100

481 10 4
                                    

"I'm sorry, Gio. Pero baka next time nalang? I need to go, eh." I explained.

"Ayos lang. Uh..." He trailed.

Hinintay ko kung may sasabihin pa siya. Pero nang wala na siyang sinabi, saka na ako ulit nagsalita. "Sorry talaga." Gio nodded and entered his car.

I entered Jordi's car without a word. Pumasok na din si Jordi. Later on, we're on the road already. The silence is deafening. I stared at the road and sighed.

Tumikhim si Jordi kaya napatingin ako sakanya. "Gusto mo ba talagang sumama sakanya?" He asked seriously.

Mas lalo akong tumitig sakanya habang nakakunot ang noo. What does he mean by that?

"What?" I asked.

"You look..." He trailed. "Miserable." He toned down the last word and faked a cough.

I looked miserable? Miserable? I was sad, of course. Iyon sana yung unang beses na lalabas kami because he's not busy pero hindi pa natuloy. But then again, I'm not miserable. We can reschedule it naman.

"What do you mean by that?" I asked, completely confused.

"Nothing." He answered. "Baka lang naman gusto mo makasama yung boyfriend mo."

Muntik pa ako masamid sa sarili kong laway sa sinabi niya. I chuckled.

"What?" Masungit niyang tanong. He glanced at me and then back to the road.

I shook my head, "Nothing."

"Tss."

Is he jealous? I smirked at the thought. Crush pa ata ako nito, eh. I remember the past years. Hindi naman naging kami, pero I know the feelings we had was real. I just know. Kahit naman hanggang ngayon siya pa din naman ang gusto ko, eh.

I never really liked someone the same way I liked him. He was never gone in my mind, na halos araw-araw iniisip ko kung kumusta na siya. Bago matulog, I would imagine how would it like be if I never left the country

"Akala ko ba ikaw ang boyfriend ko?" Pero hindi ko sinabi 'yon. I know naman na he only said it so he has a reason to be mad at the guy earlier, eh.

Pero pwede pa din naman siyang magalit kahit magkaibigan lang, 'di ba? Bakit niya pa sinabi iyon? Hindi naman kailangan. I smiled again.

"What are you thinking?" He seriously asked, I almost jumped out of my seat.

I clutched my chest. "I'm sorry." He said, napansin niya ata na nagulat ako.

Sinabi kong ayos lang, pero hindi ko sinabi sakanya kung ano ang iniisip ko. Hindi ko pwedeng sabihin 'yon.

Tahimik lang kami hanggang makarating sa bahay ng magsusukat. Totoo nga nang sinabi niya na iba iyon sa pinuntahan ko noong nakaraan.

The designer told me that there are changes with the designs and other details kaya't kailangan ng sukat sa ibang parte na hindi nasukatan.

He was measuring the length of the sleeves when my eyes drifted to Jordi who's silently watching me. Our eyes met so I quickly turned my gaze to my arms.

I caught him smirk in my peripheral view. Anong nakakatawa doon? I rolled my eyes secretly.

Napatingin ako sa nagsusukat nang magsalita siya. "Ang tangkad ng jowa mo..." She giggled. "Ang ganda ng buhok, natural ba 'yan?"

"Ah, oo." Gusto ko sana sabihin na hindi ko naman boyfriend si Jordi, pero hindi ko nagawa.

She was complementing us, kung gaano ako kaganda at ang katawan ko. Pati kung gaano kami kabagay ni Jordi.

I Was Loved | Jordi GDLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon