Kabanata 8

2.4K 39 10
                                    

Tinuyo ko ng towel ang aking kamay matapos kong maghugas ng pinggan. Napapahid ako sa pawis na nasa noo ko at kumuha ng baso para uminom ng tubig.

Ang bilis ko na talagang mapagod. Naalala ko Hindi pa naman ako ganito noon pero ngayon, kahit maglinis lang ng mga pinggan napapagod agad ako. Kumain muna ako ng slice bread at orange juice dahil yon lang ang nakalagay sa reft.

Nagtungo ako sa pool na malapit sa garden upang sumagap ng sariwang hangin.
Ang bilis lumipas ng panahon. Parang dahon na tinangay ng hangin ang masasayang alaala namin.

Umupo ako at tinanggal ang aking tsinelas bago inilublob ang aking paa sa tubig. Napabuntong hininga ako. Napakalungkot. Yun lang ang nararamdaman ko sa ngayon.

Nasa kalagitnaan ako ng pag iisip ng may magsalita sa aking likuran.

"Ohh..here comes the bitch.." mapanuya ako nitong tinignan. inalis ko ang pagkakalublob ng aking paa sa tubig at tumayo.

"Katrina...anong ginagawa mo d-dito?.." nauutal Kung tanong. Tumaas ang kilay niya at ngumiti ng mapanuya.

"Bakit Hindi ako pupunta dito? Dito nakatira ang boyfriend ko. Malamang pumunta ako dito para sa kanya.." sarkastiko niyang Sabi sabay ikot ng kaniyang mga mata. Napakuyom ang aking kamay sa sinabi niya kasabay ng pagkirot ng aking dibdib.

Umiwas ako ng tingin para Hindi niya makitang nasasaktan ako ayokong isipin niya na mahina ako. Hindi ako nagsalita at nanatiling nakatingin sa gilid na parang may sinusuri Doon kahit Wala naman.

Narinig ko nalang ang mga yapak niya paalis. Don ko na tuluyang iniangat ang aking ulo at tinignan ang papalayo niyang bulto. Tumingala ako upang pigilan ang pagtulo ng aking luha dahil naramdaman ko ang pangingilid nito.

Huminga ako ng malalim at naglakad papasok sa mansyon.

"Honey....sige na..samahan mo na kasi ako.." napatigil ako sa pagpasok ng marinig ko ang boses ni Katrina. Sumilip ako para tignan sila. Parang kinurot ang aking dibdib ng Makita si Katrina na nakakandong sa aking asawa.

Napakagat labi ako upang pigilan ang pagsinghap at nangilid ang aking luha. Humigpit ang pagkakakapit ko sa laylayan ng aking damit dahil sa sakit na gumuhit sa aking dibdib.

"You know that I can't come with you Katrina, may meeting ako mamaya" narinig kong sabi ni Enrique Kay Katrina.

"But..I want you to come with me..sige na please? Can you just cancel your meeting for me?" Sobrang lambing ng boses niya na parang umaamo ng bata.

Hindi nagsalita si Enrique at tumayo. Aalis na Sana ako dahil alam Kung makikita niya ako pero huli na ang lahat dahil nakasalubong ko ang mga mata niya.

Nagbaba ako ng tingin dahil hindi ko matagalan ang pakikipagtitigan sa kanya. Hindi ko mabasa ang pinapahiwatig ng mga mata niya.

"Where have you been.." malamig niyang tanong. Napatingin ako ulit sa kanya at kahit ayaw bumuka ng aking bibig at nagsalita ako.

"S..Sa pool Lang.." mahina kung tugon sapat na para marinig niya. Nakita ko Kung paano napairap sa hangin si Katrina.

" Don't go outside, we're just going somewhere. Stay here and don't do stupid things" matigas niyang sabi na animoy nagbabala. Tumango ako at nagbaba ulit ng tingin.

Narinig ko ang masayang boses ni Katrina. " Really?!..you will come with me?!. Oh god. Thank you! I love you!" Animoy Bata na lumingkis si Katrina sa braso ni Enrique. Parang hinahati ang aking puso sa aking nakikita.

Pasimple kung pinahid ang luha na tumulo sa aking mga mata at mas tumungo upang Hindi nila makita. Nang mag angat ako ng tingin ay nakasalubong ko ulit ang mga mata ni Enrique. Hindi ko mabasa ang nasa isip niya dahil malamlam lang itong nakatingin sa akin.

The innocent wife's secretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon