THIRD PERSON’S POV
Kumuyom ang kamao ni Hendrick sa matinding galit. Matapos ikwento sa kanya ni Lowie na ngayon ay si Lowela ang nangyari sa kanya noon. Ikinuwento niya ang masalimuot na nangyari sa kanya, nang muntik na siyang magahasa at mapatay sa ilalim ng utos ni Rogina.
“Patawad mahal at hindi kita na protektahan,”
“Narinig siguro ng dyosa ng buwan ang aking sinabi na ako’y mag babalik para ituloy ang namamagitan sa atin,” nag tubig ang mata ni Lowela sa sinabi ng binata
Pinunasan ni Hendrick ang luhang tumulo sa mata nito. “Pinag bigyan tayo muli ng tadhana,”
Nagyakapan sila sa huling pagkakataon. Umakyat sila sa itaas na bahagi ng barko. Nais nilang ipag patuloy ang matagal na sanang nangyari. Maliwanag ang buwan, tila ba ito ang magiging saksi sa pag iibigan nilang dalawa
Pag katuntong nila sa dulo ng barko ay nag titigan silang dalawa na puno ng pag mamahal. Sabay silang sumumpa sa harap ng dagat ng kanilang pagmamahal para sa isa’t isa. Napangiti silang dalawa dahil sa wakas ay ikakasal na sila kahit na walang pari ang gagawa nito. Sapat na ang umaapaw na pag mamahal ng bawat isa para patunyan na hindi lamang sa papel ang basehan upang patunayan na kasal ang dalawang tao
Biglang umihip ang napakalas na hangin. Umulan ng malakas, nag wala ang dagat, kumulog at kumidlat ngunit kahit ganoon pa man ay hindi nila ito alintana
“Dumating na rin sa wakas ang araw na pinakahihintay nating dalawa. Nais kong malaman mo na kahit anong mangyari ay ikaw at ikaw lang ang mamahalin ko,” ngumiti ang binata “Kung mabubuhay akong muli ay hihilingin ko na sana tayo pa ring dalawa ang magkatuluyan,”
“Nangangako akong hihintayin kita. Ikaw at ikaw lang din ang gusto kong makasama. Sayo lamang tumibok at nag mahal itong puso ko,” napahagulhol ang dalaga dahil sa labis na kasiyahan
Isinuot na ni Hendrick ang singsing sa kamay ni Lowela. Katulad ng bato sa singsing ay kakulay nito ang napakagandang mata ng binata na isa sa mga dahilan kung bakit siya humanga rito
Iniabot naman ng binata ang singsing na matagal na rin niyang itinatago. Kahit kailan man ay hindi niya ito isinuot dahil sinabi niya sa sarili na ang tanging kasintahang nobya lamang ang maaaring mag suot nito sa kanya
Isinuot na ng dalaga ang singsing sa binata. Sabay silang napangiting dalawa. Hinawakan ni Hendrick ang kamay nito “I can now kiss my bride,” maluha luhang tumango ang dalaga
Hindi man ito ang engrandeng kasal para sa dalaga ay ito naman ang pinaka masaya at espesyal na kasal para sa kanya. Kahit malamig ang paligid ay kapwa nag iinit sila dahil sa kanilang pag ibig na nararamdaman sa isa’t isa
Hinawakan ng binata ang magkabilang pisngi ng dalaga at pinakatitigan ang napaka ganda at napaka amo nitong mukha. Dahan dahang bumaba ang labi nito sa labi ng dalaga ngunit bago pa man maglapat ang mga labi nila ay nakarinig sila ng isang putok ng baril
Parang nanigas sa kinatatayuan si Hendrick ng makita ang tama ng baril sa tagiliran ng kasintahan. Napaupo ito, ang dami ng umaagos na dugo
“AKALA NIYO PAPAYAGAN KO KAYO NA MAGING MASAYA! KAHIT SA KABILANG BUHAY AY HAHABULIN KO KAYONG DALAWA!”
Nang gagalaiti sa galit na sinugod ni Hendrick si Isa “Baliw kana! Rogina,”
Tumawa ito “Oo tama ka! Ako si Rogina! At nabuhay akong muli. Ano! Mawawala ka nanaman sa akin dahil lamang dumating na ang babaeng iyan!”
“Kahit kailan ay hindi ako naging sa iyo!”
Nag agawan ang dalawa sa baril at sa huli ay aksidengte itong pumutok. Bumagsak sa sahig ang wala ng buhay na si Rogina sa katauhan ni Isa
Agad na bumalik si Hendrick sa nang hihinang katawan ni Lowela “Magiging ayos lang ang lahat,” bulong nito sa nang hihinang boses
“H-hindi hindi! Wag kang pipikit,” humagulhol na ang binata. Hinawakan ng dalaga ang pisngi ng binata at dahan dahang inilapit ang labi sa binata
Sa oras na nag lapat ang kanilang mga labi ay bigalang lumiwanag ang buong paligid
BINABASA MO ANG
The Ghost Ship
FantasyIt only came out when the sun's fall down. It only show in midnight. The only light in the dark ocean. And the only place where they found the love. The real treasure