Kabanata 14

7 2 0
                                    


“L-lowela?” Nakakunot noong tanong ko

Pansin ko ring natigilan si Hendrick ng marinig niya ang pangalang iyon. Binigyan niya ng makahulugang tingin yung lalaki

“A-ah eh sorry napagkamalan lang. Akala ko kasi ikaw si Lowela, kawahig lang pala,” kakamot kamot ulong sabi niya

“By the way I’m Will Ward,” sabay lahad niya ng kamay

“Lowie,” nakipag shake hands ako sa kanya

Inulit ulit niya pa ang pangalan ko ngunit pabulong lamang.

“Let’s go Will,”

Naglakad na papalayo si Hendrick “Mauna na kami binibini,” bahagya pang yumuko si Will. Hinalikan niya pa ang likod ng palad ko bago ito umalis

Nag patuloy ako sa paglalakad. Pabalik balik sa isipan ko yungh pangalang Lowela. Hindi ko alam pero parang pamilyar sa akin yung pangalan na iyon. I didn’t tell mommy and others na lagi akong may napapanaginipan. Hindi siya ordinaryong panaginip dahil palaging nauulit iyon. Paulit ulit hanggang sa makabisado ko na ang bawat eksena

At yung pangalang Lowela, yun yung laging tinatawag sakin ng kung sino sa panaginip ko. Weird. Pero ngayon sigurado na ako na hindi lang siya basta panaginip. Yung painting, yung pag tawag sakin kanina na Lowela, yung panaginip ko, at higit sa lahat………yung pag punta ko dito

Sumakit ang ulo ko sa kakaisip ngunit hindi ko pa rin mapag tagpi tagpi ang lahat. Feeling ko may kulang. May nawawala.

Pumunta nalang ako sa kwarto at napag pasyahan matulog

“Manang! May kumakatok po sa pintuan!”

Pagsigaw ng isang babae na noon ay hindi makatulog kakaisip sa kasintahan na nalayo sa kanya. Ngunit makalipas ang ilang minuto ay walang manag na lumabas. Marahil siguro ay nakatulog na ito dahil maghahating gabi na. Napag pasyahan niya na siya na ang mag bukas ng pinto

“Sino ya---,”

Bigla na lamang may malakas na bisig ang pilit na tinatakpan ang bibig niya hanggang sa hindi na siya makahinga at mawalan ng malay

Binuhat siya nito at dinala sa masukal na gubat. Tumingin tingin sa paligid ang lalaki. Tiningnan niya ang napakagandang mukha ng dalaga. Batid niyang ang utos lamang sa kanya ay patayin ito at itapon sa dagat ngunit hindi na niya mapigil ang pag taas ng kanyang libido

Sinimulan niyang punitin ang kasuotan ng dalaga ngunit biglang nagka malay ito

“R-rudy!? walang hiya ka!”

Labis na kinabahan ang lalaki na nag ngangalang rudy na baka may makarinig sa kanila kaya’t dali dali niya sanang sasaksakin ang babae ng bigla ay nahampas siya nito ng kahoy

Walang inaksaya ng oras ang babae at dali dali itong tumakbo. Hindi alintana ang mga sangang tuma tama sa iba’t ibang parte ng katawan niya. Habang tumatakbo siya ay napadpad siya sa ilog na malapit sa bayan ng Siera. Batid niyang wala na siyang tatakbuhan

“Akala mo makakatakas ka!”

Nilabas ng lalaki ang patalim

“Kung sa kamay mo lang rin naman ako mamamatay, mas gugustuhin ko pa na ang kalikasan ang umangkin sa akin!” tinanaw ng dalaga ang napakalas na agos ng ilog ng Siera. “Ngunit isinusumpa ko! Akong mag babalik muli!” kasabay ng pag bitiw ng salita ng dalaga ay ang pag kulog at kidlat. Dumagundong sa buong paligid. Bago pa man mahila ng lalaki ang dalaga ay tumalon na ito sa rumaragasang ilog

Humahangos ako ng bumangon ako mula sa panaginip na iyon. Tagaktak ang pawis ko. Napahawak ako sa dibdib ko. Everythingh in my dream felt so real. Ganto lagi ang lagi kong nakikita sa tuwing mananaginip ako. Naninikip ang dibdib ko. Hinawakan ko ang mukha ko ng mapansin kong lumuluha na pala ako. Alam ko na ang lahat

The Ghost ShipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon