Chapter 4: Fiance... what? Meeting the sadist Grandma!

925 15 0
                                    

-Emilee's POV-

Kinabukasan, as usual pa rin. Pwera na lang sa nakakainis na Mitchie boy na sunod ng sunod sa kin.

I glared at him. "Akala ko ba we had a deal?"

"Turuan mo kong magdrawing. Dali na." May dala siyang sketch pad.

"Eh hindi naman tinuturo ang pagdodrawing eh." Hmm... May mali. Napatingin ako sa paligid. Gulp. Ang sasama ng mga tingin nila sa kin. Shemay. Then I came into realization. Bwisit na chismosong janitor!!

Napansin kong nagdodrawing si Michael habang tinititigan ako. Namula ako. "Wag kang malikot!"

"Bakit ako?!"

"Shh. Stay still." Grr... Hay. Ang thickheaded ng lalaking to. At hindi ako aso ah.

"Yan! Tapos na!" Parang bata na excited niyang pinakita sa kin ang drawing niya. Ako...to? "Ako ba yan?"

"Ang sama mo. Ikaw nang pro."

"Eh sa hindi ko kamukha eh. Mas maganda yan. Kahit panget nagdrawing."

"Talaga?! Maganda! Sabi ko na, eh! May talent ako dito." Kaya nga ayaw ko siyang purihin, eh. Ang yabang-yabang niya agad. Hala. Ang sama na ng tingin ni Barbie girl. Lalayo na ko. "May pasok pa ko."

"Hey!" Sinundan pa rin ako ni kumag. Tinakbuhan ko siya.

Uwian na ng mapansin kong may nakalimutan ako.

"Si Sloan!" Nagmadali akong umuwi at kinuha si Sloan sa kama ko. Hay, ang cute ng baby ko. Wait lang. Saan pala nakatira si Mitchie boy? Isip Ems, isip--- Ah! Yung directory! Mabilis kong hinanap ang directory na bigay ng Home Econ class namin. Lyonel, Lyonel-- Ayun! Yes! Nagmadali kong sinakay sa bike ko si Sloan at humarurot papunta sa bahay nina Michael.

WHOAH!! Ang laki! Nakatunganga ako ngayon sa gate ng malapalasyong bahay ni Michael. Hay. Mayayaman talaga.

"Sino sila?" tanong nung guard na nagbabantay ng gate.

"A-Ah. Classmate po ni Michael. Ibibigay ko lang sana sa kanya ang baby namin." Ipinakita ko si Sloan.

"Ah. Si Moan." Sloan, damn it. Ang bingi talaga ng Michael na yun. Pervert pa! Binuksan nila ang gate.

"Akin na po siya. Ako na lang po ang mag-aabot sa kanya." Ayoko nga! No way! Mapahamak pa ang exam at project ko.

"Ako na lang po." Sabay karipas ng takbo papasok ng bahay. Waah! Ang laki! Nakakalula. Isa-isa kong binuksan ang mga kwarto, hoping na makita ko si Michael. ANG DAMI! Nakasunod pa rin sa kin si Guard. Wala na siyang nagawa kundi sundan ako. Hahaha. Narinig ko ang boses ni Michael. Eto na yun. Dali-dali kong binuksan ang pinto.

"Sheesh! Bakit di mo pinaalalang sa yo si Sloan ngayon?! Mitchie boy pervert! O!" Iniabot ko sa kanya si Sloan. Tinitigan lang niya ko. Surprised, te? Sa bagay, bigla-bigla na lang akong pumapasok sa bahay ng may bahay. Hayaan mo na. May part time job pa ko. "Bye-bye, Sloan. May work pa si Mama." Aalis na sana ako ng may humarang na babae sa kin. Di pala nag-iisa si Michael sa kwarto. Nakita ko din si Frederick na takot ang expression. Hala. Wrong timing ata ako.

The Secret Prince and The Unexpected PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon