Kabanata 2

2.5K 52 0
                                    

Andrea's Pov

Miss_Heartlessgirl

______________________

"Did I told you to go out?!, Diba sinabi ko na sayong wag Kang lalabas?!" Napapikit ako sa sobrang taas ng boses niya.

"A-ano. Nagkita lang Naman kami ni Vina eh..Yun Lang Naman..n..nababagot na Kasi ako dito sa ba--"

"Shut the fuck up!!, I don't need your explanation!"napayuko ako ng pinutol niya Ang dapat kong sasabihin.

"S..sorry Enrique.." gusto ng kumawala ng Mga luha ko pero pinigil ko iyon.

"Wag mo akong tawagin sa pangalang iyan, si Katrina lang ang pwedeng tumawag sa akin ng ganyan"narinig kong Sabi niya. Tuluyan ng tumulo Ang aking mga luha. Wala itong patid na nagsituluan. Nakita ko pa Ang bahagyang pagkabasa ng tiles dahil sa luha ko.

Si Katrina Ang dati niyang girlfriend bago Niya ako nakilala. Hindi ko Lang akalain na nagkabalikan na pala sila ngayon kahit asawa ko na siya.

Napasinghot ako para subukang pigilan Ang pag iyak ko. Nananakit na Ang lalamunan ko sa pagpipigil na humagulhol. Hilam narin Ang Mga Mata ko dahil sa luha. Pero pinanatili Kong nakatungo Ang akin ulo para Hindi Niya makitang umiiyak ako.

Kinaya ko lahat ng masasakit na salita na nanggaling sa kaniya pati na Rin ang sakit ko.  Pero Hindi ko yata Kakayanin na may ipapalit siya sa posisyon ko sa buhay niya lalong-lalo na sa puso niya.

Kasi Mahal na Mahal ko siya.

Narinig ko Ang Mga yapak niya paalis. At ng tuluyan na iyong mawala sa pandinig ko ay napasalampak ako ng upo sa lapag at pinakawalan ko Ang Mga hikbing kanina pa gustong kumawala sa bibig ko.

Anong gagawin ko?, Mukhang tuluyan na talaga akong mawawala sa buhay niya. Gusto ko pa siyang makasama habang nabubuhay pa ako...kahit pa sasaktan Niya ako basta kasama ko Lang siya ay ayos na ako..Kasi..Kasi Hindi na iyon mangyayari Kung mawawala na ako sa mundong ito...

Hindi ko Alam Kung ilang oras akong umiyak habang nakasalampak sa lapag. Tumigil lang ako ng maramdaman ko Ang pagpaos ng boses ko at Ang pagsimula ng pagsakit ng ulo ko.

Kahit nanghihina ay nagawa Kong itukod Ang kamay ko sa sahig para kumuha ng lakas na tumayo. Hawak hawak ko Ang aking ulo at sinasabunutan ito dahil nagsisimula na namang sumakit ang ulo ko.

Hindi ako pwedeng atakihin dito. Ayokong marinig niyaang sigaw ko, ayokong malaman niyang may sakit ako. Mariin Kong kinagat Ang labi ko dahil parang pinukpok ang ulo ko ng matigas na bagay. Pumipintig ito sa sobrang sakit. Nanlalabo Ang Mga Mata ko habang tinatahak Ang maids quarter Kung saan ako natututulog.

Ng makaapak Ang paa ko sa loob ng silid na iyon. Ay malakas ko iyong isinarado Hindi ko na nagawang ikandado iyon dahil sa sobrang panlalabo ng paningin ko. Mas napariin Ang pagkagat ko sa labi ko. Nalasahan ko pa ang dugo na lumabas Doon dahil sa sugat pero Hindi ko malang naramdaman Ang sakit dahil mas nangingibabaw Ang sakit sa ulo ko.

Agad akong humiga sa kama na kasya lang sa akin at nanginginig na kinuha ang kumot. Kinagat ko iyon para Hindi makagawa ng ingay. Naluluha na ako sa sakit at until unti nig bumibigat Ang talukap ng Mga Mata ko.

Hanggang sa Hindi ko na nakayanan at tuluyan na akong kinain ng kadiliman.

NAGISING ako dahil sa ilaw na tumatama sa mukha ko. Agad na dumako Ang paningin ko sa orasan na nakapatong sa lamesa. Napabalikwas ako ng Tayo ng makitang alas diyes y medya na ng Umaga.

Dali Dali akong lumabas sa

silid ko at tinungo Ang kusina per napatigil ako ng may bumungad sa akin Doon.

"Oh?, You're here na pala..I wonder Kung nakakakain pa si Enrique Kung ganito Naman pala ka AGA Ang pagbangon mo.."maarte nitong Sabi habang hawak hawak Ang sandok.

Nginitian Niya ako ng peke at bumaling ulit sa niluluto Niya.

"Pumasok ka na Doon at matulog ulit. Nakakahiya Naman sayo Kung maabala ka pa.. Don't worry ako na Ang mag aalaga sa Mahal ko..Hindi magtatagal ay ito na Naman Ang gagawin ko araw araw Kung magpapakasal na kami eh.."

Mahina pa itong tumawa na parang nang aasar.

Napayuko nalang ako. Ayokong lumaban at Kung gagawin ko man iyon Wala akong mapapala. Mapapalaki lang Ang alitan namin. Tumungo ako sa Mga tasa saka kumuha ako ng Isa at nagtimpla ng Kape para sa asawa ko. Pero nagulat ako ng bigla akong binangga ni Katrina Kaya bahagya akong natisod at natapon ang itinimpla Kong kape.

Napaawang ang aking bibig ng makita ko kung paano tumulo iyon papunta sa sahig. Ng tignan ko si Katrina. Nakita kong nangingisi na siya pero ng makita niyang nakatingin ako sa kaniya ay biglang binago niya ang ekspresyon niya.

Tinignan niya ako ng nakakaawa. "Ohh, I'm so sorry Andrea I didn't mean to do it.." inarte niya. Umusbong ang galit sa aking dibdib dahil alam kong sinasadya niya iyon.

Ayokong ng gulo kaya huminga ako ng malalim at labag man sa loob ko ay nginitian ko siya ng pilit. "Okay lang..gagawa nalang ako ng bago." Sabi ko.

Nakita ko kung paano tumaas ang kilay niya sa sinabi ko. Hindi ko nalang siya pinansin at muling ibinaling atensiyon ko sa nalaglag na tasa at pinulot iyon.

Nagtimpla ako ng bago at dinala iyon sa hapag. Naabutan ko doon si Enrique na nakaupo na. At sa gilid niya ay si Katrina na nakangiting tinititigan siya. Nakita kong lumipat ang tingin niya sa akin at kitang Kita ko kung paano umikot ang mga mata niya.

Kumain na kami at kahit masakit Ang puso ko dahil sa niririnig at nakikita kong paglalampungan nila ay tiniis ko. Kailangan ba talaga naming umabot sa Punto na kakain kami na kasama si Katrina?.

Tanggap ko na, na Hindi na ako ang mahal niya dahil gusto ko siyang maging masaya pagmawawala na ako. Pero hindi ba pwedeng akin na muna siya habang nabubuhay pa ako?.

Kasi hinding Hindi ko na siya makikita pag mawawala na ako, hinding Hindi na..

The innocent wife's secretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon