Pag uwi ko sa bahay nila lola, I decide to swim. Tutal nandito naman talaga ako para mag bakasyon diba? So I should enjoy. Nag palit muna ako ng susuotin ko then suddenly I remember the piece of of paper I saw earlier. Kinuha ko ito sa bulsa ng shorts na suot ko kanina.
Tinitigan ko itong maigi ngunit wala naman akong nakitang nakasulat. Tinapat ko na rin sa liwanag baka kasi may hidden message ito gaya nung sa nag titinda ng sisiw samin. But it's nothing but a piece of paper. Nilagay ko na lamang ito sa bulsa ng jacket ko
Suot ang roba ko ay nagpunta ako sa isang sun lounger na malapit sa puno ng buko. Nilapag ko muna ang mga gamit na dala dala ko doon. I put sun block lotion to my body before I decided to swim
Inenjoy ko ang magandang tanawin. I took some photos to show it to my friends. Sinasama ko kasi sila pero ayaw nila. Iinggitin ko nalang sila.
Nang mapagod ako sa kalalangoy ay napag pasyahan ko munang mahiga at pagmasdan na ang napakagandang pag lubog ng araw. Habang nakatanaw, an idea came up in my mind. Wala naman sigurong mawawala kung susubukan ko diba? Para lang mapatunayan ko sa sarili ko na wala talagang katotohanan yung nakita ko. Ilang araw na rin kasi akong lutang. I just need clarification.
*****
Plano ko sanang matulog at mag alarm nalang para magising ako kaso mukhang hindi ko na yata kailangan yun. Hidni rin naman kasi ako nakatulog kakaisip sa gagawin ko mamaya. It's aslready 11:30 in the evening. Bumangon na ako para kunin ang jacket koDahan dahan akong bumaba para hindi ako makita ni lola. Alam niyo naman ang mga matatanda masyadong tamang hinala. Baka kapag nakita ako nun na lumabas ng ganitong oras eh baka sabnihin na nakikipag kita lang ako sa boyfriend ko. Eh hello! Wala pa kaya akong nagiging boyfriend. I'm proud to be NBSB
Matagumpay akong nakalabas ng bahay. Habang nakatanaw sa karagatan ay hindi ko maiwasan na hindi kabahan. Wala naman sigurong killer dito diba? Hay! Ano ba itong naiisip ko
Pumunta ako ulit doon sa dulo ng tulay kung saan ko huling nakita ang mahiwagang barko na iyon. Kahit na may takot na namumuo sa dibdib ay matiyaga akong nag antay doon
Ilang minuto narin siguro na rin akong nakatayo doon ngunit wala naman akong kakaibang nakita bukod sa alon ng dagat
Napa simangot ako. Siguro nga guni guni ko lang talaga yung nakita ko. Aalis na sana ako ng may marinig akong sirena ng isang barko. Kumabog ng malakas ang dibdib ko. Nanlalaking mata kong nilingon ang karagatan
"Oh my!" napatakip ako sa bibig ko. This is a freaking big ship! Nasa harapan ko ito nakahinto! Napakurap kurap pa ako para masigurado na tama ang nakikita ko
Umatras ako ng unti unting bumukas ang barko. There's a man standing there. Tumingin tingin ako sa paligid bago ko ihinakbang ang mga paa ko papunta doon. Kahit nanginginig ang tuhod ko ay hindi ko alintana iyon dagdag ba ang lamig na nanggagaling sa simoy ng hangin
"Where's your pass milady," sabi nito sa may accent na tono
"P-ass?" nauutal na tanong ko. Tumango ito. Nanginginig kong kinapa ang mga bulsa ng soot ko at tanging yung papel lamang na napulot ko ang nakapa ko
Kahit hindi sigurado ay iniabot ko ito sa kanya. Nang nahawakan niya ang papel na iyon ay may lumitaw na sulat. Namimilog ang matang nakatingin ako doon. I knew it! There's something hidden in that paper!
Hindi ko gaanong naintindihan ang nakasulat dahil parang kastila ang pag kakasulat non. Nagulat ako ng iminuwestra ng lalaki sa akin ang daan. Hudyat na maaari na akong pumasok
Tipid akong ngumiti at naglakad papasok sa loob. As I entered, I cant help but to feel amaze. Parang hotel ang loob nito. Pinag masdan ko ang mga mwebles nito. It's antique, halatang mamahalin. It's not a modern design but it's so beautiful. Talagang pinag hirapang gawin ang barkong ito. I feel like I'm inside of a titanic but this one is more beautiful ang big!
Am I dreaming?
BINABASA MO ANG
The Ghost Ship
FantasyIt only came out when the sun's fall down. It only show in midnight. The only light in the dark ocean. And the only place where they found the love. The real treasure