Epilogo

11 2 0
                                    

“Malapit na pong mag umpisa ang event maam. Within 5 minutes po,”

“Okay okay,”

Napangiti ako ng makita ang gianawa kong libro nagbabadya ang luha sa mata ko. Tumingala ako upang mapigilan ito

Humahangos na bumangon ako. Agad kong kinapa ang tagilirran ko, wala itong tama ng baril. Ang alam ko ay nabaril ako! Napahawak ako sa dibdib ko. Tiningnan ko kung nasaang lugar ako. Nasa bahay pana akoako ni lola sa kwarto ko. Bumukas ang pintuan at bumungad doon si lola

“Gising kana pala apo,”

“Anong araw na po ngayon lola?”

“October 18 apo bakit?”

Nanlaki ang mga mata ko. Lalo akong naguluhan. October 17 ng 11:30 ako umalis nung araw na titingnan kolang sana ang barko. Nakasakay ako mga bandang 12:30, ibig sabihin oct 18 na nung araw na iyon.

“Anong oras na po?”

“Alas dose na ng tanghali apo,”

Lalo akong naguluhan. Alam kong totoo ang nangyari!nakasakay ako sa barko! Tinatawag pa nga nila itong Ghost Ship! Si Hendrick!?

“Paano po ako nakarating rito?” balisa kong tanong

“Dinala ka rito ni Tatang Jovit. Nakita ka raw niyang natutulog dun sa tulay. Sinabi niya lang sa akin na huwag daw kitang istorbohin at baka pagod ka raw. Ano bang nangyayari sayo apo,”

“W-wala po lola. Iwan niyo po muna ako saglit,”

Kahit bakas ang pagtataka sa mata ni lola ay lumabas na lamang siya. Everything felt so real! Hindi pwedeng panaginip lamang iyon!

Buong mag damag ay umiyak lamang ako ng umiyak sa kwarto ko. Pag dating ng hatinggabi ay buong mag damag akong nag hintay sa dalampasigan. Nagbabakasakaling makikita kong muli ang barko. Inabot na ako ng pag sikat ng araw at wala pa rin akong nakikita. Nanlulumo akong umuwi sa bahay nila lola.

Nag aalala na rin sa akin sila mommy pati na rin ang mga kaibigan ko. Kinuwento ko sa kanila ang nangyari kaso hindi nila ako pinaniniwalaan. Dumating pa sa punto na pina check up na nila ako sa isang psychiatrist

Hanggang sa huli ay kinimkim ko na lamang ito sa sarili ko. Dahil ayaw kong malimutan ang pangyayaring iyon kaya ito ang ginawa kong kwento na ipapasa namin kay sir. Gie

Marami ang naantig sa kwento na ginawa ko kaya napag pasyahan ko na ipublish ito

“Papirma po ako Miss. Lowie,” ngumiti ako at pumirma

Masaya ako na nagustuhan nila ang gawa kong kwento. Ang akala ng lahat ay kathang isip ko lang ang mga nakasulat doon. Mapait akong napangiti

Nang matapos ang fan sign ko ay may isang lalaking humahangos ang lumapit sa akin. “I’m so sorry if I’m late but…….can you sign my book. I’m a fan of your works,”

Kumabog ang dibdib ko. Nang marinig ko ang baritonong boses na iyon ay hindi na ako nag atubili pang humarap sa kanya. Bumungad sa akin ang mala kulay na dagat na mata niya. Nag tubig ang mata ko

“Alam kong pag tatagpuin ulit tayo ng tadhana Hendrick,”

“Lowela………..”

The Ghost ShipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon