Pumunta muna ako sa isa sa mga coffee shop sa bayan. Ba't ganon? Himbis na mag enjoy ako ay parang lalo akong naiistress?!
Umorder muna ako at piniling maupo sa may tabi ng bintana. Siguro kailangan ko lang nang may makakausap.
Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Icang. "Yes? Lowie,"
"Nasaan ka?"
"Nasa bahay. Musta ang bakasyon?"
Pinag iisipan ko kung sasabihin ko ba kay Icang yung bumabagabag sakin nitong mga nakaraang araw o hindi. Baka kasi isipin nito na nababaliw na ako and worst, baka pag tawanan lang nila ako ni Alys
"May itatanong lang sana ako sayo. Diba mahilig ka sa mga riddles? Nacurious lang kasi ako sa narinig ko doon sa isang matanda nung nakaraan,"
"Oh! Sure! Alam mo namang yan nalang ang nakakapag pa excite sakin eh,"
" oras ng pag lubog ng araw at oras ng panibagong araw. What is the meaning of that? Do you know what exactly time is that?"
"Hmmm. Oras ng pag lubog ng araw at oras ng panibagong araw........" Natahimik saglit ang kabilang linya. "I knew it! It's 12 am! Oras ng paglubog ng araw means gabi at ang oras ng panibagong araw ay tumutukoy sa kinabukasan! Diba tuwing 12 am means another day na,"
Okay now I get it. Tuwing 12 am or midnight! I now remember nung time na lumabas ako noong nakaraang gabi. Its pass midnight
"Hello Lowie? Nanjan ka pa ba?"
"Uhm thank you Icang!"
"Para saan ba iyan? Ikaw ah! Baka naman may nahanap ka diyan na maginoo at binigyan ka ng oras kung kailan kayo magkikita ah!'
"Ano ba yang mga naiisip mo! Seriously!? maginoo? Hindi na uso yan ngayon no. Bye na uuwi na muna ako,"
I heard her chuckled "Okay whatever Lowie. Enjoy your vacation. Bye,"
Napahilot ako sa sentido ko. Hindi ko kasi malaman kung totoo ba talga yung nakita ko nung nakaraang hating gabi. And base sa sinasabi ni tatang, it's like a place. Ano yun magical place? Aish! Mauwi na nga lang
BINABASA MO ANG
The Ghost Ship
FantasyIt only came out when the sun's fall down. It only show in midnight. The only light in the dark ocean. And the only place where they found the love. The real treasure