B.V : C.1

51 10 0
                                    

Her pov

"Melo!What are you doing here?!" I stopped playing the violin at tiningnan ang kaibigan kong pawis na pawis at hinihingal. Para syang sumali ng marathon sa totoo lang. Kumalat na rin ang make-up nya.

"What's the fuss?"

"Anong what's the fuss?! Tara sa lobby dali!" Napataas ang kilay ko sa sinabi nya. Mukhang nakuha naman nya ang ibig kong sabihin.

"Almost everyone is there! May artista don Melo! Yung famous boy band sa korea na Dark Aces!"

I rolled my eyes.

"Akala ko pa naman kung ano yun tapos artista lang pala?" I saw how she dramatically rolled her eyes. Hala gumanti?

"My gosh! Psyche Melody Clarkson! It's a rare chance to see a famous universal band in our school! Tapos magsabi ka lang na artista lang pala?!"

"Sorry to tell you this Miss Champagne Francine Monroe , I AM NOT INTERESTED." I said, emphasizing the last words.

Inayos ko na ang arms position at inilagay sa may baba ko ang violin. I was about to play when she suddenly grab my arms at hinatak ako.

"Champagne naman eh! You can go there alone."

"I can but I won't! Hello? ayokong maging loner at isa pa, sino ang magtake sakin ng picture if makipag picture na ako sa members ng band?" Inis na sabi nya sa'kin.

"Seriously Champy? You barge into my beloved haven and drag me here just to take pictures of you and that mere band? You're nuts Champ!" Tumawa naman sya ng napakalakas kaya napatingin samin ng iba. Champ looks demure and mahinhin but if she laughs, geez! Nakakaturn off kasi para syang lalaki tumawa. Yung wala syang paki basta tumawa sya. Weird noh?

Napaawang ang bibig ko nang makita ko ang situation dito sa gymnasium. Parang nasa concert lang? Halos lahat ng mga students ay nandito sa may lobby at nagkumpulan! May pila pa para sa gustong magpa picture. Ano to, fan meeting?!!! Ba't hindi ako na inform? Sana umabsent nalang ako. Walang kwenta naman oh! And what am I doing here? Ah, right! For this crazy best friend of mine.

Napansin ko na pinagtinginan kami ni Champ at kahit maingay , narinig ko parin ang bulungan ng iba. Kaya nga ayaw kong magpakalat kalat sa campus eh.

"Oh em gee! Champagne and Melody are here? "

"Now ko lang na know na fan pala si Melody ng Dark Aces , akala ko ba classical music ang gusto nya?"

"Right! I even heard na ayaw daw nya sa rock music o something na makakabasag tenga na music but why is she here for Dark Aces?"

"Champ is obviously a fan of Dark Aces but si Melo? I don't think so."

"Baka gustong landiin ang Dark Aces."

"Tama! Hinhin hinhinan pa tapos may tinago palang kalandian."

I rolled my eyes. Wala pa nga akong ginawa tapos kung makapanglait , wow! Grabe ha. Napahilot nalang ako sa sentido ko.

"My dear Melody is not malandi! I'm the one who brought her here para picture-ran ako. And please, dont judge her by the face! She's only standing here and not doing anything tapos grabe kayo makapagsalita." Nakangiting sabi ni Champ. Alam kong nagtitimpi sya. Hayss.

Broken VowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon