B.V:C.28

13 6 0
                                    

Melody's P.O.V

"Bitawan mo ako"

Malamig kong sabi sa kanya. Para naman syang natauhan dahil bumitaw sya agad matapos kong sabihin yun.

"Psyche. I'm so worried about you!"

"Oh shut up. Wala akong oras na makipaglokohan sayo"

"Do you think I am fooling with you Psyche?!"

Napapikit ako dahil sa pagtaas ng boses nya

"If not, then why are you coming back to me after what you did? Nakalimutan mo na ba ang ginagawang pambabasura mo sakin, Eun Woo?"

Napaiwas sya ng tingin. See?

"I begged you to stay, yet you choose to leave. Now you keep on pestering me because you want me back? This is absurd! I'm not a toy for Pete's sake!"

Naiiyak na ako sa inis. Ano ba talaga ang gusto nya? Ang gulo nya! He wanted me to get out of his life, so I did. Now that I'm starting a new life with another guy, guguluhin nya na naman ako?

"Parang awa mo na Eun, tigilan mo na ako. Hirap na hirap na ako nito eh"

Di ko na kinaya. Pinakawalan ko na ang mga luhang namumuo sa mga mata ko.

"What if I won't?"

Napatingin ako sa kanya.

I closed my eyes. I don't know what to say anymore. Masyadong matigas ang ulo nya.

"I can't keep this anymore, baby. You want to hear my side? Then I'm going to tell you everything"

Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako. Kapag malalaman ko ang dahilan nya , may magbabago ba?

"No, stop it Eun. Everything is at peace now. Wag mo sanang guluhin kung ano man ang meron ngayon. About the two of us? Matagal na tayong wala kaya sana, ibaon na natin sa limot ang lahat ng nangyari sa ating dalawa."

"B-but"

"Leave"

I said coldly

"Psyche"

"I said leave!"

Sigaw ko na umalingawngaw sa buong kwarto.

Yumuko sya at pasimpleng pinahid ang luha sa mga mata nya.

"You're right. Everything is in its proper places now. You have your own life. You have him, you have Yuki now. I apologize for pushing myself back to you Psyche. Don't worry because I will stop now. From now on, you will never see me running after you. Be happy Psyche. Be happy with him".

Mahinang sabi nya at tinalikuran ako.

Hindi ko maiintindihan ang sarili ko. Bakit gusto ko syang pigilan na umalis at lumayo? Bakit gusto ko na manatili sya sa tabi ko? Ito ang gusto ko diba? Tsaka may Yuki ako diba?

He stopped walking kaya napigilan ko ang pagtangka kong bumaba sa kama para hatakin sya pabalik.

"Ayaw mo na ba talaga,Psyche?"

Napalunok ako. Hindi ito ang unang beses na narinig ko syang nagtatagalog pero ganito parin ang nararamdaman ko. Humarap sya sakin at tinitigan ako.

"Final na? Ayaw mo n-naba talaga?"

Pumiyok sya dahil umiiyak na sya. Para syang bata na umiiyak sa harap ko.

"Psyche, baby please? C-come b-back to m-me"

The moment he said that was the moment that he kneeled in front of me. Nakayuko sya at umiyak habang nagmamakaawa na bumalik ako sa kanya. Hindi ko alam pero nakita ko ang sarili ko sa kanya noon. Dati, ako yung nasa posisyon na nagmamakaawa na bumalik sya sakin pero tingnan nyo na ngayon.

Di ko na napigilan ang sarili ko na umiyak na naman. Bakit ang hirap? Magsasalita sana ako pero nakita ko si Yuki na tahimik na pumasok sa kwarto. Hindi sya napansin ni Eun Woo.

Yuki looked at me straight in the eye, as if conveying a message. Right now, alam ko na sa oras na may lalapitan ako sa isa sa kanila ay ang oras na mawalan ako ng isa. Either Yuki or Eun Woo. Lagi kong iniisip ang sitwasyon kung saan kailangan kong pumili. Pero sa imahinasyon kong yon, tama naman ang pinili ko at hindi ako nagsisisi. Tama kaya ang mapipili ko sa reyalidad?

Kapag lalapitan ko si Yuki, tuluyan na mawala sa akin si Eun Woo. Kapag si Eun Woo ang pipiliin ko, mawawala sakin ang lalaking handang magsakripisyo para lang sa akin.

Isang lalaking handang gawin at ipagpalit ang lahat para lang sa akin at isang lalaki na minsan na akong pinasaya pero iniwan at niloko. Kung ikaw ay ako, ano ang pipiliin mo?

Ayokong makasakit ngunit sa gagawin ko ngayon, hindi ko maiwasan na may masaktan. Ganito naman lagi diba? May iiyak at may sasaya.  But this time, sino ang luhaan?

Bumaba ako sa kama. Pansin ko ang pagpikit ni Yuki at ang pagtitig ni Eun Woo sa akin na may matang puno ng pag-asa. Unti unti akong humakbang. Mabagal na parang binibilang ang bawat sigundo. Ilang beses na akong humakbang at naglakad ngunit bakit ito ang pinakamasakit?

Sampung hakbang nalang ang natitira.


Isa.    Huminga ako ng malalim




Dalawa..  Kailangan ko tong gawin





Tatlo... Para hindi na mapahaba ang kaguluhang to



Apat...   Na realize ko na......



Lima..... Mahal ko kayong dalawa.


Anim...... Selfish ba?


Pito....... Kaya kailangan ko ng pumili ngayon eh



Walo........     Ang hirap. Sobra



Siyam......... Tumigil ako sa paglalakad. Isang hakbang nalang. May iiyak at may matutuwa.

Parang gusto ko tumakbo pabalik sa kama, magtalukbong ng kumot at ipikit ang mga mata. Sana panaginip lang to. Sana nung una iniwasan ko na mag krus ang landas naming lahat. Pero nandito na eh. Wala na akong magagawa para dito kundi harapin ang lahat ng to.

Ipinikit ko ang mga mata ko. At inihakbang ang paa ko patungo sa isang tao.





Sampu.......... This is it. Sana ang lalaking pinili ko ay tama.





Agad ko nararamdaman ang mga kamay nyang yumakap sakin habang nagsasalita sya ngunit hindi ko narinig o naiintindihan man lang.  Ang sama ko, ang sama sama ko. Nakatitig lang ako sa isang lalaki na tahimik na umiyak habang nakatitig sa akin, sa amin. Alam ko na masakit ang ginagawa ko. Alam ko na mali ako ngunit masama bang piliin ang bagay na ikasasaya ko? Mali ba ang pumili ng kasiyahan? Oras na siguro na magiging selfish ako.

"I-I'm s-sorry Y-Yuki"

Tumalikod sya at umalis. Nakita ko na ibinagsak nya sa sahig ang puting rosas na ibibigay nya sana sa'kin.

"Thank you baby. Thank you . I love you! I love you so much. I promise not to hurt you again"

Sabi ni Eun Woo habang mahigpit nya akong niyakap.

Umiyak na naman ako. Hindi dahil sa saya ngunit sa lungkot para kay Yuki.




















******

Don't forget to Vote and Comment for motivation 😘

Facebook ni author: Winter Ara Guenne

Fb page ni author: Black_Aphrodeath

Facebook group ng story : Broken Vow


Broken VowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon