-Emilee's POV-
Matagal ko nang feel na may kakaiba sa kin. Yung tipong out of place talaga ako. Introvert daw akong masyado, sabi nila. Sa sobrang pagkaweird ko daw, eh, iniiwasan na talaga nila ako. So, in short, wala akong kaibigan.
Paano ako weird? Ewan ko sa kanila. Ah, baka dahil mahilig ako sa black. Tapos mahilig akong magdaydream. Matalino naman ako, ah! Haha... Weird lang daw talaga. Nagsasasabi-sabi kung minsan. Naniniwala kasi ako sa mga supernatural na bagay. Yung tipong aliens! Gusto ko ng Smurf na alaga! O kaya dwarf! Ganon. Kaya heto, walang katapusang binubully ng mga kaklase ko. Hinahayaan ko na. Wala din naman akong magagawa.
Ah. Nakalimutan kong magpakilala. Ako nga pala si Emilee. Emilee Kaye Willows. Charot lang no? 5'2" ako, born with natural brown curly hair, at emerald-colored eyes. Inclined ako sa sports. I don't know why, pero ang dami kong alam na languages. Weird, no? Hala, pati ako nawi-weirduhan na sa sarili ko. Anyway, kasalukuyan ako ngayong nakatira sa Lola ko. Ewan ko kung Lola ko talaga siya, o hindi. Ang alam ko lang, siya ang kumupkop sa kin. Di ko kasi siya kamukha. Malay natin. Pero mahal na mahal ko ang Lola ko. Mahirap lang kami. Dahil sa scholarship, kaya nakapasok ako sa prestigious Maybelle High School. Senior na ko. Biruin mo, nakayanan ko kahit working student lang ako. Di kasi kaya ng pension ni Lola. Kaya hangga't kaya ko, ako na ang bahala sa gastusin ko sa school.
-school-
Boring. History. Habang nagtuturo ng lesson in monotone voice si Mrs. Smith, mid-50's, ay nagsi-scribble lang ako sa notebook ko. Manood ka ng mga movies na may teacher na matandang babae. Kung paano ang mukha nila, ganoon din ang mukha niya. Hay... (yawns.) Makatulog na nga.
Nagising na lang ako ng may bumato ng papel sa kin. Sanay na ko. Si Barbie na naman to. Ang bitch, barbie-like, blonde slut sa room namin. Siya ang anak ng Principal dito, at pinakamayaman sa lahat, kaya medyo kinatatakutan siya, pwera ako. Ang dami niyang 'troops' eh. Cheerleader kasi siya. Ewan ko bakit ako ang gusto niyang pinagtritripan. Malay ko ba. Inirapan ko lang siya tsaka nagsimulang lumabas.
"Hey. Where do you think you're going?" said Barbie, sabay irap gamit ng blue eyes niya. Grabe. Ang ikli ng palda mo, te. Gusto mo talagang marape? She played the locks of her curly, blonde hair while waiting for my answer. Susyal. English.
"Cr. Gusto mong sumama?" sarcastic na sagot ko. Deep inside, gustong-gusto ko na siyang saksakin ng dala kong lapis. Pasalamat ka, mahal na mahal ko tong lapis ko, bulong ko. Di ko na siya hinayaang makasagot. Tuluy-tuloy akong naglakad papuntang rooftop.
Hay. Buti na lang walang tao dito. Ito ang tambayan ko. At least walang mga mapanuring mata na sumusunod sa kin. Humiga ako. Inilahad ko sa langit ang mga kamay ko. Sino nga ba talaga ako? Siguro, alien ako. Tapos, naglanding invisible spaceship ko dito. Yun nga lang nabura ang mga alaala ko. Siguro nga! Kinuha ko ang sketch pad ko at nagsimulang magdrowing. Isang spaceship ang dinrawing ko. Especialty ko ang pagdodrawing. Wahaha... Ang galing ko kaya. Next page, ang sarili ko naman ang dinrawing ko. Ako na isang prinsesa. Wow. Prinsesa. Sosyal. Ayoko nga ng normal. Kaya ang ginawa ko, nilagyan ko ng pangil at pakpak ang drawing ko. Yan! Ang ganda ko dito. Prinsesa ng mga bampira!
Tumunog ang bell, sign na tapos na ang break. Hay. Babalik na naman ako sa realidad. Realidad na ayaw na ayaw na sa kin.
As usual, boring ang mga sumunod na klase. Kung di lang dahil sa scholarship, di ko titiisin ang pagpasok sa bwisit na eskwelahang to. Prestigious ang school na to. School ng mayayaman at sikat, in short. Matatalino, kung mahirap ka. Yun nga lang, tatadtarin ka ng bully. Parang ako. Yung tipong ipapamukha sa yo na 'Mahirap ka lang! Di ka bagay dito!'. Tipong ganon. Hay. Malas na buhay. Di bale, hahanapin ko na lang ang invisible spaceship ko mamaya.
Lunch na. Ang laki-laki ng cafeteria dito. Bilang working student, trabaho kong tumulong sa pag-aabot ng pagkain at condiments sa mga customers nito. Kahit ayoko ng ganitong trabaho, no choice dahil dito nakasalalay ang future ko. Go, Emi!
Waiter ako ngayon. Nag-aabot ng pagkain. Pagkarating ko sa destination ko, nakita ko si Barbie na may nilalandi. Wapakels lang si Atey. Binaba ko ang pagkain nila, yumuko kahit ayaw ko. Until may naramdaman ako sticky na tumutulo sa ulo ko. Red... Dugo?! OA! Ketchup lang. Ketchup. Bwisit. Sino yon?! Nagtawanan ang mga nasa table. Except dun sa guy na nilalandi ni Barbie. Whoah. Si Michael pala. Siya si Michael Lyonel. Heartthrob ng school, number one campus crush. Yun nga lang playboy. Ang dami na daw niyang napaiyak. Sa bagay. Marami nang nahihimatay just by looking at his piercing green eyes. Sabayan mo pa ng sexy niyang buhok. Lalo na ang dimples niya. Madami nang nafall sa bitag niya. Maliban sa kin. Weh... Aanhin naman niya ko, isang commoner?
Pinunasan ko gamit ng panyo ko ang buhok ko. Damn. Kung di lang working hours to, kanina ko pa binugbog ang bwisit na nagbuhos ng ketchup sa kin. Di ko na sila pinansin. Pero may di ako inaasahang nakita gamit ang peripheral vision ko. Si Mitchie boy, tinitingnan ako. Kinabahan naman daw ako. May nararamdaman akong masamang kutob dito. Kaya pagkatapos na pagkatapos nilang kumain ay dali-dali na kong umalis. Too close. May pumigil sa kin, eh.
Steve Burnham. Playboy na kasama sa mga nambubully sa kin. Tiningnan ko siya ng masama.
"Whoah, freak. We need you mamaya. May party mamaya sa bahay nina Barbie. Di ba magkapitbahay lang kayo? Don't worry. Babayaran ka namin. We need a maid. Okay? 200 bucks. Deal?"
"At bakit ako pa? Leave me alone." sagot ko.
"Please, freak? 500 bucks. Tsaka 1 week walang bullying. Deal?"
"Fine." wala na kong choice. Kakatempt yung 500 bucks. Sakto, kailangan namin ng pambayad ng kuryente ngayon. Tsaka 1 week walang bully! Hay... 1 week in peace... Napangiti ako don. Yes!!
BINABASA MO ANG
The Secret Prince and The Unexpected Princess
Teen FictionEmilee is what you can call a 'wallflower'. Living with her grandmother, she managed to study in a prestigious school using her brain and perseverance. Everything in her life is normal, the bullying, the boring lectures, the work. Not until the gorg...