Chapter 5

836 17 0
                                    

-Michael's POV-

Damn... Ang sexy pala ng babaeng to. Bakat na bakat sa night gown niya ang curves niya. Pinagmasdan ko ang natutulog niyang mukha. Mukhang hindi na siya binabangungot.

Ang sama-sama ko pala sa kanya. Ang akala ko pera lang ang habol niya sa kin. Na pumayag siya dahil alam na niyang prinsipe ako.

"K-Kiss...m-me..." Napatingin ako bigla sa kanya. Tulog...siya. Nananaginip ba siya?

"M-Mi...c-chael..." Shit. Di ko na napigilan ang sarili ko. Hinalikan ko siya. Di ko na namamalayang pinapasok ko na ang kamay ko sa night gown niya. Ang hot niya. I want her. Iba ang mga halik niya. Ang mga labi niya. Ang katawan niya. Ibang-iba ang nararamdaman ko...pag hawak ko siya... Naglalakbay na sa leeg niya ang mga labi ko nang bigla na lang niya kong sinipa.

"Aww!"

"Manyak ka! Layuan mo ko!"

"Eh sabi mo, 'Kiss me'. Di hinalikan kita."

Lumayo siya sa kin. Naglagay siya ng unan sa gitna namin. She glared at me. "Don't you dare lay a finger on me. Icacastrate kitang kumag ka. Perv!" Pagkasabi'y tinalikuran niya ko.

Di ko napigilang magchuckle. Yup. Di siya gaya ng ibang babae. Weird nga tong Ems na to. Mukhang magiging masaya to.

-Em's POV-

Bwisit na kumag na yon. Muntik pa niya kong gahasain. Buti na lang pala madali akong makiliti don. Pasalamat siya't pagod na pagod na ko. Kung hindi, pinutol ko na talaga isa-isa ang mga daliri niya. Kala niya siguro.

Kagising ko kinabukasan ay wala na siya sa tabi ko. Good. Pumasok ako ng banyo at naghilamos. Di ko namalayang may naliligo.

"Hoy, paabot ng tuwalya."

Napasigaw ako. "Manyak ka!" Napansin kong hubad siya kaya sabay talikod daw ako.

"Dali na Ems. Tsaka makikita mo din naman to sa near future. Curious ka pa nga nung nagcha-chat tayo di ba?" Narinig ko siyang tumawa. Nakatalikod kong kinuha ang towel. Hinagis ko ding patalikod. Dali-dali na ako nong tumakbo paalis.

Breakfast. Whoah. Ang dami, sobrang daming pagkain. Inalukan ako ng kape ng maid. Umiling ako. Nagsimula na kong kumain.

"Himala, ang graceful mong kumain." Amazed na tanong ni Michael.

"Anong tingin mo sa kin, patay-gutom?" sabi ko sabay irap sa kanya.

Natawa na lang si Frederick sa min. "Bagay kayo. Tama ang napili ni Lola. Alam talaga niya ang magpapabehave sa yo, insan."

"Shut up, Fred." sagot ni Michael sa pinsan niya.

Hinayaan ko na sila. Nang narinig ko na naman ang boses ng matanda. "Uuwi tayo ng Denmark ngayon." Nagulat kaming tatlo nina Mitchie boy at Frederick. O____O

No way!!

Wala naman daw kaming choice. Ano nga namang laban namin sa sadistang diktador na nanghahampas na lolang to? Shemay. Ayoko pa man din ng eroplano!

Dali-daling inasikaso ng maid ang mga gamit ko. May gamit pala ako? Tsk. Sosyal naman. Bag lang, LV ang tatak. Hay. Denmark, huh? Mga kalahi ni kumag. Sana lang di nila kaugali ang kumag na yon.

May nagsabi sa king nasa garden si Lola kaya dali-dali akong pumunta don. Niyakap ko nang mahigpit si Lola. "Lola..."

"Apo. Pasensya ka na kung walang magawa si Lola para protektahan ka, ha? Pasensya ka na talaga, apo." Hinalikan niya ko sa noo.

"Okay lang... Lola. Mamimiss kita. Ayoko pa man din ng mga eroplano."

Narinig kong tumawa ang Lola ko. "Wag kang matakot, apo. Ah. May nakalimutang ibigay si Lola sa yo." Pinatalikod niya ko. Nabigla ako nang may naramdaman akong malamig na tumama sa leeg ko. Kwintas?

"Napulot namin to, kasama mo. Biglang-bigla kami ng Lolo mo nang may natagpuan kaming batang babae sa harapan ng bahay namin. Tinago ko ito, sa pag-aakalang baka mapapahamak ka pag may nakahanap sa yong suot mo to. Ibibigay ko sana sa yo, pag 18th birthday mo na. Yun nga lang... Mukhang mapapaaga kang malalayo kay Lola. Tandaan mo, apo. Kahit di kita tunay na kadugo, mahal na mahal ka namin ng Lolo mo. Alagaan mo yan, ah?" Niyakap niya ko. Naiiyak na din ako. Niyakap ko siya ng mahigpit.

"Mahal na mahal din kita, Lola. Salamat sa lahat. Ikaw lang ang Lola ko. Ikaw lang."

Naramdaman kong may lumapit sa kin. Si Michael lang pala. Nagmano siya kay Lola.

"Iho. Alagaan mo ang apo ko, ha?"

"Makakaasa ho kayo." Makakaasa daw. Weh... Wahaha... Si Michael pa? Pervert na to. Muntik na nga kong gahasain ng kumag na to, eh.

"Tawag na tayo, Ems."

"Lola..."

"Apo. Magpakatatag ka. Sana sumaya ka na, Emilee ko. Magiging okay lang si Lola. Dali na."

Niyakap ko siya ulit na mahigpit. Kiniss ko siya sa noo. "I love you, Lola. Bye-bye."

"Bye-bye, apo. Mag-iingat kayo."

-Michael's POV-

Grandma talaga, pabugso-bugso kung gumawa ng desisyon.

Nakasakay na kami ngayon sa private plane namin. Nasa tabi ko si Emilee, nananahimik. Mabwisit nga.

"Hoy, tahimik mo, ah."

"S-Shut up." Takot ba siya?

"Ems? Okay ka lang?"

"T-Tigilan m-mo k-ko--- IYAAH!" Nagtatake-off na ang eroplano. Mabilis kong niyakap si Emilee. Sinenyasan ko ang mga crew na okay lang siya. Nag-aalala din kasi sila. Naramdaman din pala nilang takot ito.

"Shh... Okay na... Nasa ere na tayo... Maya-maya, nasa Denmark na tayo."

"A-Ayoko n-na... B-bababa n-na ko..." Nakapikit siya't mahigpit na nakahawak sa kin. Naaksidente ba siya dati...na may kinalaman sa eroplano? Sinubukan ko na lang siyang pakalmahin. Buti na lang at nakatulog siya.

Di ko namalayang nakatulog din pala ako. Sakto akong nagising nang palanding na kami. Ginising ko na din si Emilee.

"Ems. Nandito na tayo. Gising na."

Unti-unti niyang minulat ang mga emerald niyang mga mata. Ang ganda talaga... Napansin kong namutla siya. Hinawakan ko ang kamay niya. "It's okay now. Palanding na tayo. Nandito na tayo. Konting tiis na lang." Nakita ko na lang siyang tumango. Ngumiti ako.

"Paano ka niyan sasakay sa spaceship mo kung takot ka sa eroplano?"

"A-Ako magdadrive ng spaceship! Tsaka... Tsaka... Basta! Mas okay ang spaceship kaysa eroplano!"

"Sabi mo, eh." Hay... Nandito na naman ako.

--- haha... Walang maisip na title. Pasensya na... :D Enjoy reading! 

The Secret Prince and The Unexpected PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon