Sa totoo lang ay boring na boring na talaga ako sa barkong ito. Paminsan minsan ay kausap ko si Isa. Si Isa yung pinakabatang katulong dito, minsan nag babasa ako sa library, at kung ano ano pang ginagawa ko para malibang
Ano kayang ginagawa ni Hendrick? Mapuntahan nga. Napakamot ako sa ulo ko sa naisip. Nakakailang naman kasing kausapin yun eh. Halos nakatitig lang yun sa mukha ko. Siguro may gusto siya sakin? Ano ba naman tong iniisip ko!?
Nag punta muna ako sa mini kitchen dito sa kwarto ko at nag bake ng cookies. Pag katapos kong mag bake ay dinala ko ito sa office ni Hendrick
Pinapayagan na niya akong mag punta dito sa office niya. Saglit lang siyang sumulyap sakin pagkatapos ay ibinalik na niya ang tingin sa ginagawa niya
“Meryenda,”
“Salamat,”
“Ano ba yang ginagawa mo?”
“Nag hahanap ng sagot,”
Alam ko na agad kung ano ang ibig niyang sabihin dito. Tumango ako. Umupo na lamang ako sa upuan sa tapat ng mesa niya. Nakatitig rin ako sa ginagawa niya habang kumakain ng cookies. Pansin kong napasulyap siya sa akin. Ngumiti lamang ako. Umiling siya ngunit pansin ko ang multo ng ngiti sa labi niya
Nitong mga nakaraang araw ay pansin ko na naging mabait na siya sakin. Madalas na rin na magkasama kaming dalawa. Parang matagal na kaming magkakilala. Alam kong ramdam niya rin iyon
Nang maubos ang kinakain ko ay tumayo ako at sumilip sa bintana na tanaw na tanaw ang magandang dagat. Naramdaman ko namang naka masid lang siya sa akin. Maya maya lang ay tumabi na siya sa akin
“Napakaganda ng dagat no?”
“Yeah, it’s beautiful,”
Nilingon ko siya pero sa akin siya nakatingin. Namula ako. “Alam mo bang hindi ako naniniwala sa ganitong mga bagay,” napatawa ako “Pero ngayon ito na ang nangyayari sa akin, akala ko nung una ay guni guni ko lang o kaya naman ay nababaliw na ako,”
“Our world id full of mystery. May mga bagay pa rin tayo na hindi nalalaman,”
Tumango ako bilang pag sang ayon. Nanigas ako sa kinatatayuan ko ng bigla na lamang pumulupot ang braso niya sa bewang ko. Ito nanaman ang pakiramdam ko na parang natural na natural lang ang lahat. Parang nangyari na
“Let me hug you for a while. I just miss someone,”
Kahit nanginginig ang tuhod ay tumango tangho na lamang ako. Siguro na mimiss na rin niya ang mga mahal niya sa buhay. Bigla ko tuloy naalala sila mommy, daddy pati na rin si lola
Hinayaan ko lamang na yakapin niya ako. Dahil ako, kahit hindi ko sabihin sa sarili ko ay kahit sa ilang araw lamang kami na nagkakilala ay tumitibok na ang puso ko para sa kanya. Parang safe ako pag kasama ko siya. Pakiramdam ko ay panatag ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Ghost Ship
FantasyIt only came out when the sun's fall down. It only show in midnight. The only light in the dark ocean. And the only place where they found the love. The real treasure