"Totoo nga ang sabi ni Melanie. Kamukhang kamukha niya,”
“Oo nga. Baka siguro siya na ang papalit,”
“Pero nakakapagtaka na paano siya nakapasok dito,”
“Baka tadhana ang nag uugnay sa kanila,”
Nagising ako dahil sa sari saring bulungan. Idinilat ko ang mga mata ko at tumingin sa tatlong babae na kapwa pare pareho ng suot, siguro sila ang katulong sa barko nato
“Your’e already awake milady--”
“Nag tatagalog po ako,” nakangiting sabi ko sa kanila. Sa itsura palang kasi nila ay alam ko na mga pilipina sila
Nagkatinginan silang tatlo at sabay sabay na napabuntong hininga. “Akala namin isa ka ring dugong maharlika base sa iyong itsura,” natatawang sabi nung isang babae na sa tantiya ko ay nasa mid 30’s na
“Nakakatuwa na mayroon na din kaming nakausap na isang kababayan. Nakakamiss din pala,”
“Hindi pa ba kayo umuuwi sa pilipinas. Panigurado ako na namimiss na rin kayo ng mga kamag anak niyo doon,” nakangiting sabi ko
Ngumiti sila ng may lungkot. “Kung pwede lang eh,” nag iwas sila ng tingin
“Ah! Ito na nga po pala ang inyong damit. Pinadala po ni Captain Hendrick. Pagkatapos niyo raw po mag bihis ay puntahan niyo siya sa library,” singit ng isang babae na sa tingin ko ay pinaka bata sa kanila. Bago pa ako makapag salita ay sabay sabay na silang umalis
Hanubayan!? ayaw ba nila akong kausap? Nakakainis ba akong kausap? Bakit lagi nalang nila akong tinatalikuran sa tuwing may sasabihin pa ako.
Napakamot kamot ako sa ulo ko. Kinuha ko na ang damit na binigay sa akin kaya nag tungo na ako sa banyo. Siguro pang VIP itong kwarto na ito. Meron kasing jacuzzi sa loob. Nakaready na rin ang tubig kaya naghubad na ako at nag simulang mag babad
Habang nakababad ako ay hindi ko maiwasan na maalala yung itsura nila ng banggitin ko na yung pag uwi sa pilipinas. Tingin ko kasi mga seawoman sila. Ah! Tama! Siguro hindi pa ngayon ang baba nila sa barko. Sasabay nalang siguro ako sa kanila sa pag uwi
*****
Pagkatapos kong maligo ay nag bihis na ako. Palabas na sana ako ng pinto ng may naalala ako “Saan yung library?” napasapo nalang ako sa noo. Iyon sana yung itatanong ko sa kanila kanina kaso umalis na sila. Bahala na!Sinimulan ko ng maglakad lakad. Napansin ko na karamihan sa mga nasa barko na ito ay mga lalaki at mukhang mga tiga ibang bansa. Buti nalang at may mga mapa na nakakabit sa dingding dito kaya hindi na ako nahirapan na maghanap. Nang sa wakas ay natanaw ko na ang malaking pintuan, alam ko na agad na yun na yon base sa disenyo ng pinto
Pag pasok ko ay namangha ako sa laki at ganda sa loob. Carpeted din yung sahig tapos yung mga lagayan ng libro parang aparador, meron kasi siyang glass na sliding door, para siguro hindi malalaglag yung mga libro. Nilibot libot ko ito. Mahilig akong mag basa kaya naman hindi na ako nag patumpik tumpik pa! Nag hanap ako ng libro na magandang basahin. Ngingiti ngiti pa ako habang iniisa isa yung mga libro
May narinig akong tumikhim sa likod ko. Nung una ay hindi ko iyon pinansin hanggang sa nasundan pa ng panibagong tikhim. “Ssssh bawal maingay dito,” walang lingon lingong sabi ko sa kanya. Nagpatuloy ako sa pag tingin tingin ng tumikhim nanaman siya. “Sabi ng bawal--- ay! Hehe,”
Pag lingon ko ay sumalubong sa akin ang nakakunot noong mukha ni Hendrick. I prefer to call him that than with a captain. Magkasalubong na magkasalubong ang kilay niya at halata ang inis sa mukha. “Hindi ko inutos na mag libot libot ka dito.”
Muntik ko ng makalimutan ang pakay ko sa pag punta dito. Hindi ko pinahalata ang panginginig ng tuhod ko dahil sa nakakatakot niyang tingin
Tumikhim ako “S-sorry nalibang ako hehe,” kakamot kamot ulong sabi ko
Nagseryoso siya “Follow me.”
Ano ka ba naman Lowie! Nakakahiya ka! Inirapan ko ang mga libro dahil sila naman talaga ang may kasalanan nito. Papaluin ko pa sana kaso baka mapag kamalan akong baliw. Aish!
BINABASA MO ANG
The Ghost Ship
FantasíaIt only came out when the sun's fall down. It only show in midnight. The only light in the dark ocean. And the only place where they found the love. The real treasure