Kabanata 1

16 2 0
                                    

"Natapos mo naba yung pinapagawa sa atin ni Sir. Gie na novel?" tanong sa akin ni Alys

Nandito kami ngayon sa ilalim ng puno nakatambay dahil break namin ngayon. Dahil nabanggit niya yun,, ito na nga ang pinoprobelama ko nitong mga nakaraang araw. Hindi ko pa alam kung anong klaseng kwento ang gagawin ko. Ang gusto kasi ni sir ay something na different, yung kakaibang klaseng kwento, yung ginamitan talaga ng malikhaing pag iisip

"Hindi pa nga eh," napabuntong hininga ako. "Ikaw Icang? May natapos kana?"

"Siyempre naman oo noh! Nung nakaraan ko pa kaya to ginagawa. Gusto ko kasi na ma enjoy ang sembreak. Ewan ko ba naman dito kay sir. Himbis na mag babakasyon na tayo, eh binigyan pa tayo ng gawain,"

Napatitig akong muli sa laptop ko. Kailangang may maumpisahan na ako dahil sa makalawa na ang sem break. Balak ko pa namang mag bakasyon kila lola

"Ang hirap naman kasing gumawa ng novel kapag wala ka namang inspirasyon sa paggawa," reklamo ko

"Kaya mo yan bess! Diba magbabakasyon ka sa lola mo?"

"Oo,"

"Oh! Malay mo doon ka makakanahap ng inspirasyon sa paggawa!" nangingiting sabi ni Alys

"Oo nga! Diba tabing dagat lang malapit yung bahay ng lola mo? Try mong tumambay sa tabing dagat pag gabi tapos malay mo may biglang mag pakita sayo na sireno. Tapos maiinlab kayo sa isat isa!" with action pang sabi ni Icang

"Wow ah! OA naman ata niyan. Seriously? Naniniwala kapa sa mga ganyan? Hello? Nasa 20th century na tayo no. Palibhasa kasi panay ang basa mo ng mga fantasy tsk," naiiling iling na sagot ko

Napasimangot naman si Icang sa sinabi ko, samantalang tinawanan lamang namin siya ni Alys

Wala rin naman akong maisip kaya sinarado ko nalang ang laptop ko. Sana lang talaga ay may magawa akong story dahil dito nakasalalay ang kinabukasan ko.

Nang matapos ang break namin ay nagkanya kanya na kaming balik sa classroom namin. Saglit na lamang ang klase namin dahil last subject naman na namin

"Okay class! Mag enjoy kayo sa sembreak niyo. Goodbye," nakangiting paalam ni maam sanchez sa amin. Nag kanya kanyang hiyawan ang mga kaklase ko pero meron ding mga nag reklamo dahil hindi nila masusulit ang sembreak dahil sa iniwang gawain ni sir. Gie at isa na ako dun. Ugh!

Dahil tanging paggawa na lamang ng novel ang kina kailangan kong gawin, mag eempake na ako dahil gusto ko ng makalanghap ng sariwang hangin. Kila lola

Busy sila mommy kaya siguro itetext ko nalng sila na kila lola muna ako mag papalipas ng sembreak

*****

Naka ngiti ako habang inaabangan ang flight ko papuntang probinsiya ng Siera. Mabilis lang na lumipas ang araw. Hay salamat! Makakalayo na rin sa stress na dala ng pag aaral

The Ghost ShipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon