B.V : C.15

18 6 0
                                    

Melody's P.O.V

"Ano ba, Eun Woo! Let go of me"

Inis kong sabi habang pilit inalis ang kamay nitong nakahawak sa wrist ko. Honestly, masyadong masakit ang pagkahawak nito. He let me go nang makarating kami sa music room at sinarado nya ang pinto. Malakas ang pagkasarado nito at lumikha ito ng tunog. Binalingan nya ako at nakikita ko ang galit nyang ekspresyon. Napaatras ako. That look, that expression. It's the same expression from 3 years ago when he got jealous. Wait is he jealous?

He walk towards me kaya napaatras ako. He leaned his face closer to mine kaya pilit kong inilayo sa kanya ang mukha ko. Napaiktad ako when he touch my face.

"Look at me Psyche"

Sabi nya pero pilit kong iniwas ang paningin ko

"Bitawan mo ako Eun Woo"

"Who told you na pwede kang magpahawak ng ibang lalaki?"

Malamig nyang tanong. Napataas naman ang kilay ko.

"And who told you that you have the right to mind my business?"

Mataray na tanong ko with matching kunot noo

"Linawin ko lang Eun Woo ha? Matagal na tayong hiwalay. Ikaw nga mismo ang nakipaghiwalay diba? Pinagpalit mo ako sa iba diba? Kaya wala ka nang ni katiting na karapatan para mangialam sakin. Kahit sino pa ang hahawak sakin o jojowain ko, wala kana dun"

Tinulak ko sya.

"So please? Get out of my life and as much as possible, do not associate yourself with me unless necessary"

Inirapan ko sya at naglakad paalis ngunit hinawakan nya ako sa braso at................ Nagulat ako when I felt his lips on mine. Wtf! Nararamdaman ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko. He moved his lips........but before I could push him away, bumukas ang pinto at pumasok si Ji. His eyes widened at mabilis na sinara ang pinto. Agad ko namang tinulak si Eun Woo.

"Ano ba?! Are you crazy?! Ano ba ang tingin mo sakin? laruan na hahalikan mo lang kung kelan mo gusto?!"

Galit na sigaw ko, not minding Ji's presence na nakatulalang nakatingin samin ni Eun Woo

Eun Woo smirked sabay tingin sakin.

" Psyche. You're mine and mine alone kahit ano pa ang sasabihin mo"

Di ko na pipigilan ang sarili ko na sampalin sya. I motioned my hand to slap him but he managed to catch my wrist at hinila ako and for the second time hinalikan nya ako. Kumalas ako but mas lalo pa nyang nilaliman ang halik kasabay nito ang pagbukas ng pinto. He break the kiss at tumingin sa pumasok. Nakita ko ang gulat nyang mukha when he saw who enters this room. I followed his sight and then I saw a girl. A very pretty girl na parang manika sa sobrang puti at sa sobrang kayumanggi ng kulay sa mata.

"Honey? What's the meaning of this?"

Malumanay na tanong ng babae at palipat lipat ang tingin niyo sa aming dalawa ni Eun Woo. Inis kong inalis ang kamay ni Eun Woo na nakahawak sakin. Naiiyak ako, how dare he treat me like this?

"Melody?"

Napatingin ako kay Yuki na nag-alalang tumingin sakin. Tumahimik ang silid. No one dared to break the silence. What an awkward situation

"Melody Noona!!!!"

Masayang tawag sakin kay Yuhan na galing sa labas kasama si Sebastian. Napawi ang ngiti nito when he saw the pretty girl

"Lorraine noona?"

Kumunot ang noo ko. So she is Lorraine? Eun Woo's girlfriend? Tsk! Kaya pala gulat na gulat si Eun Woo when he saw her. I felt bad.

Broken VowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon