Kabanata 15

7 2 0
                                    


Dali dali akong tumakbo para sana sabihin kay Hendrick yung tungkol sa panaginip ko at ang dahilan kung bakit ako nandito ng biglang may malakas na pwersa na pumalo sa ulo ko. Bumagsak ako sa sahig, hilong hilo man ay pilit akong sumisigaw ngunit tinakpan niya ang bibig ko ng isang panya hanggang sa nawalan na ako ng malay

Nagising ako na nakatali na ang mga kamay at paa ko. Nakaupo ako sa upuan, may busal rin ang bibig ko. Sumakit ang ulo ko. Sari saring mga ala ala ang pumasok sa isipan ko. Naiiyak ako sa mga nangyayari. Naalala ko na, akok at si Lowela ay iisa

Kaya pala natigilan si Hendrick ng asarin ko siya sa kanyang pangalan dahil ganong ganon kami nagkakilala noon

Nagka bungguan kami sa plaza ng minsa’y may gaganapin na selebrasyon doon. “Pasensiya na binibini,”

Agad akong napabitiw sa kanya dahil kapahangasan ang pag hawak sa kamay ng isang ginoo sa isang binibini “A-ayos lamang ako,”

“Pasensiya na talaga binibini,” kakamot kamot ulo nitong sabi “Ako nga pala si Hendrick Vander,” sabay yukod nito

“Hendrick, isa kang manok,” napakunot noo ito, hindi naintindihan ang biro ko. Napatawa ako. “Ang unahan ng iyong pangalan ay Hen, sa tagalog manok,” sabay tawa ko.

“Gising kana pala,”

Tiningnan ko siya ng masama. Lumapit siya sa akin at tinanggal ang busal ng bibig ko “You bitch!” sinampal niya ako

“Mag dahan dahan ka sa mga sinasabi mo! Sa ating dalawa ikaw ang mang aagaw! Akala mo ba may katotohanan ang mga sinabi ko sayo nung nakaraan, hindi ba nakakapag taka na ako lang ang nakakaalam ng tungkol sa barkong ito?”

Buong tapang akong tumingin sa kanyaupang ipakita na hindi ako natatakot sa kanya “Bakit mo ginagawa ito Isa? Akala ko pa naman kaibigan na kita,”

Tumawa tawa siya. “De javu,” napakunot ang noo ko dahil hindi ko siya maintindihan “Ganitong ganito rin ang nangyari noon. Naniniwala kaba sa muling pagka buhay?” hinawakan niya ang mukha ko “Ako si Isa bilang Rogina,”

“At ako si Lowie bilang si Lowela,” nang hihinang bulong ko

“Naalala mo ba si Rudy? Hmm,” Nanlaki ang mata ko “Patay na patay sa akin ang bakulaw na iyon,” humalakhak siya “Tanga tanga siya dahil naniwala siya na pakakasalan ko siya sa oras na mamatay kana!”

“Napaka sama mo! Hanggang ngayon napaka selfish mo! Makasarili ka! Sarili mo lamang kasiyahan ang naiisip mo!”

Sinampal niya ako “Okay na kami! Masaya ako dahil natupad ang sumpa ko. Magkasama kami sa mga nag daang taon dahil mag kasama kami, naglalayag, kami, magkasama,”

“Baliw kana!”
Binusalan niya ulit ang bibig ko “Do you want to hear a story?” nakangising sabi niya. Kumuha siya ng upuan at pabaliktad na umupo

The Ghost ShipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon