Kabanata 19

9 2 0
                                    


“Ngayon alam mo na,” nakangisi siya ng nakakaloko sa akin. Napaiyak nalang ako dahil ang tanga tanga ko. Nakit ngayon kolang napag tagpi tagpi ang lahat! Dapat sinabi ko na agad kay Hendrick!

“Hanggang ngayon ba naman ay nakikiepal ka sa pag iibigan namin ni Hendrick! Hindi ka pa rin nadadala! Hindi ako makakapayag na muli kayong magsamang dalawa! Kung mauulit lang ng mauulit ang lahat, mas mabuti pang patayin nalang ulit kita!”

Umalis siya at naiwan lamang ako sa kwartong tanging liwanang lamang ng bilugang buwan na tumatagos sa bintana ang tanging ilaw

Kailangang may gawin ako! Kailangan matapos na ito. Naiiyak ako sa tuwing naalala ko ang mga pinag samahan namin ni Hendrick noon. Ngayong naalala kona ang lahat. Wala ng makakapigil ulit sa naudlot naming pag mamahalang dalawa. Mag hahanap ako ng paraan upang makatakas ako dito

Inuga ugo ko ang upuan. Nanlaki ang mata ko na kaya ko itong buhatin. Tumalon talong ako kasama ang upuan para makarating ako sa isang laesa na may nakapatong na kutsilyo. Kahit hirap ay nagawa ko naman itong kunin. Kaya kong tumayo dahil tanging paa ko lamang ang nakatali. Habang nakapulupot naman sa bewang ko ang lubid papunta sa upuan

Nang sa wakas ay maabot ko ang patalim ay pinilit kong maputol ang lubid na nakapulupot sa kamay ko. Hindi ko ininda ang kirot ng kamay ko. Tagaktak ang pawis ay sa wakas naputol ko rin

Hindi na ako nag aksaya pa ng panahon at pinutol na ang natitirang lubid na nakapulupot sa akin. Nang may narinig akong yabag ay dali dali kong kinuha ang dospordos na pinampalo sa akin ni Isa kanina. Tumayo ako sa gilid ng pinto at nagtago

Pagka pasok na pagka pasok pa lamang ng paparating ay buong pwersa ko itong hinampas sa kanya. Hindi nga ako nagkakamali at agad na nahimatay si Isa

Ni lock ko ang pinto sa labas para hindi na siya makalabas. Dali dali akong tumakbo papunta sa kwarto ni Hendrick.

“Hendrick! Hendrick!” kinalampag ko ang pintuan niya

“Anong nangyari sayo?”

Umiiyak na ako sa harapan niya. Pumasok muna ako at ini lock ang pinto “Naaalala ko na ang lahat!”

“Anong naalala,” Naguguluhan niyang tanong

“Sumumpa tayong dalawa,” naluluha kong sabi “Ipinakita ko sa kanya ang kwintas na matagal ko ng itinatago. Hindi ko alam kung saan ito galing basta ang naalala ko lang ay nasa akin na ito

Agad na tumulo ang luha niya. “Ito ang singsing na ibinigay mo sa akin,”

Niyakap niya ako ng mahigpit “Lowela mahal ko,” lalo akong napaluha sa sinabi niya

“Muli tayong pinag tagpo ng tadhana upang ituloy ang ating pangako sa isa’t isa,” naluluhang sabi ko

Sinabi ko sa kanya ang nangyari kanina. Agad niyang ipinadakip si Isa at pansamantalang ikinulong sa bodega

The Ghost ShipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon