B.V : C.20

13 6 0
                                    

Melo's P.O.V

"Aaaaaahhh!!!"

"Kyaaaaaaahhhhh!!!"

"Saranghae oppaaaaaa!!!!!"

"Dark acesssssssssss!!!!!!"

Napatakip nalang ako sa tenga ko. Grabe totoo ngang maingay ang mga ganito. Napafacepalm nalang ako kay Champ na ngayon ay nakatayo na habang iwinagayway ang banner nyang may lights pa kaya alam ko na mababasa nina Yuki ang sulat.

Kala ko ba ayaw na nya sa Dark Aces? Eh ba't buhay na buhay ang pagka fangirl nya? Si Zyro naman, nakavideo Kay Champ at tawang tawa pa sya.

Napairap ako.

Weird ng dalawa. Hayss.  Gusto ko sanang mag enjoy sa concert but sadyang naiingayan talaga ako at hindi makapagfocus sa panonood ng concert na to. Napatingin ako sa stage. Kasalukuyang sumayaw at kumanta ang limang lalaki na nakasama ko ng iilang buwan sa music room.

Now that I've think about it, napakaswerte ko ata na nakasama ko sila at naging kaibigan narin. All my life hindi ko hiniling na makasalamuha ang mga katulad nilang sikat. I don't like their type of music, remember? I looked at them once again. Now I know why they are very famous worldwide. They are very talented and also they are very good looking.

Si Yuhan na pinakabata at pinakaisip bata ay seryosong sumayaw ngayon. Who would have thought na ganun pala ang ugali nya on stage? Si Ji na seryoso but ngayon ay bahagyang nakangiti habang nakasayaw. Si Sebastian na lagi akong kinukulit at tinatawag na babe. Walang patawad ang kalandian ng lalaking to dahil nakuha pang kumindat sa mga babae kahit busy sa pagpeperform.

Napatingin ako Kay Yuki na pinagpawisan na pero nakuha pang ngumiti. Who would have thought that this guy will be my suitor? For sure, sasabunutan ako ng mga fan girls ng lalaking to if they know na nililigawan ako ni Yuki. Napatingin ako sa lalaking pa swabeng sumayaw.

'Ex ko yan!'

Sarap isigaw haha. I never thought na darating sa punto na sisikat ng ganito ang lalaking kinababaliwhan ko dati. No hard feelings huh because that's the fact.  Aminado naman ako don. Masaya ako para sa kanya. Para Kay Eun Woo

Maya-maya pa, nag exit sila at may pumasok na may guest performance. Nararamdaman ako na parang naiihi ako kaya napatayo ako.

"What's wrong?"

"Cr lang ako"

Sagot ko Kay Champ at nagmamadaling tumakbo sa exit. Huli na nang marealize ko na hindi ko alam kung saan ang cr! Tengek! Tanga ko...

Napa cross legs ako habang naglalakad. Ihing-ihi na ako! Alam nyo ba ang feeling na gusto mo na talagang umihi kaso kailangan mo talaga syang pigilan? Grabe ganun mga ang nararamdaman ko.

May nakita naman akong lalaki na nakacap at nakablack t-shirt

"Excuse me, do you know where's the cr? "

Kalmado kong tanong. Humarap naman ang lalaki sakin at....nanlaki ang mga mata ko

"Melody?!"

Gulat na sigaw nya

"Mamaya na please? Ihing ihi na talaga ako Mr. Kim"

Kalmado kong sagot sa manager ng dark aces na napalapit narin sakin. Kala nyo si Yuki or isa sa members ng Dark Aces? Well nope. Manager nila yung napagtanongan ko.

Agad naman nya akong hinatid sa may comfort room. Nagpapasalamat agad ako bago pumasok.

'Success'

Broken VowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon