Kabanata 18

4.3K 91 57
                                    


"Welcome back! Andrea! "

"Welcome home bes! "

"Welcome back hija! " nagulat ako ng pagbukas palang ng malaking pintuan ng mansion ay isang malakas na mga sigaw ang sumalubong sa amin. Kasabay ng mga paputok. Nakaalalay sa akin ang mga braso ni Enrique na kahit anong gawin kong pagpipigil ay tinatanggihan niya.

Mga nakangiting mukha ni Vina, mama, at Serenity ang sumalubong sa akin. Nangilid ang aking mga luha sa sobrang galak at saya. Sa init palang ng pagsalubong nila sa akin ay naramdaman ko na ang saya nila dahil sa pagbabalik ko.

Napangiti ako lalo na ng isa-isa silang naglapitan sakin at niyakap ako ng mahigpit. Halos maglilimang buwan narin ang nakalipas mula nung dinanas ko ang matinding sakit at kahapon lang ay i -nanunsyo ng doktor na maaari na akong lumabas ng ospital na talaga namang ikinasaya ko ng lubusan.

Nag-angat akong tingin at sumalubong sa akin ang nakangiti at maaliwalas na mukha ni Enrique. Malambing pa siyang nakatingin sa akin. Hindi magawang suklian ang ngiting iyon kaya nag iwas na lamang
ako ng tingin. naalala ko pa kanina kung paano siya umiyak at nagmakaawa na tumira ako kasama siya. At dahil ayokong naging pagbigat kay manang ay sumama nalang ako at isa pa pinilit ako ni manang kanina na sumama nalang daw ako kay Enrique dahil baka mabinat pa ako doon sa restaurant.

Sobra ang saya na nakikita ko sa mga mata ng mga tao dito. Ipinalibot ko ang paningin sa buong mansion kung saan kami magsimula at natapos na mag asawa. Parang kailan lang ay ang tahimik nito pero ngayon ay puno na ng ingay. May mga labindalawang maids ang nakahalira sa labas kanina at binati ako na lubos ko talagang ikinagulat. Noong mag asawa pa kasi kami marami talaga ang nagsisilbi sa amin pero pinalipat sila ni Enrique sa mansion nila mama nung magsimula ang problema sabi niya pa kaya ko na daw ang gawain dito.

Oo nga't pinagbigyan ko siya na manatili ako dito pero hindi ako magtatagal dito ayokong namang mamuhay dito na parang isang reyna. Kung kinakailangan ay tutulong ako sa gawaing pambahay may silbi lang ako dito.

Nagpunta kami sa dinning area ay nanlaki ang aking mga mata ng makitang sobrang dami ng nakahandang pagkain dito. Halos lahat pa na nandoon ay paborito ko at ang ilan ay mga sosyal na pagkain. Sa gilid ay may mga maid na nakatayo.

"A.. Ang dami naman ng inihanda niyo.. " nahihiya kong bulong. Mas hinigpitan ni Enrique ang pagkakayapos sa akin at Hinalikan ng aking tuktok. Iginiya niya ako paupo sa upuan at saka siya tumabi sa akin.

Nag kaniya kaniya namang upo sina Vina, mama at Serenity doon. Pansin ko na ang malaking tiyan ni Serenity at wala sa sariling napangiti ako. Kita sa mukha niya ang saya. Yung asawa niya ay nasa gilid niya at inaasikaso siya ganon din ang ginagawa ni Harry kay Vina na kuntodo reklamo. Sobrang saya ko para sa kaibigan ko Hindi ko tuloy maiwasang magtanong. Kailan kaya ako sasayang muli?. Siguro hindi na...

Natigil ako ng may humawak sa aking kamay. Nag angat ako ng tingin at sumalubong sa akin ang abong mga mata ni Enrique na malamlam na nakatingin sa akin. Habang nakatitig sa kaniya ay hindi ko maiwasang malungkot. Parang kailan lang ay ang lapit lapit niya sa akin pero ngayon pakiramdam ko ay para siyang isang bula na kapag hinawakan ay basta nalang puputok. Sobrang hirap niyang abutin. Kahit paulit ulit niyang sinasabi na mahal niya ako ay hindi parin magawa ng puso ko na magtiwala. Sobrang hirap na kasi lalo na at ipinaintindi niya sa akin noon na kailanman ay hindi niya ako minahal.

"Are you okay?.. " Malambing niyang tanong ngunit may halong pag aalala.
Yumuko ako at bahagyang tumango. Nagulat ako ng may bigla siyang iniumang sa akin na pagkain. Nagtataka ko siyang tinignan.

"Come on misis. You need to eat.. " iniawang ko ang aking bibig para tanggapin ang isinubo niya sakin. Ayokong namang mapahiya siya lalo nat Ramdam ko ang mga mata ng nakatingin sa amin. Nahagip ng paningin ko si Vina at ng magtama ang aming paningin ay nginitian niya ako subalit may kasama iyong lungkot. Alam ko naman kasi na alam niya na hindi saya ang nararamdaman ko ngayon sa ipinapakita ni Enrique.

The innocent wife's secretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon