Kabanata 6

8 2 0
                                    

Habang naglalakad ako ay kinukurot kurot ko ang sarili para malaman ko kung nananaginip nga ba talaga ako pero walang nangyayari, nararamdaman ko rin naman ang sakit kaya panigurado ako na gising ako

Tuloy tuloy lang ako sa paglalakad ng bigla akong mabunggo sa bulto ng isang lalaki. “Ouch,” napatingin ako sa sapatos na nasa harapan ko. Dalawang pares ito. Kinakabahan akong tumingala

“You! Who are you!”

Napaatras ako dahil sa takot. Tiningnan nila ako mula ulo hanggang paa. Kumpara kasi sa suot ko na jeans at jacket ay wala na akong ibang dala. Tiningnan ko rin ang suot nila. It’s an old style of clothes but elegant, naalala ko ang ganitong klaseng uri ng damit. Ganito yung suot ng mga taga bantay noong sinaunang panahon. Ngunit base sa klase ng kanilang kasuotan, hindi lang sila basta basta isang bantay

“Get her!” utos nito sa kasama nitong lalaki

Nanlaki ang mga mata ko “No! I didn’t do anything! Let me go!”

“Shut up!”

Nag pupumiglas ako pero masyadong mahigpit ang pag kakahawak sa akin

“Bring her to Captain Hendrick,”

Bago pa ako maka angal ay kinaladkad na ako ng lalaki. Hindi na ako nag pumiglas pa dahil sinasaktan ko lang ang sarili ko. Sumunod na lamang ako. Bahala na kung ano ng mangyari sa akin

Umakyat kami sa isang hagdan. Hindi ko pa rin maiwasan na mamangha sa lahat ng madadaanan namin. Pakiramdam ko bumalik ako sa panahon kung kailan mahinhin pa ang mga babae

Kumatok ang may bitbit sa akin sa isang pula at malaking pinto

“ENTER!” sigaw ng nasa loob

“Ano ba! Kaya ko namang mag lakad! Hindi mona ako kailangang kaladkarin!” napairap nalang ako sa hangin. Pag pasok namin ay bigla na lamang niya akong itinulak kaya napadapa ako sa sahig “Aray ha!?” tiningnan ko siya ng masama ngunit nginisihan lamang niya ako

“Captain! We saw a girl walking near your office. We don’t know what she’s doing there. Mr. Valtazar suspecting that she might get important documents there,”
“Hoy! Sinungaling ka! Ngayon lang ako nakapasok dito no! Hindi ko nga alam kung nasaan ako napadpad kanina!” tumayo ako at buong tapang na tiningnan ang hinayupak na lalaking ito

“You may leave,”

Mag sasalita pa sana ako ng marinig ko ang baritonong boses na iyon. Nanginig ang tuhod ko dahil ramdam ko sa boses niya ang otoridad. Gosh! Ito naba ang katapusan ko?

“Sir let me explai--,”

Bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay dahan dahang humarap ang inuupuan ng lalaking tinawag nilang Captain Hendrick kanina. Parang biglang tumigil ang pag hinga ko ng humarap siya. Pumintig ang ulo ko and I don’t know why. It felt so natural…..

The Ghost ShipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon