Kabanata 17

3.4K 64 7
                                    

Andrea's pov

"Eat more wife... " malambing niyang sabi. Nakatitig lang ako sa kaniya habang sinusubuan niya ako. Halos magdadalawang buwan na rin ang lumipas mula nung inatake ako ng sakit ko.  Akala ko mawawala na ako sa mundong ito. Mula nung magising ako ay palagi nalang ang mukha niya ang bumubungad sa akin.

Hindi ko tuloy malaman kong ano ang mararamdaman ko sa mga ipinapakita niya dahil pakiramdam ko ay bumalik ang dating siya. Sa loob ng halos dalawang buwan kong pananatili dito ay walang araw na hindi ko nasisilayan ang kaniyang mukha. Para bang muli niyang ipinaramdam na ako lang ang babae sa buhay niya. Pero sa halip na matuwa ay mas lalo lang akong nasasaktan sa mga ginagawa niya.  Pinaka ayaw ko sa lahat ay ang kinakaawaan ako at iyon ang palagay ko sa pinapakita niya. Pakiramdam  ko kaya niya lang ito ginagawa ay dahil sa naaawa siya sa akin.

Magdadalawang buwan na pero hindi ko parin naitatanong sa kaniya  kung bakit bigla nalang bumalik sa dati ang pagtrato niya sa akin. Muli niyang ipinaramdam sa akin ang pag aalaga at ang pagiging malambing. Sa bawat titig na ibinibigay niya sa akin na may halong lambing at pagmamahal.  Pero bakit ganon?  Bakit nasasaktan ako sa pinapakita niya?  Siguro dahil pakiramdam ko ay kaya niya lamang ito ginagawa ay dahil naaawa siya sa akin.

Manipis ang buhok ko pero kahit papaano ay unti unti na itong tumutubo hindi kagaya noon na halos makalbo na. Nararamdaman ko rin ang unti-unting pagbalik ng aking lakas.

natigil ako sa pagkatulala ng may humawak sa aking mga kamay at kasabay ng pagdampi ng isang malambot na bagay sa ibabaw nito.

"Tulala ka na naman misis ko. May masakit ba sayo? " masuyo nitong tanong pero may bahid na pag aalala ang boses. Umiling ako at napayuko. Ayokong titigan ang mga mata niya dahil baka masaktan lang ako.

"Hey... " iniangat niya ang aking baba at masuyo akong tinignan.  Hindi mawala wala ang pag-aalala sa kaniyang mukha. Tinitigan niya ang mga mata ko. Hindi ko alam kung bakit bigla nalang tumulo ang aking mga luha.  Nakita ko kung paano siya nataranta.

"Hey... Why are you crying?  May masakit ba?  Yung ulo mo masakit?.. Shh.. Stop crying my wife" masuyo niyang hinaplos ang likod ko habang hindi malaman kung ano ang gagawin.

"A.. Ano pang ginagawa mo d.. dito?.. B.. Bakit mo pa ako inaalagaan?.. " nakita ko kung paano siya natigil. Pinahid niya ang mga luha ko at dumaan ang sakit sa kaniyang mga mata.

"You are my wife.. Its my responsibility to rake care of you... " mataman niya akong tinitigan. Napangiti ako ng mapait. Nakakalimutan niya na siguro na hindi na kami mag asawa.

"A.. Alam mo... Na wala nang katotohanan ang mga salitang yan.. Alam mo na hindi na kita asawa.. Enrique.. " sobrang sakit ng katotohanan na iyon pero wala akong magawa. Hindi ko na siya pag aari. Siya mismo ang nagpawalang bisa sa aming kasal. Nakita ko ang pagdaan ng sakit sa kaniyang mga mata pati narin ang pagsisisi.

"And that is my biggest mistake,  wife... Pinagsisisihan ko ang araw na yon. Nasaktan kita... Ginawa ko ang bagay na  labag sa kaluoban ko.  Hindi kita napagkatiwalaan.  Gusto kong magsimula tayo muli misis... At sa pagkakataong to.. Hinding hindi na kita bibitawan ulit.. I love you.. " napapikit ako sa sinabi niya at binitawan ang kamay niya saka ako ngumiti ng mapait.

"wag ka ng magsinungaling.. Please?.. Wag mo ng pilitin ng sarili mo na mahalin ako.. Alam ko naman kasing napipilitan ka lang dahil naaawa ka sakin.. Tama na Enrique.. Kasi.. Mas lalo lang akong nasasaktan sa ginagawa mo eh... " tumulo ang mga luha ko habang sinasabi iyon sa kaniya. Nakita ko kung paano namula ang mata niya dahil sa paambang luha.

Sunod sunod siyang umiling at muling hinawakan ang aking kamay puno ng kadesperaduhan ang kaniyang mga mata.

"No.. No.. Please maniwala ka mahal.. Im not pretending.. I love you.. I really do, mula nung una palang  kitang nakita hanggang ngayon at hinding hindi na magbabago yon.. please believe me.. Im begging you.. " hinawakan niya ang kamay ko ng mahigpit at sunod sunod na hinalikan iyon naramdaman ko nalang ang pamamasa nito dahil sa kaniyang mga luha. Hindi ko na napigilan ang aking pag iyak.

The innocent wife's secretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon