89

955 24 0
                                    

"Stop right there." He said and I stopped walking. Nakatingin lang ako sakanya, anong problema ng kulot na 'to?

"Will you please smile? Kanina ka pa nakasimangot. Ang sungit mong tignan." I just looked at him and rolled my eyes saka muling tumingin sa batang umiiyak. Siya nga itong masungit!

"Look at the camera, Jianna." And I did. I didn't even noticed na may hawak pala siyang cellphone. I sighed. Kanina niya pa ako kinukuhanan ng litrato, nagugutom na talaga ako.

"Ngumiti ka naman." Jordi told me. I smiled, yung labas lahat ng ngipin! Nakakainis he already took tons of photos mula paglabas namin ng Church kanina.

"Why are you so masungit?" He asked.

"Nagugutom na nga ako. We were walking nonstop, masakit na din paa ko." I told him.

Kasi naman sabi niya maganda daw view dito, instagrammable, so ayun nga di kami tumitigil kakalakad. Pag may nakita siyang magandang background, papatigilin niya ako sa paglalakad at kukuhanan ng picture. It's cool but I'm not in the mood for this, maybe pagkatapos naming kumain okay na.

He chuckled. Nakakainis yung pag you're not in a good mood, pero tumawa lang siya, okay na agad. Ganun ko na ba talaga siya kagusto?

"Where do you wanna eat?" Tanong niya.

"Sa pinakamalapit, I'm tired of walking na talaga." I answered him. I heard him sigh.

"Sorry, I just want to take pictures of you." He said. Bigla akong nakonsensya, ang galing niya talaga sa ganito.

"It's fine. Let's just go back here after we eat."

"Okay, stay here. Hahanap ako ng pwede nating kainan." Bilin niya sakin.

"Ba't mo naman ako iiwan dito?" I asked because why would he even leave me here?

"Babalikan naman kita. Hahanap lang ako ng malapit na kainan na maayos, mahihirapan ka lang if sasama ka na kaagad. Baka kasi libutin ko pa muna bago ako makahanap ng maayos na kainan." He explained, pero isa lang ang pinaka-naintindihan ko. Babalikan naman kita.

"It's okay. I'll go with you." Sabi ko sakanya. He turned his back on me saka nagsquat. Anong ginagawa niya?

"Come on, I'll carry you." Bigla akong tumawa ng malakas. Seriously? Piggy back ride? Sa payat niyang yan?

"I can walk!" I told him while suppressing my laugh.

"Why are you laughing?" He asked. Ang cute niya talaga!

"You can't carry me. I'm heavier than you." I told him. He faced me now.

"Fine. Maglakad ka." Sabi niya saka pinaikot ang mata. Ang sungit.

Nauna siyang maglakad saakin kaya binilisan ko din ang steps ko. Ang laki ng hakbang niya, nakakainis.

"Ba't mo ba ako iniiwan?" I asked him, medyo nilakasan ko so he could hear me. Jordi didn't even stopped walking pero I noticed na he's slowing down his steps hanggang sa we're walking side by side already.

After we finished eating, we've decided na 'wag na bumalik dun sa may garden sa tabi ng Church. Papunta na kami sa kung saang lupalop ng Quezon na sabi niya mas maganda daw.

I noticed na nalampasan na namin yung way papunta sa subdivision namin.

"Where are we going?" I asked. May pumasok na mga lalake sa jeep. Nagulat nalang ako na bigla siyang lumipat ng upuan sa kabilang side ko, basically siya na yung katabi nung lalaki na bagong sakay.

"Bakit ka lumipat?" I asked him. He just rolled his eyes on me.

He asked me kagabi if we can go out today, I don't know nga why he's still asking eh parang routine na namin to kapag wala siyang training na Sunday. I was shocked pa when he told me kanina na we're going to commute, akala ko nagjojoke lang siya because I didn't know na marunong pala siya.

Medyo kinabahan pa ako nung palabas na kami sa subdivision because I was asking him if he's sure na marunong talaga siya magcommute pero he was just ignoring me. Pero eto nga, marunong naman siya.

"Para po." He told the driver and the jeep stopped sa harap ng isa pang village.

"Dito kayo nakatira?" I asked him then fixed the sleeves of my shirt.

"Hindi. Pagpasok natin doon, liliko pa and that's our house na." He answered, I glared at him. He just laughed.

Nagsimula na kaming maglakad papunta sakanila. Medyo nahihiya pa ako sa kanila even though i've talked to them many times na. Kay Kuya Juan at kay Mara lang ako comfortable makipag-usap.

Pagtapat namin sa bahay nila, dire-diretso niyang binuksan ang pinto at pumasok. He didn't even waited for me! I stayed at my spot. Nakakahiyang pumasok bigla. Seconds passed at biglang bumukas yung pintuan nila.

"Why didn't you come inside?" Tanong ni Jordi.

"You left me here. Nakakahiyang pumasok." I answered him honestly. Tumawa nanaman siya.

Grabe ang ganda naman ng happy pill niya.

Pagpasok namin, there was Kuya Joe and Jaime playing fortnite sa sala. Mara was at the dining room, doing some homeworks. Kuya Juan is out with his friends, si Kuya Javi naman kasama din si ate Einica. Tita Anna was at the kitchen cooking something, while Tito Bert is watching her.

We ate right after tita Anna finished cooking. We were all so full when we finished eating. We talked a little then me and Jordi went out. Pupuntahan daw namin sila Joaquin.

I've met Joaquin already pero si Ravi and Ethan, hindi pa. They were all so kind. Ethan is a funny person, while Ravi and Joaquin keeps on talking about some online game na hindi ko naman maintindihan. I wonder where Abi lives.

Four in the afternoon, I decided to go home. Hinatid ulit ako ni Jordi pauwi and yes, nag commute ulit kami.

"Do you want to come in?" Tanong ko sakanya pagtapat namin sa bahay. He shook his head and I nodded.

"I won't be able to watch your game on Wednesday, may pasok ako. Hindi ko kayo machicheer." He smiled at me.

"It's fine."

"Kung hapon sana pwede pa akong humabol... but i'll try to watch sa livestream." I told him. This time his smile grew bigger.

"Okay nga lang." He chuckled.

"I'll pray for your win. You're my MVP." Sabi ko sakanya saka pumasok na sa loob ng bahay. Hindi ko na hinintay sasabihin niya, bigla kasi akong nahiya sa sinabi ko.

You're my MVP. Wow.

Well, he is. And he'll always be.

I Was Loved | Jordi GDLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon