Kabanata 17

7 2 0
                                    


Maayos ang mga araw ng pag lalayag ni Hendrick ngunit kapansin pansin ang kakaibang pakikitungo ni Rogina sa kanya ngunit pinagsawalang bahala lamang niya ito.

Sa kabilang banda naman ay hindi maiwasan ni Rogina na hindi magdamdam sa binata. Hindi niya maiwasan na alalahanin ang napag usapan nila ni Lowela at ni Madam Hermione (ina ni Hendrick)

***
Pinag hahandaan ni Rogina si Lowela ng meryenda ng bumisita ito upang mag handa sa pag alis ni Hendrick, sasama kasi ito sa pag hatid dito papunta sa daungan ng barko

Kapansin pansin ang saya sa mga mata ng dalagang si Lowela habang nakatitig ito sa kamay nito kung saan nakalagay ang singsing na ibinigay ng kasintahan

“Si Hendrick ba ang nag bigay niyan?” anang ni Rogina

Masayang tumango tango ang dalagaIkakasal kami sa oras na makabalik na siya mula sa barko,”

Nang matapos pag silbihan ay nag tungo ang dalaga sa opisina ni Madam Hermione si Rogina
“Oh naparito ka iha,” itinuring na nitong parang anak si Rogina

“Mamaya na po pala ang alis ni Ginoong Hendrick,”

“Oo iha, masaya ako para sa anak ko,” nakangiting anas ng ginang

“Hindi niyo po ba bibigyan ng makakasama si Ginoong Hendrick? Alam niyo naman pong minsan ay nakakalimutan nito na kumain sa tamang oras dahil sa pagiging abala nito,”

Napaisip isip ang ginang “Tama ka nga iha, siguro dapat ko ng sabihan si manang Sonya,”

Tatayo na sana ang ginamng ngunit pinigilan siy ng dalagaMaaaring ako nalang po ang sumama. Masyado na pong matanda si manang sonya, at saka po, mahihiluhion si manang pagdating sa barko,” nakangiting saad ng dalaga

“Oh siya sige, mag impake kana iha. Sasabihin ko lamang kay Hendrick. Ayoko namang malagay sa peligro ang kalusugan niya. Maraming salamat hija

Nag patuloy lamang sa pag aayos si Rogina. Nalisa siya at panay ang pag sulyap sulyap sa orasan. Pag sapit ng dilim ay magpapahinga na si Hendrick at papalitran naman nito ng isa pang nag mamaniobra sa pagmamaneho. Salitan sila upang makapag pahinga ang bawat isa

Napag pasyahan ni Hendrick na tumambay sa itaas na bahagi ng barko. Napangiti siya. Sariwa pa rin kasi sa kanyang isipan ang pangako para sa nobya. Nakangiti siyang nakataw sa kalangitan

Napatalon sa gulat si Hendrick ng may naramdaman siyang mga bisig na yumakap sa kanya mula sa likuran. Nakakunot noo niya itong binalingan

“Anong ginagawa mo!?” iwinaksi niya ang mga bisig na iyon na nag mula pala kay Rogina

Lumuluha ang mata ni Rogina. “Batid mo ang nararamdaman ko sayo! Ako ang laging nakaagapay sayo simula pa ng mga bata tayo! Bakit!”
Puno ng poot ang mata ng dalagaNilinaw ko na sa iyo noon pa man na walang kahit anong namamagitan sa atin!”

“Akin kalang dapat! Hindi ako makakapayag na mag pakasal kayong dalawa!” nanlilisik na matang sabi ng dalaga. Tumawa ito na parang nababaliw “Sa pag sapit ng hatinggabi ay mamamatay si Lowela!”

The Ghost ShipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon