Chapter 12: Sniper Encounter

196 8 0
                                    

Her Smile 12
Written by RIP
Sniper Encounter

~~~~

Jason Jr POV

"Sabi ko diba hintayin mo ko?! Ba't ngayon ka lang?!" Agad na bungad sa akin ni tomboy ng maka upo ako sa tapat niya. Nandito na ako sa Starbucks at halatang bad trip si Tomboy.

"So kasalanan ko pa? Sino kayang abnormal ang nag sabi na pumunta ako dito ng 7 at hintayin siya ng mahigit 3 oras?" Inis kong sabi at tinignan siya.

"So binabaliktad mo? Hoy kaya nga kita pinapunta dito ng maaga dahil alam kong talkshit ka at isa pa, hindi mo ba alam ang salitang 'Filipino Time?' " sabi niya at tinignan ako ng masama.

"Ang aga aga tapos papapuntahin mo ko sa lintik na Starbucks na to para hintayin ka ng mahigit tatlong oras? Alam mo bang natutulog pa ako ng mag text ka sakin na puntahan kita dito!"pasinghal kong sabi.

"Ma'am, sir may problema po ba?"sabay kaming napa tingin ni Tomboy sa sumingit sa usapan namin.

"Wag kang mange alam! Away mag asawa to!"sabay naming sabi ni tomboy at muling tumingin sa isa't isa.

Bigla niyang hinampas ang table at tumayo saka tumingin sa akin ng napaka talim.

"May kasunduan tayo lalaki na lahat ng gusto ko ay susundin mo, in short alipin kita."sabi niya. Hindi ako nag patalo at hinampas din ang table ng mas malakas pa sa ginawa nya saka tumayo at tinignan din siya ng mas matalim.

"Hindi porket may utang na loob ako sayo ay aalipinin ko na ko, kayang kaya kong isumbong ka sa police dahil nang bla-blackmail ka."sabi ko.

"Eh di mag sumbong ka,tignan lang naten kung may uuwian ka pang ate at pamangkin."sabi niya at biglang kumunot ang nuo habang naka tingin sa likod ko.

A/n: play Get you the Moon by Kina

Baliw ba siya?! Wag niyang idamay ang ate ko sa kabaliwan niya!

"Hoy tomboy--"

"Dapa!" Biglang sigaw niya at hinigit ako palapit sa kanya at pwersahang pinadapa.

Kasabay ng pag dapa namin ang sunod sunod na pag putok ng baril. Agad akong kinabahan sa mga nangyayare. Bakit may pag putok ng baril ang nagaganap? Sinong puntirya nila?

Nag simula ng magka gulo sa loob ng Starbucks, lahat ng mga costumers at ang mga staff ay nag papanic.

Napa tingin ako sa katabi ko na naka kunot ang nuo at parang di natatakot sa mga nangyayare.

"Tanginang yan."bulong nya at tumingin sa akin.

"Hoy lalaki, wag na wag kang aalis dito. Kapag yan hindi mo pa sinunod malilintikan ka talaga saken."sabi niya at may kinuha sa gilid niya saka dahan dahang tumayo.

"Hoy saan ka pupunta? Wag mo kong iwan dito!"sigaw ko pero hindi siya lumingon sa halip ay sunod sunod niyang pinag babaril yung isang taong naka itim at may hawak na baril.

Bigla akong kinilabutan sa mga nangyare. Kaya niyang pumatay? Ano bang klaseng tao siya! Kababaeng tao pa'man din niya!
Sino ba talaga siya?

Tsk, iniwan niya talaga ako? Hayst bahala na nga!

Dahan dahan akong tumayo at tumingin sa paligid, magulo at halos takot na takot ang ilang taong natira dito sa loob ng Starbucks.

Agad akong nag tungo sa dereksyon kung saan nag punta si tomboy.
Ngayun sa malapitan kitang kita ko kung paano makipag basag ulo si Tomboy sa dalawang tao na pinag tutulungan siya.

Hindi ko alam kung kailangan ko pa bang tulungan si Tomboy o papanuorin ko nalang siya kasi naman parang kayang kaya niya na yung mga kalaban niya.

"Sige yan sa kaliwa mo!" Sabi ko at patuloy lang na pinapanuod si tomboy na nakikipag laban parin.

Napa tumba niya ang isang kalaban niya at patuloy parin binubogbog yung isa pang natira.

"Kung may tindahan lang sana ng popcorn dito siguro bumili na ko ng isang dosena, mas maganda pa to sa mga napapanuod ko sa movie."bulong ko at nag cross arms.

Para lang talaga akong nanunuod ng movie action pa! Biruin mo isang babae kayang kayang patumbahin yung mga kalaban niya.

"Nice one!" Sigaw ko ng mapatumba ni tomboy yung natira niyang kalaban.

Napa palakpak ako ng tumingin sa akin si Tomboy. Kumunot ang nuo niya kaya naman agad akong kinabahan.

Lagot, di ko sinunod yung sinabi nya na mag stay lang ako don sa dinapaan ko. Napa lunok ako at napa atras ng tumakbo palapit sa akin si Tomboy.

Napa pikit ako dahil baka sapakin ako ni tomboy pero sobrang bilis ng pangyayare, naramdaman ko ang pag yakap niya sa akin ng mahigpit dahilan para kumalabog ang puso ko at pinag palit ang pwesto namin habang naka yakap sa akin.

*Bang

Naramdaman ko ang mas lalong pag higpit ng yakap sa akin ni Tomboy. Napa mulat ako ng mata ng marinig ang tunog ng baril. Mula sa harap ko, sa likod ni tomboy kitang kita ko kung paano tumakas yung isang taong may hawak ng baril at puro itim ang suot.

Nanatiling naka yakap sa akin si tomboy.

H-hindi kaya---

"N-napaka..... T-tigas talaga n-ng..... Ulo mo... J-jason." Nanlaki ang mga mata ko ng marinig ko ang malambing na boses ni tomboy. Dahan dahan siyang kumawala sa pag kakayakap niya at hinarap ako.

Mas lalo pang nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang pag tulo ng dugo niya mula sa kanyang labi.

Isang ngiti ang ginawa niya sabay non ang pag luhod niya sa harap ko.

"Zeyn!" Sigaw ko at agad na sinalo ang katawan nyang naka luhod sa harap ko.

Shit!

~~~

Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram: rediousinpaper
Tiktok: rediousinpaper

Her SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon