B.V: C.33

10 5 2
                                    

Melody's P.O.V

"I'm warning you, Clarkson. I can ruin your reputation in just one click of my phone. Umalis ka sa school at wag nang magpakita pa"

Napakagat ako sa labi ko dahil sa sinabi ni Victoria. Naghihintay lang naman ako ng sundo ko dito sa lobby ng school nang bigla lang nya ako hinatak patungo sa sulok at binantaan ng kung ano-ano. Tiningnan ko sya sa mata.

"Why are you doing this?"

Tanong ko sa kanya. You see, as far as I can remember wala naman akong ginagawang masama sa kanya ah.

"Don't ask me ques---"

Di natuloy ang sasabihin nya nang dumating ang mga bodyguards ko at inilayo sya sa'kin.

"Ano ba?!  Let go of me!"

Malakas nyang sigaw kaya napatingin sa'min ang ibang mga estudyante.

"Are you okay young lady?"

Tanong ng head guard ko. I nodded at inayos ang sarili ko as the other bodyguard get my bag. Tiningnan ko si Victoria na pilit nanlaban sa mga guards na nakahawak sa kanya.

"Let her go"

Sabi ko na agad namang sinunod ng mga nakahawak sa kanya.

"Y-You're gonna regret this, Clarkson!"

Galit nyang sigaw bago umalis. Napailing ako at nagsimulang naglakad paalis.

------------------------

"Y-You're gonna regret this, Clarkson!"

"Y-You're gonna regret this, Clarkson!"

"Y-You're gonna regret this, Clarkson!"

Napasapo ako sa ulo ko. Hindi kasi mawawala sa isipan ko ang mga salitang binibitawan ni Victoria. Like, ano ba ang ibig nyang sabihin? Mabuti nalang talaga na hindi ko ugaling pumatol sa away at marunong akong gumamit sa kapangyarihan ko bilang tagapagmana sa pamilyang pinakamayaman sa lipunan in the right way. I mean, hindi naman sa pagmamayabang pero kung ibang tao ang nasa posisyon ko, baka inaabuso na ang kapangyarihan na meron ako. If you know what I meant.

Inayos ko ang suot na hoodie at shades habang naghintay kay Eun Woo. Nasa airport kasi ako ngayon. Isang oras na akong naghihintay pero hindi pa sya dumarating. Kapag malaman ni Governess Analiza na wala ako sa kwarto ko, eh di lagot na. Tumakas ako sa mansion para lang masundo si Eun Woo sa airport. Bukas pa sana sya makakauwi kaso nagpumilit sya na ngayon na dahil gusto na daw nya akong makita. Nararamdaman ko naman na uminit ang mga pisngi ko. For Pete's sake Eun Woo bakit ganito kita kamahal? Gusto ko sanang tawagan sya o ano kaso iniwan ko ang cellphone ko sa kwarto ko. May tracking device ito na naka connect sa cellphone ng head guard ko at sa mga magulang ko kaya it would be a foolish move to bring my phone here. Pasimple kong hinagod ang binti ko. Hindi biro ang tumayo at maghintay sa loob ng isang oras dito.

Maya maya, may nakita akong mga tao na lumabas na sa departure area. Nagpalinga linga ako at pilit hinanap ng mga mata ko si Eun Woo pero hindi ko sya nakikita. Napanguso ako habang nakatingin sa mga nagyakapan habang tuwang tuwa na nakikita ang taong matagal na panahon na nilang hindi nakakasama. Suddenly I felt lost. I realized na ito ang unang beses na ginawa ko ang bagay na ito. Tama ba ang ginagawa ko o mali?

-------

Dumaan na ang iilang oras pero wala pa rin sya. Naiiyak na ako, ano ba? 'Eun, where are you?'

Napabuntong hininga ako. Wala naman sigurong nangyayaring masama sa kanya diba?

Alas dose na ng gabi, kaya alam ko na hinahanap na ako ng mga tao doon sa mansion. Alam ko na nagpapanic na sila kaya mas lalo akong nalungkot. What a foolish move, Melody!

Broken VowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon