone ko sa tenga ko.

"L-love?"

Walang sumasagot? Siguro na badtrip siya sa tawag ko sa kanya? Mabuti yon para naman may pang asar ako kahit papaano sa tomboy na yon.

*mag usap tayo mamaya Jason Carlos Velasquez JR.* pagkasabi niya non ay agad niyang binaba ang tawag kaya napa tingin ako sa screen ng phone ko.

Bakit kinabahan ako don sa sinabi niyang mag usap daa kami? Shet ano bang ginawa ko? Baka bigla niya akong--

"Under ka pala ng girlfriend mo e." Napatingin ako sa ate ko na natatawa habang naka tingin sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Anong under? Baka ipag untog ko pa kayo jan." Sabi ko at humiga sa kama ko.

"Hahaha kawawa ka naman." Pang aasar niya. Tinignan ko siya ng masama.

"At least di ako iniwan di gaya ng Jericho mo na hanggang ngayon wala pa." Pang aasar ko, bigla siyang natahimik at nawala ang ngiti sa labi.

Opps, wrong move ata ako?

"Joke lang ate." Sabi ko.

Huminga siya ng malalim at tumayo.

"Mamaya nalang." Sabi niya saka nag lakad palabas ng kwarto ko.

Napa tingin ako sa pinto na nilabasan ni ate.

"Wrong move nga." Bulong ko at umupo sa kama ko.

"Hayst, lagot talaga saken yang Jericho na yan pag nag kita kami." Sabi ko at biglang napa tingin sa phone ko ng bigla yong mag vibrate.

1 message galing kay Tomboy?

Binuksan ko ang message na yon at binasa.

Tomboy butiki

HOY! NASAAN KA NA?! NANDITO NA AKO SA STARBUCKS! DIBA SABI KO SAYO HINTAYIN MO KO?! PUMUNTA KA NA DITO DALIAN MO BAGO PA AKO ANG SUMUGOD JAN SA BAHAY NIYO AT IBAON SAYO ANG MALIIT KONG KAIBIGAN! BILIS

Nanlaki ang mga mata ko sa nabasa ko.

Akala ko ba hindi na siya pupunta kasi kanina pa ako nandon?!

Napatingin uli ako sa cellphone ko ng mag vibrate yun.

Isa ulit message galing kay Tomboy.

Tomboy

KIKILOS KA O AKO ANG KIKILOS PAPUNTA JAN SA BAHAY NIYO?!


Agad akong napatayo sa kama at dali daling kinuha ang susi ng kotse ko saka nag madaling lumabas ng kwarto ko.

Shet! Masamang pinag hihintay ang mga tomboy!

~~~~

Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram: rediousinpaper

Her SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon